Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Konsultasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Sinupan
Mangyaring basahin ang Pangkalahatang pagtatanggi bago mag-iwan ng katanungan.
Tingnan din ang Wikipedia:Mga Malimit Itanong.

Kahalintulad ng sangguniang-tanggapan (reference desk) ng isang silid-aklatan, ang pahinang ito ay inilaan para sa mga katanungan. Maaring mag-iwan ng tanong sa ibaba para sa mga boluntaryong Wikipedista. Para sa lumang pahina, sundan lamang ito.

Maaari ka ding pumunta sa Kapihan para sa pangkalahatang usapan at katanungan sa komunidad ng Wikipediang Tagalog.
For non-Tagalog speakers: you may leave messages and seek assistance at our Wikipedia:Help for Non-Tagalog Speakers (See also: WP:Embassy).

Usapang tulungan

[baguhin ang wikitext]

Pagsasalin ng salitang "Reference"

[baguhin ang wikitext]

Bago lang po ako dito sa mundo ng pagiging wikipedista at ako ay nangangapa pa sa mga dapat gawin. Gusto ko lang po sanang itanong kung ano po ang pwedeng gamitin na tagalog word para sa salitang "Reference". Balak ko kasi lagyan ng mga reference links ang ilan sa mga napupusuan kong baguhin na pahina para naman tumaas ang kalidad ng mga ito.

Sana po ay ako ay inyong matulungan. Salamat po. --PinoyBlogero 19:35, 12 Abril 2008 (UTC)[tugon]

Ang reference mismo ay "sangguni", ang references na seksyon ay "Mga sanggunian". -- Felipe Aira 12:19, 12 Abril 2008 (UTC)[tugon]

Pagsasalin ng mga salitang teknikal

[baguhin ang wikitext]

Tama ba ang aking pagsasalin:

Ingles Tagalog
Monitor Panooran
Random Access Memory (RAM) Walang Pamimiling Kinukuhang Ala-ala (WPKA)
Keyboard Tipahan; Teklado
Hardware Kagamitang Pisikal
Software Kagamitang Birtwal
Speaker Tagapagpatunog; Ispiker
Digital Camera Kamerang bilang
Touch Screen Panoorang hipo
Stylus Istilo
Mouse Maws

Ilan dito ay nagamit ko na sa aking pagsulat ng mga artikulo. Kaya gusto kong malaman kung tama ang mga ito.--Felipe Aira 11:50, 1 Oktubre 2007 (UTC)[tugon]

Ang salitang digital sa Tagalog ay digital, kung tama ako (kung mag-iimbento ako, maaaring gamitin ang tambilangan, mula sa tambilang na ay number o digit). Ang keyboard naman ay tipaan (teklado kung ang instrumento). Titiyakin ko kung ang salin para sa mouse at stylus ay tama. --Sky Harbor 05:59, 12 Oktubre 2007 (UTC)[tugon]
Ang mungkahi ko para sa Random Access Memory ay "Di-pili ang Daanan na Alaala". --User: Luc 007 11:58, 21 Oktubre 2007 (UTC)[tugon]

Orihinal na tanong mula sa Reference desk ng Wikipedya sa Inggles:

In the article about her, does her having a “Castilian face” mean she is part Spanish, or is she more German (or even Swiss, Austrian, or Italian)? This is make sure I am not mistaken in filing her under the Spanish-Filipinos category.

Maaari ring sundan ang o makisali sa kasalukuyang talakayan na nandoroon na. —Život 01:08, 24 Hunyo 2006 (UTC)[tugon]

May nakakaalam ba ng kung ano ang ibig sabihin ng M. sa pangalan niya? —Život 01:16, 24 Hunyo 2006 (UTC)[tugon]

Pagiging Katalan

[baguhin ang wikitext]

Pakitingnan na lang ang tanong ko sa Talk:Arturo Tolentino. ano ba yung katalan

Ito yung sinasabing nilang mock battle, ’di ba? Hindi siya sine-state as such sa artikulo sa Inggles kaya ’di ko masabi nang tiyak, but the name “Hen. Montojo” does kind of ring a bell. —Život 07:25, 25 Hunyo 2006 (UTC)[tugon]

Tara kaibigan usap tayo

[baguhin ang wikitext]

Inaanyayahan ko ang lahat na sumali sa aming usapan. Magbigay ng inyong mungkahi at pananaw sa Wikipedia talk:Meetup/Manila 2 --Exec8 06:00, 8 July 2007 (UTC)

Paggawa ng Kategorya

[baguhin ang wikitext]

