Pumunta sa nilalaman

Balada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Balad)
Maria Wiik, Ballad (1898)

Ang balada o ballad ay isang anyo ng tula, kadalasang isang salaysay na nasa musika. Hinango ang mga balada sa Pranses na medyebal na chanson balladée o ballade, na orihinal na nangangahulugang "mga awit ng sayaw". Partikular na karakateristiko ang mga balada ng tanyag na tula at awit ng Bretanya at Irlanda mula sa Huling Gitnang Panahon hanggang sa ika-19 na dantaon. Malawakang ginagamit ang mga ito sa buong Europa, at kalaunan sa Australya, Hilagang Aprika, Hilagang Amerika at Timog Amerika.

Habang walang itinakdang kayarian ang mga balada at maaaring iba-iba ang kanilang bilang ng mga linya at saknong, maraming mga balada ang gumagamit ng apatang-taludtod na may iskimang tulang ABCB o ABAB, na susi ang nakatugmang ikalawa at ikaapat na linya. Taliwas sa popular na pagkaunawa, bihira kung hindi man wala ang isang balad na naglalaman ng eksaktong 13 linya. Bukod pa rito, bihira ang mga dalawahang-taludtod na lumabas sa mga balada.

Maraming balada ang isinulat at ibinenta bilang mga isahang-pirasong broadside. Kadalasang ginagamit ang anyo ng mga makata at kompositor mula noong ika-18 dantaon pataas upang makagawa ng mga baladang liriko. Sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon, nagkaroon ang katawagan ng kahulugan ng isang mabagal na anyo ng sikat na awit ng pag-ibig at kadalasang ginagamit para sa anumang awit ng pag-ibig, partikular na ang sentimental na ballad ng musikang pop o rak, bagaman, naikakabit din ang katawagan sa konsepto ng isang inistilong pagkukuwento na awit o tula, lalo na kapag ginamit bilang pamagat para sa ibang midya gaya ng pelikula.

Mga pinagmulan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang balada ay isang anyo ng tula, kadalasang isang salaysay na nasa musika. Hinango ang mga balada sa Pranses na chanson balladée o ballade, na "mga awit ng sayaw" (L: ballare, sumayaw) ang kahulugan, ngunit naging "mga anyong naka-istilo ng solong awit" bago pinagtibay sa Inglatera.[1] Bilang isang awit na pagsasalaysay, maaaring nagmula ang kanilang tema sa mga tradisyong Eskandinabo at Hermaniko ng pagkukuwento na makikita sa mga tula gaya ng Beowulf.[2] Sa musika, naimpluwensyahan sila ng Minnelieder ng tradisyong Minnesang (o Awit ng Pag-ibig).[3] "Judas" ang pinakamaagang halimbawa ng isang nakikilalang anyong balada sa Inglatera sa isang manuskrito noong ika-13 dantaon.[4]

Anyong balada

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang naka-imprentang balada noong ikalabing-anim na dantaon, ang A Gest of Robyn Hode

Orihinal na isinulat ang mga balada bilang katuwang ng mga sayaw, at sa gayon, binuo ito sa dalawahang-taludtod na may mga estribiliyo sa mga alternatibong linya. Inaawit ang mga estribiliyong ito ng mga mananayaw kapag sumasayaw.[5] Nakasulat ang karamihan sa mga balada sa hilaga at kanlurang Europa sa mga saknong balada o kuwarteto (mga saknong na may apatang-linya) ng mga linyang salit-salit ng yambo (isang pantig na di-nakadiin na sinusundan ng nakadiin) tetrametro (walong pantig) at trimetrong yambo (anim na pantig), na kilala bilang metrong balada. Karaniwan, ang ikalawa at ikaapat na linya lamang ng isang kuwarteto ang tumutugma (sa iskimang a, b, c, b), na kinuha upang imungkahi na binubuo ang orihinal ng mga balada ng mga dalawang linya ng magkatugmang taludtod, bawat isa ng 14 na pantig.[6] Makikita ito sa saknong na mula sa baladang Ingles na "Lord Thomas and Fair Annet":

The horse | fair Ann | et rode | upon |
He amb | led like | the wind |,
With sil | ver he | was shod | before,
With burn | ing gold | behind |.

