Gitnang pangalan
Sa ilang kalinangan, ang isang gitnang pangalan ay bahagi ng isang pansariling pangalan. Kadalasang kinabibilangan ng isa o higit pa na pangalan ang isang indibiduwal. Maari ang mga pangalang ito ay pandagdag sa bilang na kadalasang tinuturing sapat upang matukoy isang tao. Sa ilang mga kultura kung saan ang isang ibinigay na pangalan ay inaasahang mauna sa apelyido, karaniwang niIalagay ang karagdagang pangalan pagkatapos ng ibinigay na pangalan at bago ang apelyido,[1][2] at sa gayon tinatawag itong gitnang pangalan. Sa kulturang Amerikano na nagsasalita ng wikang Ingles, kadalasang tumutukoy ang katawagang middle name sa mga pangalang nasa posisyong gitna kahit na ang nagdadala ng pangalang iyon ay pinipilit na nagpakakamali lamang na gitnang pangalan iyon, at sa katunayan ay nasa sa mga sumusunod na karaniwang kaso:
- bahagi ng dalawang salitang ibinigay na pangalan (halimbawa: Mary Anne tulad ng Mary Anne Clarke, at "Joe Bob Briggs"),
- isang apelyido sa pagkadalaga (halimbawa: Rodham),
- isang patronimiko o bahagi ng pansariling pangalan na batay sa ibingay ng pangalan ng ama (halimbawa: Sergeyevich),
- isang pangalan sa binyag (halimbawa: "Cristobal" tinatawag si San Cristobal), o
- isang apelyido ng ina (tulad sa mga pangalang Portuges at mga pangalan ng mga taga-Brasil).
Sa Pilipinas, noong panahon ng kolonisasyon ng mga Kastila, bahagi ng pansariling pangalan ang apelyido ng ina na nilalagay sa dulo ng pangalan ng indibiduwal (halimbawa: José Rizal y Mercado).[3] Pagkatapos bilhin ng Estados Unidos ang Pilipinas mula sa Espanya, naging gitnang pangalan ang apelyido ng ina.[3] Karaniwang dinaglat ito at tinatawag na gitnang inisyal (halimbawa: Fidel V. Ramos).
Mayroong mga kalinangan na walang gitnang pangalan tulad ng pangalang Koreano. Halimbawa, sa pangalang Koreano na Song Hye Kyo (송혜교), ang ikalawang pantig na Hye ay hindi gitnang pangalan (sa konseptong Ingles o Pilipino) kundi isang pangalang henerasyon na pare-pareho sa magkakapatid o sa kaparehong henerasyon sa pinalawak na pamilya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "middle name (language) - Britannica Online Encyclopedia" (sa wikang Ingles). Britannica.com.
- ↑ "Middle name - Definition and More from the Free Merriam-Webster Dictionary" (sa wikang Ingles). Merriam-webster.com.
- ↑ 3.0 3.1 Posadas, Barbara M. (1999). "NAMES AND NAMING PRACICES". The Filipino Americans (The New Americans) (sa wikang Ingles). Greenwood Press. pp. 48–49. ISBN 9780313297427.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)