Maari ba na ang isang user na tulad ko ay makagawa ng sarili nyang kategorya? Kung puwede, anu-ano mang paraan ang kailangan kong malaman at sundin? --Luc 007 05:37, 18 Setyembre 2007 (UTC)[tugon]

Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pag-kawing ng kategorya tulad sa ganito: [[Category:(category name)]]. Halimbawa, ang isang kategorya tungkol sa Wikipedia ay [[Category:Wikipedia]]. --Sky Harbor 11:51, 18 Setyembre 2007 (UTC)[tugon]
Mas mabuti sigurong gamitin mo ay ang [[Kaurian:(pangalan ng kategorya)] Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 14:12, 3 Disyembre 2009 (UTC)[tugon]

Mga Bagong Salin

[baguhin ang wikitext]

Pwede ba gamitin ang mga bagong salitang ito: Tama ba ang aking pagsasalin:

Ingles Tagalog
Calculator (Windows) Pambilang ng Windows; Tala-tuusan
Cartoon Karikatura
Hardware Electronikong-Pisikal

Redmask 06:45, 13 Marso 2008 (UTC)[tugon]

Ang salin ng cartoon ay guhit-larawan. Hindi ko lang alam kung tama ang mga salin ng ibang salitang binigay mo. Magbigay ka ng sanggunian sa mga ito. --Jojit (usapan) 07:43, 13 Marso 2008 (UTC)[tugon]
Ang calculator ay kalkulador. --Sky Harbor 10:58, 13 Marso 2008 (UTC)[tugon]
Ang hardware ay hindi lamang sa kompyuter ginagamit. Kaya, naisip (hindi ako sigurado) ko na tagalog na salita ay ang kagamitang-pisikal. Kapag pinaikli, pisikagamiran. Estudyante 07:22, 25 Marso 2008 (UTC)[tugon]

Bagong titulo

[baguhin ang wikitext]

Magandang araw! Isa po akong bagong "wikipedista" dito at kasalukuyang gustong tumulong sa pag sasalin ng pahina sa wikang tagalog. Gusto ko lamang pong itanong kungmayroon bang guide para sa pag edit at kung paano maiba ang titulo ng isang pahina (PBB). Salamat po! Kironobu 01:16, 15 Abril 2008 (UTC)[tugon]

Maligayang pagdating. Sa pinakataas ng pahina ng artikulo ay maaari mong pindutin ang buton na nagsasabing "ilipat". Mapapalitan mo ang pamagitan sa pamamagitan niyon. Salamat sa iyong interes sa Tagalog Wikipedia. Bibigyan din kita ng kawing sa gabay ng pag-edit. - AnakngAraw 01:31, 15 Abril 2008 (UTC)[tugon]
Narito ang kawing: Wikipedia:Paano magsimula ng pahina. - AnakngAraw 01:32, 15 Abril 2008 (UTC)[tugon]

Isang kaaya ayang araw po sa inyo Ginoong Filipe. Ako po ay isang baguhang estudyanteng manunulat sa tagalog na Wikipediang ito. Ang akin pong mga isinusulat ay sumasaklaw sa mga nalalaman at napag-aralan ko sa Sining ng Italya gaya nina "Michelangelo, Carracci, Raffaello". Upang mas maipaunawa ko po sa mga magbabasa ang nais kong ihatid kaalaman, nangangailangan po ako ng mga larawan, kung kaya ang akin pong katanungan ay sa papaanong paraan po baga ako makakapaglagay ng mga larawang kailangan at saan po baga ako mas madaling makahahanap ng mga gawa ng mga pintor na nabanggit. Ipagpaumanhin po sana ninyo ang aking kawalang kaalaman sa mga ganitong bagay. Salamat po. Umaasa po ako sa inyong mabilis na pagsagot. Gumagalang. --Dden0344 08:29, 22 Hunyo 2008 (UTC)dden0344[tugon]

Salamat sa iyong kagustuhang tumulong! Makakapaghanap ka ng mga larawan sa http://commons.wikimedia.org/ . Ang paglalagay ng mga larawan ay madali lamang!
Ilagay mo lamang ang sumusunod [[Image:''pangalan ng larawan''|''laki''px|''posisyon''|''pamagat''|thumb]]. Sa posisyon maaaring: right, left o center. Maaaring hindi sunud-sunod ang mga iyan basta mauuna ang pangalan. Silipin ang nasa baba. -- Felipe Aira 09:37, 22 Hunyo 2008 (UTC)[tugon]
Kodigo Larawan
[[Image:Sphegina montana Syrphidae.jpg|100px|right|Isang halimbawa|thumb]]
Isang halimbawa
[[Image:Sphegina montana Syrphidae.jpg|right|Pinag-iba-iba ang posisyon pero ganoon pa rin ang kalalabasan|thumb|100px]]
Pinag-iba-iba ang posisyon pero ganoon pa rin ang kalalabasan
[[Image:Sphegina montana Syrphidae.jpg|100px|thumb]]
(kahit kulang-kulang pareho ok lang)
[[Image:Sphegina montana Syrphidae.jpg|100px|walang thumb]]
(walang thumb)
walang thumb

