Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Akheperre Setepenre Nakatatandang Osorkon ang ikalimang paraon ng Ikadalawampu't isang Dinastiya ng Ehipto at ang unang paraon ng pinagmulang Libyan ng Ehipto. Siya ay minsang kilala rin bilang "Osochor," kasunod ng Aegyptiaca ni Manetho. Si Osorkon ang anak ni Shoshenq, na Dakilang Hepe ng Ma sa kanyang asawang si 'Mehtenweskhet na binigyan ng prestihiyosong pamagat na 'Ina ng Hari' sa isang dokumento. Si Osochor ang kapatid ni Nimlot A na Dakilang Hepe ng Ma, at Tentshepeh A na anak na babae ng Dakilang Hepe ng Ma at kaya ay tiyuhin ni Shoshenq I na tagpagtatag ng ika-22 dinastiya ng Ehipto. Ang kanyang pag-iral ay pinagdudahan ng karamihang mga skolar hanggang napatunayan ni Eric Young noong 1963 na ang induksiyon ng saserdote ng templo na nagngangalang Nespaneferhor sa taong 2 I Shemu araw 20 sa ilalim ng isang haring nagngangalang Akheperre Setepenre— sa pragmentong 3B, linyang 1-3 ng mga Annal ng saserdote ng Karnak ay nangyari ng isang henerasyon bago ang induksiyon ni Hori, na anak na lalake ni Nespaneferhor sa taong 17 ni Siamun na itinala sa parehong mga annal.[1] Ikinatwiran ni Young na ang haring Akheperre Setepenre ang hindi alam na Osochor. Ang hipotesis na ito ay hindi buong tinanggap ng lahat ng mga Ehiptologo sa panahong ito. Ngunit sa isang papael noong 1976-1977, binanggit ni Jean Yoyotte na ang isang haring Libyan Osorkon ang anak ni Shoshenq A sa Babaeng si Mehtenweshkhet na si Mehtenweshkhet ay hayagang pinamagatan ng "Ina ng Hari" sa isang dokumentong henealohikal.[2] Dahil walang ibang mga hari na nagngangalang Osorkon ay may inang nagngangalang Mehtenweshkhet, konklusibong napatunayan na si Akheperre Setepenre ang Osochor ni Manetho na ang ina ay siMehtenweshkhet. Si Mehtenweshet A rin ang ina ni Nimlot A at kaya ay lola ni Shoshenq I.
- ↑ Eric Young, Some Notes on the Chronology and Genealogy of the Twenty-first Dynasty, Journal of the American Research Center in Egypt, Volume 2 (1963), pp.99–112
- ↑ Jean Yoyotte, Osorkon fils de Mehytouskhé: Un pharaon oublié?, Bulletin de la Société française d'égyptologie, Volume 77–78 (1976-1977), pp.39–54