Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 6
Itsura
Isa sa mga suspek sa Pamamaslang sa Maguindanao noong nakaraang taon nahuli sa Maguindanao. (ABS-CBN News) (Philippine Star) (Philippine Daily Inquirer)
Pagluluwas ng arina at trigo ipinagbawal ni Punong Ministro Vladimir Putin mula Agosto 15 hanggang Disyembre 31 dahil sa pinakamalalang tagtuyot sa kasaysayan ng Rusya. (Reuters)
Timog Aprika pinauwi ang embahador nila sa Rwanda. (BBC) (iAfrica) (Reuters Africa) (The Mercury)
Hindi bababa sa labing-apat na katao patay sa karahasan sa bilangguan sa Matamoros sa estado ng Tamaulipas sa Mehiko. (BBC)
Arestado ang isang babae matapos madiskubre ang mga labi ng mga sanggol na nakalagay sa apat na maleta sa kanyang atik sa Nij Beets, Friesland. (BBC) (news.com.au) (Reuters) (Sky News)
Gobernador ng Kalipornya Arnold Schwarzenegger naghain ng mosyon na ibalik ang pagkakasal sa magkaparehas na kasarian sa estado sa lalong madaling panahon. (AFP via The Age)
Apat na pangunahing kandidato sa pagkapangulo ng Brasil lumahok sa unang isasahimpapawid na debate. (BBC)
Pál Schmitt nagsimula na sa pagiging Pangulo ng Unggarya, bilang kasunod nang paalis na pangulo na si László Sólyom. (Politics.hu)
Mga politiko ng Nepal bigong maghalal ng punong ministo sa ikaapat na pagkakataon; susubukan nilang muli sa ika-18 n Agosto. (BBC)
Usain Bolt nakaranas ng ikalawang pagkatalo sa propesyonal na 100 metrong takbuhan ni Tyson Gay sa Stockholm. (BBC Sport) (The Guardian) (The Daily Telegraph) (The Independent)
Bansang Nepal muling susubukang maghalal ng bagong Punong Ministro sa ikaapat na pagkakataon. (Express India) (Malaysia Sun) (Canadian Press via Google)
Dalawang katao patay, marami pang sugatan sa banggaan ng dalawang bus, isang trak at isang pickup sa Misuri. (Chicago Tribune) (AP via Google) (ABC News)
Dalawa patay at ilan pa sugatan, kasama ang Gobernador ng Sulu, sa pambobomba sa paliparan sa Lungsod ng Zamboanga sa Pilipinas. (PIA) (CNN) (BBC News) (Manila Bulletin) (Philippine Daily Inquirer)