Pumunta sa nilalaman

Leni Robredo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Maria Leonor G. Robredo
Si Robredo nang 2022
Ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2016 – Hunyo 30, 2022
PanguloRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanJejomar C. Binay
Sinundan niSara Duterte
Tagapangulo ng Sangguniang Tagapag-ugnay sa Pagpapaunlad ng Pabahay at Kalungsuran
Nasa puwesto
Hulyo 12, 2016 – Disyembre 5, 2016
PanguloRodrigo Duterte
Nakaraang sinundanChito Cruz
Sinundan niLeoncio Evasco Jr.
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Ikatlong Distrito ng Camarines Sur
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2013 – Hunyo 30, 2016
Nakaraang sinundanLuis Villafuerte, Sr.
Sinundan niGabriel Bordado
Personal na detalye
Isinilang
Maria Leonor Santo Tomas Gerona

(1965-04-23) 23 Abril 1965 (edad 59)[1]
Naga, Camarines Sur, Pilipinas
Partidong pampolitikaLiberal
AsawaJesse Robredo
kasal 1987; namatay 2012
Anak3
TahananQuezon City Reception House
Alma materUniversity of the Philippines Diliman (B.A.)
San Beda College (M.B.A.)
University of Nueva Caceres (LL.B.)
TrabahoAbogado, Ekonomista, Negosyante
WebsitioOpisyal na website
Website ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

Si Maria Leonor Gerona Robredo (Santo Tomas Gerona noong dalaga; isinilang Abril 23, 1965),[1][2] mas kilala bilang si Leni Robredo, ay isang Pilipinong abogado, pulitiko, at aktibista na nanungkulan bilang ang ika-14 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang asawa ng dating kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal na si Jesse Robredo. Bago siya maging pangalawang pangulo ng bansa, nanunungkulan si Robredo bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan ng Camarines Sur mula 2013 hanggang 2016. Pagkatapos nito, tumakbo siya bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Partido Liberal, kasama si Mar Roxas bilang katambalan niya. Dito, natalo niya si Bongbong Marcos nang lagpas 270,000 boto lamang.[3][4] Siya ang ikalawang babaeng pangalawang pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal Arroyo noong 1998, at ang unang taga-Bikol na umupo sa naturang puwesto.

Isa siya sa mga tumatakbo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas sa halalan 2022.[5]

Kabataan at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isinilang si Maria Leonor Santo Tomas Gerona noong Abril 23, 1965 sa Naga, Camarines Sur.[6] Siya ang panganay sa tatlong anak nina Antonio Gerona, isang retiradong hukom, at Salvacion Sto. Tomas.[7]

Sa Universidad de Sta. Isabel sa Naga nag-aral si Gerona ng panimulang edukasyon. Dito niya tinapos ang kanyang elementarya noong 1978 at mataas na paaralan noong 1982.[7] Nakapagtapos siya ng antas sa ekonomika mula sa Paaralan ng Ekonomika sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1986.[8] Pagkatapos nito, kumuha siya ng digri sa batas sa Unibersidad ng Nueva Caceres, at nagtapos noong 1992.[8] Naipasa niya ang bar exam noong 1997, matapos niyang maibagsak muna ito noong 1992.[9]

Bago ang pagkamatay ng asawa niya noong 2012, hindi masyado nakilahok si Robredo sa pulitika. Noong halalan 2013, tumakbo siya bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur at nanalo.

Siya ang pangalawang tagapangulo ng mga komite ng Kongreso sa mabuting pamamahala, pananagutang pampubliko, at pagbabago sa mga batas. Bukod rito, miyembro rin siya ng 11 house panel. Isa siya sa mga matitinding tagapagtaguyod ng batas sa Kalayaan sa Impormasyon, at tagasuporta sa Panimulang Batas ng Bangsamoro.

Maria Leonor Gerona-Robredo
ika-16 na Kongreso
Batas Bill Maiksing Pamagat Isinabatas Kopya
RA 10672 HB 4073 Granting Philippine Citizenship To Farrell Eldrian Wu Agosto 19, 2015 LawPhil
RA 10922 HB 5452 Economic and Financial Literacy Act Hulyo 22, 2016 LawPhil Naka-arkibo 2022-01-18 sa Wayback Machine.
RA 10708 HB 5831 Tax Incentives Management and Transparency Act (TIMTA) Disyembre 9, 2015 LawPhil
Pinagkunan: Website ng Kongreso ng Pilipinas.
Paalala: Ang mga kasama sa listahan na ito ay ang mga bill na naging batas, kung saan siya ang (o isa sa mga) principal author nito.

