Pumunta sa nilalaman

Kapibara

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kapibara[1]
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Subpilo:
Hati:
Orden:
Suborden:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Hydrochoerus

Brisson, 1762
Espesye:
H. hydrochaeris
Pangalang binomial
Hydrochoerus hydrochaeris
(Linnaeus, 1766)
Nasasakupan ng kapibara.

Ang kapibara[3] (Ingles: capybara) o Hydrochoerus hydrochaeris[1][4] ay isang uri ng hayop na may katawang kamukha ng sa baboy at ngusong kahawig naman ng daga. Natatagpuan sila Timog Amerika.[3] Kilala rin sila bilang capibara, chigüire sa Beneswela, chigüiro, at carpincho sa Kastila,[5][6][7] at capivara sa Portuges[6], ay ang pinakamalaking daga sa mundo.[8] Kamag-anak ito ng agouti, chinchilla, nutria o coyphilla, at dagang puti (kilala rin bilang dagang kuneho, dagang kosta o guinea pig).[9] Hinango ang karaniwang pangalan nito mula sa kapiÿva ng wikang Guarani,[6] na may ibig sabihing "panginoon ng mga damuhan"[10] habang mula naman sa Griyegong hydrochaeris ang pangalan nito sa agham o siyentipikong pangalan, na nangangahulugang "tubig-baboy".[9]

May mabibigat na mga pangangatawan ang mga kapibara na kahugis ng bariles at may maiikling mga ulo. Mayroon din silang balahibong mamulamula't kayumanggi sa gawing itaas ng kanilang mga katawan na nagiging dilawaing kayumanggi sa ilalim. Lumalaki na hanggang 130 centimetro (4.3 tal) at umaabot sa timbang na 65 kg (143 lb) ang mga nasa huston gulang nang mga kabipara.[11][12][13][14] May bahagyang masapot na mga paa ang mga kapibara, walang buntot,[15] at 20 mga ngipin.[16] Bahagyang mas mahaba ang panlikurang mga paa nila kaysa nasa harap at pulpol ang kanilang mga nguso na may mga mata, mga butas ng ilong, at mga taingang nasa itaas ng kanilang mga ulo.[15] Mas mabigat ng kauni ang mga kababaihan kung ihahambing sa mga kalalakihan.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Woods, C.A.; Kilpatrick, C.W. (2005). "Infraorder Hystricognathi". Sa Wilson, D.E.; Reeder, D.M (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Johns Hopkins University Press. pp. 1538–1600. ISBN 978-0-8018-8221-0. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)
  2. Queirolo, D., Vieira, E. & Reid, F. (2008). Hydrochoerus hydrochaeris. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 5 Enero 2009.
  3. 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Capybara - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. Hydrochoerus hydrochaeris (capybara). Museo ng Soolohiya ng Pamantasan ng Misigan, Animal Diversity Web. Nakuha noong Disyembre 16, 2007.
  5. (sa Kastila) J. Forero-Montana, J. Betancur, J. Cavelier. "Dieta del capibara Hydrochaeris hydrochaeris (Rodentia: Hydrochaeridae) en Caño Limón, Arauca, Colombia", Rev. biol. trop, Hunyo 2003, tomo 51, blg. 2, pp. 571–578. ISSN 0034-7744. mayroong makukuhang PDF Naka-arkibo 2009-03-25 sa Wayback Machine. (Salin sa Ingles)
  6. 6.0 6.1 6.2 Capybara Natural History. JunglePhotos.com. Nakuha noong Disyembre 16, 2007.
  7. "Trip to South America gives new meaning to outdoors life" mula sa inRich.com[patay na link] (Kawing huling nakuha/napatunayan noong 17 Enero 2008)
  8. Capybara. Naka-arkibo 2008-01-21 sa Wayback Machine. Soo ng San Francisco. Nakuha noong Disyembre 17, 2007.
  9. 9.0 9.1 9.2 Capybara (Hydrochoerus hydrochaeris). Naka-arkibo 2008-01-21 sa Wayback Machine. Soo ng Chester (Nagkakaisang Kaharian). Nakuha noong Disyembre 17, 2007
  10. Capybara. Naka-arkibo 2007-09-18 sa Wayback Machine. Halamanang Soo ng Bristol (UK). Nakuha noong Disyembre 16, 2007.
  11. Mga katotohanan hinggil sa Kapibara. Naka-arkibo 2005-09-30 sa Wayback Machine. Pambansang Liwasang Soolohiko ng Smithsonian. Nakuha noong Disyembre 16, 2007.
  12. Soo ng Hattiesburg, Hattiesburg, Misisipi (Capybara exhibit marker)
  13. Ang Encyclopædia Britannica (1910) Capybara (mula sa Mga Aklat ng Google)
  14. Capybara. Naka-arkibo 2012-04-25 sa Wayback Machine. Soo ng Palm Beach. Nakuha noong Disyembre 17, 2007.
  15. 15.0 15.1 Capybara. British Broadcasting Corp.: Science and Nature: Animals. Nakuha noong Disyembre 16, 2007.
  16. Capybara fact sheet