Tell us about your Wikipedia

[baguhin ang wikitext]

Please Tell us about your Wikipedia language edition, answering some questions, and learn about others.--Ziko 18:16, 28 Agosto 2008 (UTC)[tugon]

This request had been addressed by the community at Wikipedia:Kapihan#Tell us about the Tagalog Wikipedia... and at Meta: Tell us about Tagalog Wikipedia Thanks. - AnakngAraw 19:40, 15 Setyembre 2008 (UTC)[tugon]

Aking napansin na hindi ginagamit ang titik na I (ay) sa ilang mga pagsalin ng pangalan katulad ng Syria na ginawang Siria. Pero sa India naman, nagtataka ako kung bakit sinalin nila ito para maging Indya. Ano ba ang dapat na titik na gamitin, Y o I? Maagang Salamat po. Estudyante (Usapan) 12:46, 10 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]

Ang salin ng India na naging Indya ay batay sa sangguniang diksyunaryo ni Leo James English, kung saan nakatalang puwede ang India o kaya Indya. Sa Syria na naging Siria, ibinatay ito sa sangguniang salin ng Bibliya ni Jose C. Abriol, kung saan mismong ginamit ang baybay na Siria. Kung nalilito ka rito, gamitin mo ang katagang ito, kung ano ang bigkas siya ring baybay. Sa ganitong kaso, maaari talagang ang Syria ay maging Siria o Sirya (kung babatay sa nagagawang mga baybay para sa katulad na salitang India). Basta't kung magsusulat ka pagpare-parehuhin mo ang piniling baybay sa loob ng iisang pahina. Ibig sabihin, kung Siria ang pinili mong baybay, Siria lamang sa buong pahina. Kung Sirya ang pinili, Sirya lamang, para hindi paiba-iba sa loob ng isang pahina o lathalain. - AnakngAraw 16:02, 10 Disyembre 2008 (UTC)[tugon]

hi, maari po bang magtanong kung paano maayos ang infobox ng PAGASA?

paano po ba maglagay ng suleras??
un yata 'yong TEMPLATE sa en.wikipedia
ty
Kinarga ko na po ang suleras ngunit matatagalan pa bago maitagalog. Maari nyo po ba lagyan ng ~~~~ sa dulo ng inyong post? Salamat po.--Lenticel (usapan) 07:54, 23 Pebrero 2009 (UTC)[tugon]

Kasunduan at Tratado?

[baguhin ang wikitext]

Sa pagsasaling-wika naman po halimbawa ng Treaty of Versailles o Treaty of Brest-Litovsk, alin po kaya ang mas mainam na salin sa Filipino ng salitang treaty, tratado o kasunduan? = (Tratado ng Versailles/Kasunduan ng Versailles)

Papaano naman po ang Sykes-Picot Agreement o French-Armenian Agreement kung isasalin sa katutubong wika, hindi kaya po ang agreement ay kasunduan din sa Filipino? Anu po kaya ang nararapat na salin ng Sykes-Picot Agreement?

Marami pong salamat sa inyong katugunan. Kampfgruppe 12:25, 25 Setyembre 2009 (UTC)[tugon]

Dapat gamitin ang "tratado" para sa treaty upang maiba ito sa "kasunduan" na nangangahulugang agreement. Dapat may kaunting antas naman dito ng paglilinaw. --Sky Harbor (usapan) 12:49, 25 Setyembre 2009 (UTC)[tugon]


Magandang Araw mga kabayan!

Nais ko lang magtanong kung dapat ko bang ilipat na ang mga bayan nang Shariff Kabunsuan papunta sa Maguindanao dahil hindi na rin naman ito kinikilala bilang isang lalawigan.Ayun na rin sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Narito ang kawing sa isang balita ukol dito Balita] at sa websayt mismo ng SC. Gusto ko sanang ilipat sa Maguindanao tutal doon naman na siya talaga nakasama. Humihingi ako ng payo.

Maraming salamat.

