Pumunta sa nilalaman

Lucia ng Siracusa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol sa isang santong Katoliko ang artikulong ito. Para sa ibang gamit, tingnan ang Santa Lucia (paglilinaw).
Santa Lucia
Santa Lucia, guhit ni Domenico Beccafumi, 1521, Pinacoteca Nazionale, Siena.
Ipinanganak283
Syracuse
Namatay304
Syracuse
Benerasyon saSimbahang Romano Katoliko, Simbahang Silanganing Ortodoks, Simbahang Lutheran, Mga Simbahang Anglikano
Kanonisasyonpre-kongregasyon
Pangunahing dambanaSan Geremia, Venice
KapistahanDisyembre 13, Araw ni Santa Lucia
Katangiankurdon; mga mata; mga mata sa plato; lampara; mga espada; babaeng nakasingkaw sa paod ng kapong baka; babaeng kasama ni Santa Agatha, Santa Agnes ng Roma, Barbara, Catherine ng Alexandria, at Santa Thecla; babaeng nakaluhod sa libingan ni Santa Agatha

Si Santa Lucia[1] o Santa Lucia ng Siracusa (Syracuse), kilala rin bilang Santa Lukia (tradisyonal na mga petsa: 283304) ay isang mayaman at batang Kristiyanong martir na itinuturing na santo ng mga Katoliko at Kristiyanong Ortodokso. Ipinagdirwang ang kapistahan niya sa Kanluran at sa ibang mga bansang may mga Katoliko tuwing Disyembre 13, sa pamamagitan ng hindi nababagong Kalendaryong Hulyano, ang pinakamahabang gabi ng taon; siya ang pinakasi ng mga taong bulag o malabo ang paningin. Isa si Lucia sa mga kakaunting mga santong ipinagdiriwang ng mga Luteranong Swedes, Finland-Swedes, Danes, at Noruwego, sa mga selebrasyon o Araw ni Santa Lucia na nagpapanatili pa rin ng maraming katutubong pre-Kristiyano at pang-panahon ng Tag-lamig na kapistahan ng liwanag ng mga paganong Aleman.[2] Isa siya sa pitong mga kababaihan, maliban sa Mahal na Birheng Maria, inaalala sa pangalan sa Romanong Kanon. Isa siya sa mga pintakasing santo ng Kapaskuhan.[1]

Ipinanganak si Santa Lucia sa Syracuse, Italya noong 283. Ayon sa nakaugalian, ipinahayag niya ang kaniyang paniniwala at pananampalataya sa Kristiyanismo sa pamamagitan ng pagpamamahagi ng kaniyang kayamanan sa mga mahihirap noong kapanahunan ng mga pag-uusig na Diyoklesyano. Itinakwil siya ng kaniyang kasintahan at namatay siya sa pamamagitan ng espada.[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Saint Lucy [Ingles], Santa Lucia [Italyano]". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
  2. Kabilang sa iba pang natatanging mga santong pinipintakasi ng mga Iskandinabyanong (Scandinavian) Luterano sina San Juan Bautista tuwing kalagitnaan ng Tag-araw, at San Olaf, ang patron ng Norway, sa Olsok.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]