Mayroong malaking pagkakaiba-iba sa huwarang na ito sa halos lahat ng aspeto, kabilang ang haba, bilang ng mga linya at iskimang tula, na pinapahirapan ang mahigpit na kahulugan ng isang balada. Sa timog at silangang Europa, at sa mga bansang hinango ang kanilang tradisyon mula sa kanila, malaki ang pagkakaiba ng estruktura ng balada, tulad ng Kastilang romanceros, na oktosilabiko o may walong pantig at gumagamit ng konsonansya sa halip na tugma.[7]

Ang paghahatid ng mga balada ay binubuo ng isang mahalagang yugto sa kanilang muling komposisyon. Sa mga terminong romantiko, madalas ang prosesong ito na isinadula bilang isang salaysay ng dehenerasyon na palayo sa purong 'memoryang pambayan' o 'tradisyong dati pa'.[8] Sa pagpapakilala sa Minstrelsy of the Scottish Border (1802), nangatuwiran ang makatang romantiko at nobelistang makasaysayan na si Walter Scott ng pangangailangan na 'alisin ang mga halatang katiwalian' upang subukang ibalik ang isang dapat na orihinal. Para kay Scott, ang proseso ng maramihang pagbigkas ay 'nagdudulot ng panganib ng mga walang pakundangan na interpolasyon mula sa kapalaluan ng isang nag-eensayo, hindi maintindihan na mga pagkakamali mula sa katangahan ng isa pa, at mga pagkukulang na ikinalulungkot din, mula sa kakulangan ng memorya ng isang pangatlo.' Katulad nito, binanggit ni John Robert Moore ang 'isang natural na tendensya sa proseso ng pagkalimot'.[9]

Ang mga baladang Europeo ay karaniwang inuri sa tatlong pangunahing pangkat: tradisyonal, broadside at pampanitikan. Sa Amerika, kinikilala ang pagkakaiba sa pagitan ng mga balada na mga bersyong Europeo, partikular ang mga awiting Britaniko at Irlandes, at 'mga baladang Katutubong Amerikano', na nabuo nang walang pagtukoy sa mga naunang kanta. Ang karagdagang pag-unlad ay ang ebolusyon ng blues ballad, na hinalo ang uri sa tugtuging Apro-Amerikano. Para sa huling bahagi ng ika-20 dantaon, nakahanap ang industriyang naglalathala ng musika ng isang merkado para sa kung ano ang madalas na tinatawag na mga sentimental na ballad, at ito ang pinagmulan ng modernong paggamit ng terminong 'ballad' upang nangangahulugang isang mabagal na awit ng pag-ibig.

  1. Apel, Willi (Disyembre 20, 1944). "Harvard Dictionary Of Music" (sa wikang Ingles) – sa pamamagitan ni/ng Internet Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. J. E. Housman, British Popular Ballads (1952, London: Ayer Publishing, 1969), p. 15. (sa Ingles)
  3. A. Jacobs, A Short History of Western Music (Penguin 1972, 1976), p. 20. (sa Ingles)
  4. A. N. Bold, The Ballad (Routledge, 1979), p. 5. (sa Ingles)
  5. "Popular Ballads", The Broadview Anthology of British Literature: The Restoration and the Eighteenth Century, p. 610. (sa Ingles)
  6. D. Head and I. Ousby, The Cambridge Guide to Literature in English (Cambridge University Press, 2006), p. 66. (sa Ingles)
  7. T. A. Green, Folklore: An Encyclopedia of Beliefs, Customs, Tales, Music, and Art (ABC-CLIO, 1997), p. 81. (sa Ingles)
  8. Ruth Finnegan, Oral Poetry: Its Nature, Significance and Social Context (Cambridge University Press, 1977), p. 140. (sa Ingles)
  9. "The Influence of transmission on the English Ballads", Modern Language Review 11 (1916), p. 387. (sa Ingles)

Mga sanggunian at karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Dugaw, Dianne. Deep Play: John Gay and the Invention of Modernity. Newark, Del.: University of Delaware Press, 2001. Imprenta. (sa Ingles)
  • Middleton, Richard (13 Enero 2015) [2001]. "Popular Music (I)". Grove Music Online (sa wikang Ingles) (ika-ika-8 (na) edisyon). Oxford University Press. ISBN 978-1-56159-263-0.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Randel, Don (1986). The New Harvard Dictionary of Music. Cambridge: Harvard University Press. ISBN 0-674-61525-5. (sa Ingles)
  • Temperley, Nicholas (25 Hulyo 2013) [2001]. "Ballad (from Lat. ballare: 'to dance')". Grove Music Online (sa wikang Ingles) (ika-ika-8 (na) edisyon). Oxford University Press. ISBN 978-1-56159-263-0.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Winton, Calhoun. John Gay and the London Theatre. Lexington: University Press of Kentucky, 1993. Imprenta. (sa Ingles)
  • Witmer, Robert (14 Oktubre 2011) [20 Enero 2002]. "Ballad (jazz)". Grove Music Online (sa wikang Ingles) (ika-ika-8 (na) edisyon). Oxford University Press. ISBN 978-1-56159-263-0.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Marcello Sorce Keller, "Sul castel di mirabel: Life of a Ballad in Oral Tradition and Choral Practice", Ethnomusicology, XXX(1986), blg. 3, 449- 469. (sa Ingles)