-Nickrds09 07:01, 9 Oktubre 2009 (UTC)[tugon]

Oo, dapat ilipat na ito. --Sky Harbor (usapan) 09:40, 9 Oktubre 2009 (UTC)[tugon]
Maraming salamat sa pagtugon kasamang Sky Harbor Ako na ang maglilipat kapag nagkaroon na ulit ako ng libreng oras dito sa aking trabaho. Nickrds09 02:23, 27 Oktubre 2009 (UTC)[tugon]
Y Tapos na. Nailipat ko na po ang mga bayan. Aayusin ko na lang ang mga suleras na may kaugnayan sa Shariff Kabunsuan at Maguindanao Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 14:14, 3 Disyembre 2009 (UTC)[tugon]


Ito po ay isang katanungan ukol sa mga nagkukwenta ng oras at buwan. Mangyari po kasing nagkakaroon ng problema ang mga Suleras katulad nito Months before now at ito Day-1. Ang naiisip ko pong dahilan ay ang pagkakatagalog ng mga pangalan ng buwan. Hindi ko pa rin po sigurado, pero sino po kaya ang may alam kung paano maaccess ang mga scripts na naggagawa nito. Nickrds09 (Pahina ng Usapan) 03:16, 9 Disyembre 2009 (UTC)[tugon]

Dapat maaaring baguhin ang kodigo sa suleras mismo. --Sky Harbor (usapan) 23:19, 15 Disyembre 2010 (UTC)[tugon]
Gumawa na ako ng panandaliang solusyon. palitan ang {{CURRENTMONTHNAME}} ng {{Translate/{{CURRENTMONTHNAME}}}}. --bluemask 16:53, 20 Disyembre 2010 (UTC)[tugon]

gusto ko lang pong malaman kung panong napasok ang PROTASIO sa buong pangalan ni RIZAL gayong wala akong makitang kaugnayan ng magulang niya sa apelyido na iyon sa mabigyang pansin ang aking katanungan

Hindi apelyido ang Protacio sa pangalan ni Rizal. Kung tutuusin, ang buong pangalan ni Rizal, kapag wala ang mga apelyido niya, ay Jose Protacio. --Sky Harbor (usapan) 14:17, 4 Pebrero 2011 (UTC)[tugon]

Hello! Could you translate an article about boycott of Russian goods in Ukraine for the Telugu Wikipedia? Thanks for the help. --Trydence (makipag-usap) 18:40, 11 Oktubre 2014 (UTC)[tugon]

Black Lives Matter Logo in different languages

[baguhin ang wikitext]

Please help to translate the Black Lives Matter Logo for this wikipedia.
Follow this Link to get to the request. Thank you --Mrmw (makipag-usap) 20:08, 7 Hunyo 2020 (UTC)[tugon]

Munkahing isalin ang ang mga termino sa klasipikasyon

[baguhin ang wikitext]

Maari na na isalin ang pamagat ng arikulo sa mas taal na katumbas na salita para sa taksonomikal na klasipikasyon ng mga buhay? Napagmasdan ko ang mga mungkahing neologimo ni Jean Paul Potet sa mga pang-agham na terminolohiya sa paksang ito. Halimbawa: classification = pagsasauri; scientific classification= maaghaming sauri; phylogenetic = lipmulain; phylogenetic classification = lipmulaing palaurian; genealogy = palamulaan; domain/empire = kabaginahan; phylum = sangahay class = lipihay; order = sunudhay; family = angkanhay; genus = urihay. Habang naiilang rin ako sa salin ng species (sarihay) tila tumpak naman ang wari niya sa salitang ugat nito: sari. Habang ang "sari" ay halos tumutukoy na lang halos sa Tagalog sa mga bibilhin (sari-sari store), hayag pa naman sa marami ang pakahulugan nito na "klase". (Incidentally, sa parehong Hiligaynon at Sebwano, ang "sari" ay nangangahulugan pa rin na uri ng bagay.) Kaya mungkahi ko rin na isalin ang pamagat ang mga infobox ng "espesye" patungo sa "sari". Batid ko na ang iba sa mga ito ay isinulat na sa unang linya sa taludtod, pero kung maari humihingi ako ng pahintulot na isalin na lang ang mga transliterasyn sa mga ito. Bagatmat may alinlangan ako sa mga ito, wala namat atang opisyal na talahuluhan ang KWF o kahit man lang mga pamantasan sa mga panggham na terminolohya gaya nito, kaya malawak pa ang posibilidad sa pagaangkop ng bagong salita kagaya ng nasa itaas para sa panhinaharap, at tiyak na mas ikakabuti ng wika natin sa pagiwas sa paghihiram. Aasahan ko ang inyong pagtugon. Salamat. ---Kai theos en ho logos (kausapin) 01:04, 25 Disyembre 2022 (UTC)[tugon]