Mga naipasa o isinulong na batas sa Kongreso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinulat ni Robredo ang People Empowerment Bill (HB 4911[10]) na naglalayon sa mas maraming partisipasypon ng mga Pilipino sa paggawa ng desisyon at batas[11] at batas ng pagsali ng mga mamamayan sa proseso ng budget ng pamahalaan(HB 3905) na naglalayon na pataasin ang pagsali ng mga mamamayan sa mga desisyon na nauukol sa paglikha ng mga badyet sa mga proyekto ng pamahalaaan.[10][12] Sinulat rin Robredo ang panukalang batas kontra diskriminasyon (HB 3432) batay sa etnisidad, estado sa buhay, lahi, relihiyon, kasarian, orientasyong seksuwal, gender identity at ekspresyon, wika, kapansanan, estado ng HIV at iba pa.[kailangan ng sanggunian]

Isinulong niya ang bersiyon sa kapulungan (House Bill 05831) na naging Republic Act RA10708, the Tax Incentives Management(Mga paghihimok sa pangangasiwa ng pagbubuwis) at ang batas ng pagiging buikas noong 2009 (TIMTA).[13][14][15]

Isa pang batas na isinulong ni Robredo ang kontra dinastiya sa pamahalaan.[16][16][17][17][18] at ang batas ng malinis na inumin (House Bill 4021).[18] Kabilang sa mga batas na isinulong ni Robredo ang batas sa kalayaan ng Impormasyon.[19] at Bangsamoro Basic Law[20][21] gayundin ang kalinisan, bukas na pamahalaan at pagsisiwalat ng lahat ng mga transaksiyon ng budget ng Pilipinas (HB 19).[22] at ang patakarang bukas na pinto sa Publiko (House Bill No. 6286),[23]

Mga komite sa kongreso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naupo si Robredo bilang Bise Chairman ng Komite sa mabuting pamamahala at pagiging bukas ng pamahalaan sa publiko.[24]

Pangalawang Pangulo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Opisina ng Pangalawang Pangulo ni Robredo ang nakatanggap ng pinakamataas na grado ng audit(pagtingin sa paghawak ng pananalapi sa budget nito) sa Commission on Audits.[25] Noong 2022, ang budget ng Opisina ni Robredo ay binawasan ng 21 Porsiyento ng gobyerno ni Rodrigo Duterte.[25] Ang budget ng Opisina ng Pangulo ay inilaan ni Robredo para COVID-19 response at mga angat buhay programa.[26]

Presidential styles ni
Leni Robredo
Sangguniang estiloHer Excellency
Estilo ng pananalitaYour Excellency
Alternatibong istiloMadame Vice President

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Robredo kasama ang kanyang mga anak

Kilala si Leni Robredo sa kanyang payak na pamumuhay.[27] Naging asawa siya ni Jesse Robredo, na nakilala niya habang siya ay nagtatrabaho sa Bicol River Basin Development Program, mula 1987 hanggang sa kamatayan nito noong 2012. Mayroon silang tatlong anak, sina Jessica Marie, Janine Patricia, at Jillian Therese.[2]

