Pumunta sa nilalaman

Buhawi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang buhawi.

Ang buhawi, alimpuyo, tornado, o ipu-ipo[1] ay isang biyolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na kumulonimbus, o sa hindi kadalasang pagkakataon, sa paanan ng isang ulap na kumulus. Dumarating ang mga buhawi sa maraming mga sukat at laki ngunit karaniwang nasa anyo ng isang nakikitang embudo ng kondensasyon, na humihipo ang makipot na dulo sa lupa ng mundo, at kalimitang napapalibutan ng ulap o usok ng mga pinagguhuan o mga nawasak at mga alikabok.Ang buhawi ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang and ipo-ipo naman ay nabubuo sa ibabaw ng tubig.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Tornado - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Kalikasan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.