Pumunta sa nilalaman

Biyadukto ng Candaba

Mga koordinado: 14°57′15″N 120°46′36″E / 14.9542°N 120.7767°E / 14.9542; 120.7767
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Biyadukto ng Candaba
Candaba Viaduct

Biyadukto ng Candaba noong Disyembre 2019.
Opisyal na pangalan Candaba Viaduct
Nagdadala ng North Luzon Expressway
Tumatawid sa Latian ng Candaba
Ilog Pampanga
Pook Apalit, Pampanga (hilaga)
Pulilan, Bulacan (timog)
Pinanatili ng Manila North Tollways Corporation (MNTC)
Nagdisenyo Aas-Jakobsen[1]
Disenyo Biyadukto
Materyales kongkreto, aspalto
Kabuuang haba 5,000 m (16,000 tal)
Lapad 12 m (39 tal) kada direksiyon
Taas 15 m (49 ft 3 in)
Simulang petsa ng pagtatayo 1974
Petsa ng pagtatapos sa pagtatayo 1976
Petsa ng pagbubukas 1977-kasalukuyan
Bayarin Mayroon (bahagi ng mabilisang daanan)
Mga koordinado 14°57′15″N 120°46′36″E / 14.9542°N 120.7767°E / 14.9542; 120.7767

Ang Biyadukto ng Candaba (Ingles: Candaba Viaduct), na kilala rin bilang Tulay ng Pulilan–Apalit (Pulilan–Apalit Bridge), ay isang 5 kilometro (3 milyang) tulay na dumadaan sa ibabaw ng Latian ng Candaba (Candaba Swamp) at ang katabi nitong Ilog Pampanga sa North Luzon Expressway (NLEX) at nag-uugnay ng mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan.[2] Ito ang pinakamahabang tulay sa bansa,[2] at binubuo ito ng apat na mga linya (dalawa pahilaga at dalawa patimog). Ang biyadukto ay dinisenyo ng Aas-Jakobsen (isang kompanyang tagasangguni ng inhinyeriyang sibil o civil engineering consultant company na nakabase sa Oslo, Noruwega)[1], at itinayo ng Construction Development Corporation of the Philippines (CDCP, na kilala ngayon bilang Philippine National Construction Corporation) bilang bahagi ng pagtatayo ng buong mabilisang daanan.[3]

Itinayo ang tulay noong 1976. Kapwa itinayo ang tulay at NLEX bilang bahaging proyekto ng Pandaigdigang Bangko para sa Muling Pagsasaayos at Pagpapaunlad (IBRD) sa pamamagitan ng Ministro ng Lansangan Bayan.[3] Natapos ang proyekto noong 1977 at sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1113, ipinahintulot ni noo'y Pangulo Ferdinand Marcos sa CDCP ang prankisa upang mapanatili at mamahala ng NLEX kasama na ang Biyadukto ng Candaba.[4] Noong Pebrero 10, 2005, ang pamamahala at pagpapanatili ng buong NLEX ay inilipat sa Manila North Tollways Corporation.[5]

Ang biyadukto ay nakatanaw sa Bundok Arayat, at nakaangat ito sa ibabaw ng Latian ng Candaba, at ito'y nagpapanatili sa pagiging bukas sa trapiko ang mabilisang daanan, kahit na bumabaha ang latian tuwing tag-ulan o kapanahunan ng balaklaot.[6] Ang mga ilaw, mga emergency callbox, at CCTV sa kahabaan ng biyadukto ay pinapagana ng mga panel na solar dahil sa suliranin ng paglalagay ng mga linya ng kuryente sa biyadukto.[7]

Noong Pebrero 2017, inanusiyo na papalawakin ang Biyadukto ng Candaba at magkakaroon ng mga bagong linyang pangmabilisang daanan sa parehong tabi ng biyadukto.[8]

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tanawin ng Latian ng Candaba mula sa biyadukto. Sa dakong kaliwa ng retrato (sa likod ng billboard) mapapansin ang Bundok Arayat.

Ang Candaba Viaduct ay dumadaaan sa Latian ng Candaba at Ilog Pampanga at nagkokonekta sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan, samakatuwid, ang alternatibong pangalan nito. Karamihan sa mga bahagi nito ay naglilinya ng mga billboard, palayan, at ilang mga puno. Ang linyang transmisyon ng Hermosa-Duhat-Balintawak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay nasa kanlurang bahagi ng biyadukto mula Marso 2011 na kung saan nilipat ang bahaging San Simon-Pulilan ng nasabing linya ng kuryente dahil sa pagpapalawak ng MacArthur Highway, kung saan ang mga poste na bakal ay nagbigay ng peligro sa kaligtasan.

Ang biyadukto ay nagsisimula sa Barangay Dulong Malabon sa Pulilan kung saan may ilang mga bahay na matatagpuan sa ilalim nito at pagkatapos ng ilang metro, dadaan ito sa munisipalidad ng Calumpit. Papasok ito sa Pampanga (Apalit) matapos na dumaan sa isang lugar na may mga puno ng palma, nagpapatuloy ng isang tuwid na ruta, at dadaan ng Ilog Pampanga, kung saan makikita ang simbahan ng parokya mula sa kalsada. Ang isang tulay pantawid (footbridge) ay matatagpuan sa linyang patimog. Nagtatapos ang biyadukto matapos tumawid ng Pampanga River.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Candaba Viaduct". Structurae. Nakuha noong 2 Marso 2017.
  2. 2.0 2.1 "Bridges for Development". BusinessWorld. 30 Agosto 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hulyo 2018. Nakuha noong 2 Marso 2017.
  3. 3.0 3.1 "PNCC PROJECTS". Philippine National Construction Corporation. Nakuha noong Marso 2, 2017.
  4. "P.D. No. 1113". www.lawphil.net. Nakuha noong 2 Marso 2017.
  5. "PNCC::dot::Ph : OUR BUSINESS". www.pncc.ph. Philippine National Construction Corporation. Nakuha noong 2 Marso 2017.
  6. "How to prepare for our future climate". World Economic Forum. 20 Mayo 2014. Nakuha noong 2 Marso 2017.
  7. Remo, Amy R. (9 Agosto 2011). "Solar-powered lamp posts eyed for NLEx". business.inquirer.net. Nakuha noong 3 Marso 2017.
  8. "P2.6b Nlex expansion in the offing". Manila Standard. 23 Pebrero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2017. Nakuha noong 3 Marso 2017.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]