Pumunta sa nilalaman

Ambliyopya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang ambliyopya, mula sa Ingles na amblyopia, ay ang panlalabo ng paninging dala ng depekto sa mga optikong nerbyo, na maaari ring sanhi ng mga gamot, usok at mga kemikal. Maaari rin itong pagkasanay at pagkamihasang hindi paggana ng isang mata sa taong duling at banlag, kaya't tinatawag din itong tamad na mata.[1] Sa malawak na ibig sabihin ng salita, sumasakop ito sa panglahatang mga anyo ng depektibo o may-pinsala, o maging ng panghihina ng paningin na hindi dulot ng mga kamalian ng repraksiyon o kaya hindi dahil sa mga pagbabago sa kayarian o istruktura ng mata. Kaugnay ng panghihina ng mata, tinatawag na astenopya ang kawalan ng kakayahang magamit ang mga mata sa loob ng matagal na panahon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Amblyopia, ambliyopya - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Amblyopia at asthenopia". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 28.