Pumunta sa nilalaman

Ashoka

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Asoka
Maurya Samrat
Isang pinunong "Chakravartin", unang siglo BCE/CE. Andhra Pradesh, Amaravati. Iningatan sa Musee Guimet
Paghahari268–232 BCE
Koronasyon268 BCE
Kapanganakan304 BCE
Lugar ng kapanganakanPataliputra, Patna
Kamatayan232 BCE (edad 72)
Lugar ng kamatayanPataliputra, Patna
PinaglibinganAng mg abo ay nilugo sa Ilog Ganges na posibleng sa Varanasi, Kremasyon 232 BCE, kaunti sa 24 oras pagkatapos ng kanyang kamatayan
SinundanBindusara
KahaliliDasaratha
Mga asawaKaurwaki
Devi
Padmavati
Tishyaraksha
Bahay MaharlikaDinastiyang Maurya
AmaBindusara
InaMaharani Dharma o Shubhadrangi
Mga anakMahendra, Sanghamitra, Tivala, Kunala, Jaluka, Charumati
Mga paniniwalang relihiyosoBudismo

Si Ashoka Maurya (304 BCE –232 BCE) na karaniwang kilala bilang Ashoka at Ashoka ang Dakila ay isang emperador na Indiano ng Dinastiyang Maurya na namuno ng halos sa lahat ng subkontinenteng Indiano mula ca. 269 BCE hanggang 232 BCE.[1] Siya ay kilala rin bilang "Dakilang tagapaglagganap ng Budismo". Siya ang isa sa pinakadakilang mga emperador ng India sa karamihan ng ngayong India pagkatapos ng isang bilang ng mga pananakop na militar. Ang kanyang imperyo ay sumaklaw mula sa Hindu Kush sa Afghanistan hanggang sa kasalukuyang Bangladesh at sa estadong Indian ng Assam sa silangan at hanggang sa kasing layo sa timog sa hilagaang Kerala at Andhra Pradesh. Ang ang kabisera ng Imperyong Maurya ang Taxila, Ujjain at pataliputra. Noong mga 260 BCE, si Ashoka ay nakidigma ng isang mapait na nakakawasak ng digmaan laban sa mga estado ng Kalinga (modernong Odisha).[2] Kanyang sinakop ang Kalinga na wala sa kanyang mga ninuno mula kay Chandragupta Maurya ang nakasakop. Siya ay yumakap sa relihiyong Budismo pagkatapos masaksihan ang mga kamatayan ng tao na iniulat na higit sa 100,000 tao sa Digmaang Kalinga na kanyang isinagawa dahil sa isang pagnanais ng pananakop. Ito ay humantong rin sa pagpapatapon ng mga 150,000 tao.[3] Unti-unting naakay si Ashoka sa Budismo sa simula ng mga 263 BCE sa pinakahuli.[2] Kalaunan ay itinuon ang kanyang sarili sa pagpapalaganap ng Budismo sa buong kilalang mundo sa panahong ito. Itinuring ni Ashoka ang Budismo bilang isang doktrina na makapagsisilbi bilang isang pundasyong kultural para sa pagkakaisang pampolitika.[4] Si Ashoka ay kadalasang naalala sa kasaysayan bilang isang pilantropikong tagapamahala. Sa kanyang mga kautusan sa Kalinga, kanyang tinawag ang kanyang mga nasasakupan bilang kanyang "mga anak" at binabanggit na bilang isang ama, kanyang ninais ang kanilang kabutihan. Sa kasaysayan ng India, si Ashoka ay tinutukoy bilang Samraat Chakravartin Ashoka – ang "Emperador ng mga Emperador na si Ashoka". Ang kanyang pangalang "aśoka" ay nangangahulugang "walang kirot, walang kalumbayan" sa Sanskrit (ang isang privativum at śoka "hapdi, dalambhati"). Sa kanyang mga kautusan, siya ay tinutukoy bilang Devānāmpriya (Pali: Devānaṃpiya) o "Ang Minamahal ng mga Diyos" at Priyadarśin (Pali Piyadasī) o "Siya na tumuturing sa bawat isa nang may pagmamahal". Ang kanyang kagiliwan sa ugnayan ng kanyang pangalan sa punong Saraca asoca o "punong Asoka" ay tinukoy rin sa Ashokavadana.

Isinulat ni H.G. Wells sa kanyang A Short History of the World (H. G. Wells):

Sa kasaysayan ng mundo, may mga libo libong hari at emperador na tumawag sa kanilang mga sariling, "Ang kanilang mga Kamahalan", at iba pa. Sila ay nagningning sa isang maikling sandali at kasing bilis na naglaho. Ngunit si Ashoka ay nagniningning at nagniningning ng maliwanag tulad ng isang maliwanag na bituin kahit sa panahong ito.

Si Ashoka ay gumampan ng isang mahalagang papel sa pagtulong na gumawa sa Budismo na isang pandaigdigang relihiyon.[5] Ang emblem ng modernong Republika ng India ay isang paghalaw ng Leon na Kapital ni Ashoka.

