Smart Araneta Coliseum
The Big Dome | |
Former names | Araneta Coliseum (1960–2011) |
---|---|
Lokasyon | Araneta Center, Cubao, Quezon City, Metro Manila |
Mga koordinado | 14°37′14″N 121°3′12″E / 14.62056°N 121.05333°E |
Public transit | 3 Araneta Center–Cubao 2 Araneta Center–Cubao |
May-ari | Progressive Development Corporation |
Opereytor | United Promotions, Inc. (Uniprom) |
Capacity | Basketball: 15,959[1] Concert: 9,679[2] Boxing: 15,895[3] Full house: 16,035[4] to 20,000[5] Record: 25,000–36,000[6] |
Scoreboard | ADSystems 4-side LED display (Big Cube), OES ISC9000 Controller, and Homeworks Trading timer |
Construction | |
Broke ground | 1957 |
Built | 1958 |
Binuksan | March 16, 1960 |
Ayos | 1999 |
Construction cost | ₱6 million (1958) |
Architect | Dominador Lugtu |
Tenants | |
NCAA (1960–2012) UAAP (1960–kasalukuyan) PBA (1975–1984, 1995–kasalukuyan) Binibining Pilipinas (1964–kasalukuyan) UNTV Cup (2013–kasalukuyan) Philippine Super Liga (2014–kasalukuyan) MPBL (2018–kasalukuyan) |
Ang Smart Araneta Coliseum, kilala rin bilang The Big Dome ay isang arinang panloob na matatagpuan sa Cubao, Lungsod Quezon sa Pilipinas. Ito ay maituturing na pinakamalaking koliseo sa buong Timog-Silangang Asya. Binansagang "The Big Dome" o "Ang Malaking Simboryo", ang diametro ng simboryo ay mayroong lapad 108 na metro.
Ang Smart Araneta Coliseum ay madalas ginagamit sa pangpalakasan tulad ng basketbol, ito ay ang pangunahing lugar laruan ng Philippine Basketball Association[7], National Collegiate Athletic Association, at ng University Athletic Association of the Philippines. Ang Big Dome ay ginagamit rin para sa boksing, sabungan, lokal at internasiyonal na konsiyerto, sirkus, pagtitipong panrelihiyon, maringal na pagtatanghal at marami pang iba.[8]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1952, binili ni J. Amado Araneta ang 35-hektariyang lupain sa Cubao na sa kasalukuyan ay ang Araneta Center mula sa Radio Corporation of America (RCA). Ang lupain, kasama na ang bahay ng mga Araneta, ay napapaligiran ng Epifanio Delos Santos Avenue, Aurora Boulevard, P. Tuazon at 15th Avenue.
Ang paggawa ng Araneta Coliseum ay sinimulan noong 1957 at natapos noong 1959. Mula 1960 hanggang 1963, ang koliseo ay tumanggap ng pandaigdigang pagkilala bilang ang pinakamalaking panloob na koliseo sa mundo. Sa kasalukuyan, kinikilala pa rin ang koliseo na isa sa pinakamakamalawak na "clear span dome" sa buong mundo at ang pinakamalaking panloob na pasilidad sa Asya.[9]
Ang koliseo ay binuksan noong 16 Marso 1960 upang itanghal ang laban nina Gabriel "Flash" Elorde at ng Amerikanong si Harold Gomes para sa World Junior Lightwight na kampiyonato. Ang "general admission" ay nagkakahalaga noon ng 80 sentimo at ang reserbang seksiyon ay limang piso.
