Pumunta sa nilalaman

Wikang Bolinao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bolinao
Binu-Bolinao
Katutubo saPilipinas
RehiyonBolinao and Anda, Pangasinan
Pangkat-etnikoMga Bolinao
Mga natibong tagapagsalita
[1]
Austronesyo
Latin (Alpabetong Filipino)
Baybayin sa kasaysayan
Opisyal na katayuan
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3smk
Glottologboli1256
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Ang Bolinao language o Binubolinao ay isang wika mula sa Gitnang Luzon na partikular na sinasalita sa mga bayan ng Bolinao at Anda, Pangasinan sa Pilipinas. Tinatayang mayroon itong 50,000 tagapagsalita,[2] na ginagawang ikalawang pinakasasalitang wikang Sambaliko. Karamihan sa mga nagsasalita ng Bolinao ay nakakapagsalita din ng Pangasinan at Ilokano.

Mayroong 21 ponema ang Bolinao: 16 na katinig at limang at patinig. Medyo payak ang kayarian ng pantig. Naglalaman ang bawat pantig ng hindi bababa sa isang katinig at isang patinig.

May limang patinig ang Bolinao. Ang mga ito ay:

  • /a/ isang nakabukang harapang di-bilugang patinig (open front unrounded vowel ) tulad ng Hilangang Amerikanong Ingles na salitang father
  • /ə/ (sinsulat bilang ⟨e⟩) isang gitnang sentrong patinig (mid central vowel) tulad ng pagbigkas ng salitang Ingles na telephone
  • /i/ isang nakasarang harapang di-bilugang patinig (close front unrounded vowel) tulad ng salitang Ingles na machine
  • /o/ isang nakasarang-gitnang likuran na bilugang patinig (close-mid back rounded vowel) tulad ng Ingles na forty
  • /u/ isang nakasarang likuran na bilugang patinig (close back rounded vowel) tulad ng salitang Ingles na flute

Mayroong anim na pangunahing diptonggo: /aɪ/, /əɪ/, /oɪ/, /uɪ/, /aʊ/, and /iʊ/.

Nasa ibaba ang tsart ng mga katinig ng Bolinao. Lahat ng pagtigil ay hindi binibigkas na may pabugang hangin. Nangyayari ang velar nasal sa lahat ng posisyon kabilang ang nasa simula ng salita.

Mga katinig ng Bolinao
Bilabiyal Dental Palatal Belar Glotal
Pang-ilong (nasal) m n (ny) /ɲ/ ng /ŋ/
Plosibo Walang boses p t k /ʔ/
Tininigan b d g
Aprikado Walang boses (ts) (ty) /tʃ/
Tininigan (dy) /dʒ/
Prikatibo s (sy) /ʃ/ h
Plap r
Aproksimado j w
Lateral l (ly) /ʎ/

Paghahambing ng wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May isang karaniwang kawikaan[3] mula sa Pilipinong bayani na si Jose Rizal na isinalin sa Ingles, (“He who does not acknowledge his beginnings will not reach his destination”), at sinundan ng wikang panlalawigan na Pangasinan, at pang-rehiyon na wikang Ilokano, at orihinal na salin mula sa wikang Tagalog ang ginawa para sa paghahambing:

Bolinao "Si'ya a kai tanda' nin lumingap sa pinangibwatan na, kai ya makarate' sa keen na."
Pangasinan "Say toon agga onlingao ed pinanlapuan to, agga makasabi'd laen to."
Ilokano "Ti tao nga saan na ammo tumaliaw iti naggapuanna ket saan nga makadanon iti papananna."
Tagalog "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bolinao sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. Ethnologue (1990)
  3. "National Philippine Proverb in Various Philippine Languages". Carl Rubino's Homepage.