Ashoka Empire
Kautusan ni Ashoka sa Maski, Raichur district, Karnataka.
Kautusan ni Ashoka sa Gujarra, Madhya Pradesh

Ayon sa mga alamat, si Ashoka ay ng isang masamang kalikasan at magagagalitin. Kanyang isinailalim ang kanyang mga ministero sa isang pagsubok ng katapatan at pinapatay ang 500 sa kanila. Siya ay nagpanatili rin ng isang harem ng mga 500 babae. Nang ang ilan sa mga babaeng ito ay uminsulto sa kanya dahil sa kanyang "magaspang na balat" pagkatapos niyang magiliw na ihambing ang kanyang sarili sa kagandang ng punong Asoka(na ayon sa Ashokavadana, ay nilapastangan ng mga babae sa pamamagitan ng pagbunot ng lahat ng mga bulaklak), kanyang ipinasunog ang karamihan sa kanila hanggang sa kamatayan. Siya ay nagtayo rin ng isang masalimuot na kahon ng pagpapahirap na itinuring na isang "Impiyernong Pang-Paraiso" dahil sa magandang labas nito na sinalungat ng mga aktong isinasagawa sa loob ng kanyang hinirang na berdugong si Girikaa,[6] na nagbigay sa kanya ng pangalang "çanḍa Ashoka" o "Chandaashoka," na nangangahulugang "Ashoka ang Mabagsik" sa Sanskrit.

Sa pag-akyat sa trono, kanyang pinalawak ang kanyang imperyo sa loob ng sumunod na walong taon mula sa kasalukyang mga hangganan at rehiyon ng Burma-Bangladesh at estado ng Assam sa India sa silangan hanggang sa teritoryo ng kasalukuyang Iran/Persia at Afghanistan sa kanluran; mula sa Pamir Knots sa hilaga hanggang halos sa peninsular na katimugang India (iyong Tamil Nadu/Andhra Pradesh).[7]

Bagaman ang maagang bahagi ng kanyang paghahari ay uhaw sa dugo, siya ay naging alagad ng mga katuruan ni Gautama Buddha pagkatapos ng kanyang pananakop ng Kalinga, India. Ang Digmaang Kalinga ay nangyari pagkatapos ng 8 taon ng kanyang koronasyon. Ayon sa kanyang ika-13 inskripsiyon, ang labanan ay malawak at nagsanhi ng mga kamatayan ng higit sa 100,000 sundalo at mga sibilyan na nagtanggol. Ang higit sa 150,000 ay ipinatapon.[8]

Ayon sa kautusang 13 ng Mga kautusan ni Ashoka:

Ang kanyang kamahalan ay nakadama ng pagsisisi sa pananakop ng Kalinga dahil sa ang pagpapasuko ng isang nakaraang hindi nasakop na bansa, ang pagpatay, kamatayan, at pagbihag ng mga tao ay kinailangang mangyari kung saan ang Kanyang Kamahalan ay nakadama ng malalim na kalumbayan at pagsisisi.

Ayon sa alamat, sa isang araw matapos ang digmaan, si Ashoka ay lumabas upang gumala sa siyudad at ang lahat ng kanyang makita ay mga sunog na bahay at mga nagkalat na bangkay. A Ang brutalidad ng pananakop ay nagtulak sa kanyang yakapin ang Budismo at magbigay diin sa kabanal sa kanyang mga Kautusan. Kanyang ginamit ang kanyang posisyon upang palaganapin ang relatibong bagong relihiyon sa kanyang sakop at sa buong mundo. Ang Budismo ay kanyang ginawang relihiyon ng estado noong mga 260 BCE at pinangaral at pinalaganap sa buong mundo mula mga 250 BCE. Ang mga kautusan ni Asoka ay nagpapakita ng isang maliwanag na pagkaunawa sa organisasyong pampolitika sa mga teritoryong Helenistiko. Ang mga pangalan at lokasyon ng mga pangunahing haring Griyego sa panahong ito ay tinukoy at inangking mga nakatangap ng pang-aakay na Budista. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Antiochus II Theos ng Kahariang Seleucid (261–246 BCE), Ptolomeo II Philadelphus ng Dinastiyang Ptolemaiko (285–247 BCE), Antigonus Gonatas ng Macedonia (276–239 BCE), Magas (288–258 BCE) sa Cyrenaica (modernong Libya), at Alexander II (272–255 BCE) sa Epirus (modernong Hilagang kanluraning Gresya). Sa karagdagan, ayon sa mga sangguniang Pāli, ang ilan sa mga emisaryo ni Aśoka ay mga Griyegong Budistang monghe na nagpapakita ng malapit na pagpapalitang relihiyoso sa pagitan ng dalawang mga kultura. Si Aśoka ay naglabas rin ng mga kautusan sa wikang Griyego gayundin sa Aramaiko.