Ilan sa mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa koliseo ay ang ika-11 at ika-34 na parangangal ng FAMAS, ang 1975 Thrilla in Manila; isang labanang boksing sa pagitan nina Muhammad Ali at Joe Frazier, at ang taunang Binibining Pilipinas. Ang Philippine Basketball Association (PBA) ay nakapaglaro ng mahigit kumulang isang libong laro sa koliseo bilang ng 2013. Ang iba pang larong basketbol na tinanghal sa arena ay ang 1978 FIBA World Championship, isang laro sa pagitan ng kampeon ng 1978 NBA Finals na Washington Bullets at isang koponan na pinabibilangan ng mga manlalaro galing sa PBA noong 1979, at ang 1982 Asian Youth Basketball Championship na kung saan nanalo ang Pilipinas laban sa Tsina sa huling laro.[10]
Sa ikatlong sangkapat ng 1998, ang mga Araneta at ang kompanyang Pilipinas Shell (lokal na kompanya ng Royal Dutch Shell) ay nagsimula ng isang negosasyon para sa karapatang pangpangalan ng koliseo na tatagal sana hanggan 2008. Ang mga Araneta, na gustong panatilihin ang pangalan ng koliseo ay tinanggihan ang panukalang pangalang "Shell Coliseum at the Araneta Center". Sa halip, ang magkabilang panig ay sumang-ayon sa isang kontratang paglagay ng mga karatula na kung saan ilalagay ang logo at pangalan ng Shell sa sahig pangbasketbol ng arena, isang kasunduang muntikan ng maudlot dahil sa pagtutol ng ibang mga koponan ng PBA (Ang Shell ang may ari ng Shell Turbo Chargers na koponan na dating kasapi ng PBA)[11]
Noong Hulyo 1999, sinimulan ang pagsasaayos ng koliseo sa halagang P200 milyon.[12] Ang koliseo ay muling binuksan noong Nobyembre 20 sa parehong taon. Ang mga malaking pagbabago na ginawa sa koliseo ay ang pagsaayos ng "lower box" na lugar, pagpalit ng mga upuan sa patron at lower box seksiyon at ang paglagay ng four-sided center hung scoreboard. Noong 2003, nilagyan ito ng LED display.
Mula 2001 hanggang 2008, ang mga tinanghal na programa sa koliseo na may pinakamalaking kita ay ang labanang boksing nina Manny Pacquiao at Oscar Larios, na kumita ng 96.2 milyong piso. Ang konsiyerto ng bandang Westlife ay dinaluhan ng 17,887 tao at kumita ng 18.5 milyong piso, samantalang ang konsiyerto ni Cliff Richard ay kumita ng 17.2 milyong piso kahit na ito ay dinaluhan ng 5,647 katao lamang.[10]
Noong Disyembre 2010, nagdagdag ng malaking LED screen display na pinalayawang "the Big Cube" para palitan ang lumang iskorbord na nilagay noong pagsasaayos sa koliseo noong 1999.[13] Ang LED display ay mas malaki sa lumang nakalagay na scoreboard na may laking 22.22 metro kuwadrado. Una itong ginamit sa pambasketbol na gamit noong semifinal round ng 2010-11 PBA Philippine Cup noong 5 Enero 2011.[14]
Bago ginanap ang Ultimate All-Star Weekend noong Hulyo 2011, inihayag na ang mga Araneta ay pumasok sa isang kasundun kasama ang Smart Communications, Inc. (isang sangay ng Philippine Long Distance Telephone Company) para sa karapatang-pangpangalan ng koliseo. Pinagnalanan ang koliseo bilang "Smart Araneta Coliseum". Ang kasunduan ay magtatagal ng limang taon at may kasama itong pagsasa-ayos ng arena, tulad ng paglagay ng mga escalators para mapabuti ang pagpasok sa upper box at general admission areas, at ang paggawa ng parking lot na may kapasidad hanggang 2000 kotse.[11]
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "SEATING- Basketball". Smart Araneta Coliseum. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2018. Nakuha noong 8 March 2018.
- ↑ "SEATING- Concert". Smart Araneta Coliseum. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2018. Nakuha noong 8 March 2018.
- ↑ "SEATING- Boxing". Smart Araneta Coliseum. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2018. Nakuha noong 8 March 2018.
- ↑ "10 Popular Venues in Manila for Big Events". Philippine Primer. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Marso 2018. Nakuha noong 8 March 2018.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-04. Nakuha noong 2018-07-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ https://peopleasia.ph/?p=164
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-06. Nakuha noong 2013-06-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-11. Nakuha noong 2013-06-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ Henson, Quinito (2008-11-19). "Mecca of sports". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-06. Nakuha noong 2011-07-24..
- ↑ 10.0 10.1 Henson, Quinito (2008-11-19). "More on the mecca". The Philippine Star. Nakuha noong 2011-07-24.[patay na link]
- ↑ 11.0 11.1 Juico, Philip Ella (2011-07-20). "Araneta Coliseum, now Smart Araneta". The Philippine Star. Nakuha noong 2011-07-24.[patay na link]
- ↑ "Coliseum History". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-05-19. Nakuha noong 2013-06-30.
- ↑ The Big Cube at the Big Dome, by Patricia Bermudez-Hizon, Yahoo Philippines News, 5 Enero 2011 Naka-arkibo 2011-01-09 sa Wayback Machine.
- ↑ Nelson Beltran (2011-01-03). "Big Dome launches Big Cube in PBA semis". Philstar. Nakuha noong 2011-01-03.