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Begas, Leifbilly (Mayo 4, 2016). "Leni: I'm tough, I fight for what is right" [Leni: Matibay ako, pinaglalaban ko kung ano ang tama]. Inquirer Bandera (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2017. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  2. 2.0 2.1 "Vote PH 2016: Leni Robredo". Inquirer.net (sa wikang Ingles). Abril 10, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 5, 2016. Nakuha noong April 12, 2016.
  3. Cayabyab, Marc Jayson. "Leni Robredo is vice president" [Si Leni Robredo na ang pangalawang pangulo]. Inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 2, 2016. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  4. "Philippine VP Robredo Widens Lead Over Marcos in Protest Recount" [VP Robredo ng Pilipinas, lumaki ang lamang kay Marcos sa protest recount]. Bloomberg.com (sa wikang Ingles). Oktubre 19, 2019. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  5. Tan, Lara (Oktubre 7, 2021). "VP Robredo to run for president in 2022" [Tatakbo sa pagkapangulo si VP Robredo sa 2022]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 7, 2021. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  6. Cupin, Bea (Oktubre 5, 2015). "Leni Robredo: I can't refuse call to serve" [Leni Robredo: Di ko kayang tanggihan ang tawag ng paglingkod]. Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 7, 2015. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  7. 7.0 7.1 Philippine Daily Inquirer (Agosto 24, 2012). "That first night, I knew he was gone—Robredo's wife" [Nung unang gabi na yon, alam ko na'ng wala na siya—asawa ni [Jesse] Robredo]. Inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 1, 2020. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  8. 8.0 8.1 Bueza, Michael (Pebrero 6, 2016). "Are 2016 VP bets truthful about academic degrees?" [Totoo ba ang mga sinabi ng mga 2016 VP bet tungkol sa digri nila?]. Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 7, 2020. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  9. Yap, DJ (Marso 31, 2016). "Bar flunker Leni Robredo tells of rebound" [Nagkuwento ng rebound ang bar flunker na si Leni Robredo]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 27, 2021. Nakuha noong Enero 17, 2022.
  10. 10.0 10.1 "Leni on BUB, cabinet portfolio and others – Liberal Party of the Philippines". Liberal Party of the Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong December 3, 2015.
  11. "[HB4911] People Empowerment Bill.pdf". Google Docs. Nakuha noong December 3, 2015.
  12. Maria Ressa (Interviewer), Leni Robredo (October 12, 2015). Rappler Talk: Leni Robredo on running for VP (YouTube Video). Rappler. Nakuha noong December 3, 2015.
  13. "Senate passes Tax Incentives Management and Transparency Act". Rappler. Nakuha noong December 3, 2015.
  14. "House OKs Tax Incentives Transparency bill". Philstar.com. Philstar Global Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-02. Nakuha noong 2022-01-17.
  15. "Grief, and why I will campaign for Leni". BusinessWorld. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-06. Nakuha noong 2022-01-17.
  16. 16.0 16.1 "Cong. Robredo's Statement on the Anti-Dynasty Bill – Leni Robredo Official Website". Leni Robredo Official Website (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong September 10, 2016. Nakuha noong December 3, 2015.
  17. 17.0 17.1 "Robredo: Dynasty bill may be passed yet". Philstar.com. Philstar Global Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong December 8, 2015. Nakuha noong December 3, 2015.
  18. 18.0 18.1 "Healthy Beverage Options Act 4021 Proposed for Schools". SmartParenting.com.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong December 8, 2015. Nakuha noong December 3, 2015.
  19. Marc Jayson Cayabyab. "Leni Robredo urges adoption of House FOI bill version". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong September 27, 2015. Nakuha noong September 22, 2015.
  20. Aries Joseph Hegina. "LIST: How did your representatives vote on the BBL?". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong September 29, 2015. Nakuha noong September 22, 2015.
  21. "22 House members urge support for Bangsamoro Basic Law". SunStar. Inarkibo mula sa orihinal noong September 24, 2015. Nakuha noong September 22, 2015.
  22. "Leni Robredo's first bill: Full disclosure in gov't transactions". Philstar.com. Philstar Global Corp. Nakuha noong December 3, 2015.
  23. "House Bill No. 6286 (Open Door Policy Act).pdf". Google Docs. Nakuha noong December 3, 2015.
  24. "Leni Robredo: The reluctant candidate now seeks VP post in 2016". GMA News. Inarkibo mula sa orihinal noong October 7, 2015. Nakuha noong October 5, 2015.
  25. 25.0 25.1 https://newsinfo.inquirer.net/1486153/ovp-2022-budget-cut-by-21-lawmakers-want-it-to-have-at-least-p1-billion
  26. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-09. Nakuha noong 2022-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
  27. "Becoming Leni Robredo". rappler.com. Nakuha noong November 16, 2016.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Jejomar Binay
Pangalawang Pangulo ng Pilipinas
2016–2022
Susunod:
Sara Duterte