Pang-aakay sa Budismo sa panahon ni Emperador Aśoka (260–218 BCE) ayon sa mga kautusan ni Aśoka.
Dalawang wikang inskripsiyon (Griyego at Aramaiko) ni Emperador Ashoka mula sa Kandahar.

Ang kapangyarihang militar ni Ashoka ay malakas ngunit pagkatapos ng kanyang pagkaakay sa Budismo, kanyang pinanatili ang mga relasyong pakikipag-kaibigan sa ibang mga kaharian ng Timog tulad ng Cholas, Pandiya, Keralaputra, pagkatapos na imperyong Alejandrino, Tamraparni, at Suvarnabhumi. Ang kanyang mga kautusan ay nagsaad na siya ay gumawa ng mga probisyon para sa paggamot ng mga tao at hayop sa kanyang sariling kaharian gayundin sa mga kapitbahay na estado. Siya ay nagpahukay ng mga balon at nagtanim ng mga puno sa kahabaan ng mga daan para sa kapakinabangan ng mga karaniwang tao. Ipinagbawal ni Ashoka ang pagpatay at pagkain ng karaniwang baka at nagtakda ng mga restriksiyon sa pangingisda at pagkain ng isda. Kanyang binuwag ang maharlikang pangangaso ng mga hayop at nilimitahan ang pagpatay ng mga hayop para sa pagkain sa tirahang maharlika. Dahil kanyang pinagbawal ang pangangaso, siya ay lumikha ng maraming mga klinika ng hayop at inalis ang pagkain ng karne sa maraming mga banal na araw. Ang Imperyong Maurya sa ilalim ni Ashoka ay inilarawan bilang "isa sa napakakaunting mga instansiya sa kasaysayan ng daigdig ng isang pamahalaan na tumrato sa mga hayop gaya ng mga mamamayan na nararapat ng proteksiyon gaya ng mga mamamayan nitong tao".

Si Ashoka ay naghari sa tinatayang 40 taon. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang Dinastiyang Maurya ay tumagal lamang ng 50 pang taon. Siya ay mayroong maraming mga asawa at anak ngunit ang kanilang mga pangalan ay nawala. Sina Mahindra at Sanghamitra ang mga kambal na ipinanganak sa kanyang unang asawang si Davi sa siyudad ng Ujjain. Kanyang ipinagkatiwala sa kanila ang pagpapalaganap ng Budismo sa alam at hindi na daigdig. Sina Mahindra at Sanghamitra ay tumungo sa Sri Lanka ay inakay ang Hari, Reyna at kanilang mga nasasakupan sa Budismo. Sa kanyang pagtanda, tila narahuyo siya ng kanyang pinakabatang asawang si Tishyaraksha. Sinasabing pinabulag ni Tishyaraksha sa pamamagitan ng pandaraya ang anak ni Ashoka na si Kunala na hari ng Takshashila at tagapagpamana sa trono at naging lagalag na mang-aawit na sinamahan ng kanyang paboritong asawang si Kanchanmala. Sa Pataliputra, narinig ni Ashoka ang awitin ni Kunala at natanto ang kasawiang palad ni Kunala ay maaaring parusa para sa isang nakaraang kasalanan ng mismong emperador at kinondena sa kamatayan si Tishyaraksha at ibinalik si Kunala sa korte. Sa Ashokavadana, si Kunala ay pinapakitang nagpatawad kay Tishyaraksha na nagkamit ng kaliwanagan sa pamamagitan ng pagsasanay ng Budismo. Bagaman kanyang hinikayat si Ashoka na patawarin rin siya, si Ashoka ay ay tumugon ng parehong may pagpapatawad. Si Kunala ay hinalinhan ng kanyang anak na si Samprati, ngunit ang kanyang pamumuno ay hindi tumagal pagkatapos ng kamatayan ni Ashoka.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Thapur (1973), p. 51.
  2. 2.0 2.1 Jerry Bentley, Old World Encounters: Cross-Cultural Contacts and Exchanges in Pre-Modern Times (New York: Oxford University Press, 1993), 44.
  3. Jerry Bentley, Old World Encounters: Cross-Cultural Contacts and Exchanges in Pre-Modern Times (New York: Oxford University Press, 1993), 45.
  4. Jerry Bentley, Old World Encounters: Cross-Cultural Contacts and Exchanges in Pre-Modern Times (New York: Oxford University Press, 1993), 46.
  5. Bruce Rich. To Uphold The World Author Discussion Naka-arkibo 2013-04-26 sa Wayback Machine.
  6. Pradip Bhattacharya (2002). "The Unknown Ashoka". Boloji.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-29. Nakuha noong 30 Nobyembre 2012.
  7. Upinder Singh (2008). A History of Ancient and Early Medieval India: From the Stone Age to the 12th century. Pearson Education. ISBN 978-81-317-1677-9.
  8. prachin bharater itihas by sunil chattopadhyay