Timog Aprika
Republika ng Timog Aprika | |
---|---|
Salawikain: ǃke e: ǀxarra ǁke "Pagkakaisa sa pagkakaiba" | |
Kabisera |
|
Pinakamalaking lungsod | Johannesburgo 26°13′S 28°03′E / 26.217°S 28.050°E |
Wikang opisyal | |
Katawagan | Timog Aprikano |
Pamahalaan | Unitaryong republikang parlamentaryo (ehekutibong pagkapangulo) |
• Pangulo | Cyril Ramaphosa |
Paul Mashatile | |
Lehislatura | Parlamento |
• Mataas na Kapulungan | Pambansang Konseho ng mga Lalawigan |
• Mababang Kapulungan | Pambansang Asembleya |
Kasarinlan mula sa Reyno Unido | |
• Unyon | 31 Mayo 1910 |
11 Disyembre 1931 | |
• Republika | 31 Mayo 1961 |
4 Pebrero 1997 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 1,221,037 km2 (471,445 mi kuw) (ika-24) |
• Katubigan (%) | 0.380 |
Populasyon | |
• Senso ng 2022 | 62,027,503[1] (23rd) |
• Densidad | 50.8/km2 (131.6/mi kuw) (ika-169) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $993.75 bilyon (ika-32) |
• Bawat kapita | $15,720 (ika-95) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $403.75 bilyon (ika-38) |
• Bawat kapita | $6,380 (ika-98) |
Gini (2014) | 63.0 napakataas |
TKP (2022) | 0.717 mataas · ika-110 |
Salapi | South African rand (ZAR) |
Sona ng oras | UTC+2 (SAST) |
Kodigong pantelepono | +27 |
Kodigo sa ISO 3166 | ZA |
Internet TLD | .za |
Ang Timog Aprika, opisyal na Republika ng Timog Aprika, ay isang bansa na matatagpuan sa katimugang dulo ng kontinente ng Aprika. Matatagpuan sa hilaga ang mga bansang Namibia, Botswana at Zimbabwe; sa silangan ay Mozambique at Eswatini; at sa loob nito matatagpuan ang Lesotho.
Isa sa may pinakamaraming pangkat etniko sa kontinente ng Aprika ang Timog Aprika. Dito ang pinakamaraming Europeo na nasa Aprika, pinakamaraming populasyon na Indiano, gayon din ang pinakamalaking kumunidad ng halong etnisidad (ng pinaghalong Europeo at Aprikano). Naging malaking bahagi ng kasaysayan at politika ng bansang ito ang pakikipaglaban sa lahi at etnisidad sa pagitan ng mga nakakaraming itim at iilang puti. Nagsimulang ipakilala ng National Party ang patakaran ng apartheid matapos nitong manalo noong eleksiyon ng 1948; bagaman, ang partidong din na iyon sa ilalim ng pamumuno ni F.W. de Klerk ang nagsimulang pira-pirasuhin ito noong 1990 pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban ng mga nakararaming itim, gayon din ng maraming puti, halong etnisidad at mga Timog Aprikanong Indiyano.
Ang bansang ito ang isa sa mga bansa sa Aprika na hindi nagkaroon ng kudeta, at regular na malaya at walang kinikilingang halalan na ginaganap noong pang 1994. Dahil dito ang bansang ito ang makapangyarihan sa rehiyon at isa sa pinakamatatag at pinaka-liberal na demokrasya sa Aprika. Ang ekonomiya ng Timog Aprika ang pinakamalaki at masulong sa buong kontinente ng Africa, kasama ang makabagong imprastraktura na karaniwan sa buong bansa.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Timog Aprika sa pinakatimog na bahagi ng Aprika, na may mahabang baybay-dagat na may habang higit sa 2,500 km (1,553 mi). Sa sukat na 1,219,912 km2 (471,011 mi kuw),[2], Ang Timog Aprika ang naging ika-25 pinakamalaking bansa sa daigdig at mahihahambing sa laki ng bansang Colombia.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gabay panlakbay sa Timog Aprika mula sa Wikivoyage (sa Ingles)
- Mga midyang may kaugynayan sa South Africa sa Wikimedia Commons
- Midyang kaugnay ng South Africa sa Wikimedia Commons
- Mayroong datos pang-heograpiya ang OpenStreetMap tungkol sa Timog Aprika
- Wikimedia Atlas ng South Africa (sa Ingles)
- Opisyal na website (sa Ingles)