Abenida Gil Puyat
Abenida Gil Puyat Gil Puyat Avenue | |
---|---|
Abenida Buendia (Buendia Avenue) | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 5.4 km (3.4 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N120 / AH26 (Bulebar Roxas) / Bulebar Jose Diokno sa Pasay |
Dulo sa silangan | N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Makati |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Makati at Pasay |
Ang Abenida Senador Gil J. Puyat (Ingles: Senator Gil J. Puyat Avenue), na kilala din sa anyong payak na ngalan nito na Abenida Gil Puyat (Ingles: Gil Puyat Avenue) at sa dati nitong pangalan na Abenida Buendia (Ingles: Buendia Avenue), ay isang pangunahing lansangang arteryal sa mga lungsod ng Makati at Pasay sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa direksyong silangan-pakanluran, mula Bulebar Roxas hanggang EDSA. Dumadaan ito sa pook na tinawag na Makati Central Business District. May apat hanggang labindalawang linya ang abenidang ito. Ang haba nito ay 5.4 kilometro (3.4 milya).
Ang bahagi ng Abenida Gil Puyat mula Bulebar Roxas hanggang Abenida Ayala ay itinakda bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3 ng Sistema ng Daang Arteryal ng Kamaynilaan.
Hango ang pangalan nito kay Gil Puyat, na naging senador mula 1951 hanggang 1972. Dati itong tinawag na Abenida Buendia mula kay Nicolas Buendia, isang Katipunero at mambabatas mula sa Bulacan noong dekada-1940.[1][2]
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Abenida Gil Puyat ay isang pangunahing hintuan sa tatlong mga linya ng Sistemang Panlulan ng Kalakhang Maynila.
- Estasyong Gil Puyat ng LRT sa Abenida Taft na pinaglilikuran ng LRT-1;
- Estasyong Buendia ng MRT sa EDSA na pinaglilikuran ng MRT-3; at
- Estasyong daangbakal ng Buendia sa Lansangang Osmeña na pinaglilikuran ng PNR (Ito ay sarado na ngayon; ang lugar na ito ay pinagsisilbihan ng Estasyong daangbakal ng Dela Rosa, isang bloke patimog.).
Ang mga hybrid bus na pinapatakbo ng Green Frog Transport Corp. ay nagsisilbi sa ruta sa pagitan ng Gil Puyat at Abenida Kalayaan.[3] Pinaglilingkuran din ang abenida ng mga pangkaraniwan at may erkon na dyipni.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Batas Pambansa Blg. 312".
- ↑ "Senators Profile - Nicolas Buendia".
- ↑ "Hybrid buses ply Makati's streets". Philippine Star. Nakuha noong 12 Oktubre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)