Eliseo Soriano
Eli Soriano | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Overall Servant (dating "Presiding Minister") | |||||||
Hinalinhan | Nicolas Perez[a] | ||||||
Mga detalyeng personal | |||||||
Pangalan sa kapanganakan | Eliseo Fernando Soriano | ||||||
Kapanganakan | 4 Abril 1947 Pasay, Rizal, Pilipinas | ||||||
Yumao | 10 Pebrero 2021 Santa Catarina, Brazil[6] | (edad 73) ||||||
Kabansaan | Pilipino | ||||||
Denominasyon | Members Church of God International | ||||||
YouTube information | |||||||
Channels | Brother Eli Channel | ||||||
Years active | 2020–present (via archive footage) 1980-2021[7] | ||||||
Genre | Religious | ||||||
Subscribers | 125 thousand | ||||||
Total views | 8.5 million | ||||||
Associated acts | Daniel Razon | ||||||
| |||||||
Last updated: March 6, 2021 | |||||||
Website | http://www.elisoriano.com/ |
Si Eliseo Fernando Soriano o mas kilala sa tawag na Bro. Eli o Kapatid na Eli (ipinanganak noong 4 Abril 1947 - 10 Pebrero 2021) ay ang Lingkod Pangkalahatan (Overall Servant) ng Kristiyanong samahan na Members Church of God International na nakabase sa Pilipinas. Kinilala ang kanyang angking galing sa larangan ng debate at hindi matututulang mga aral sa Bibliya na kanyang ipinangangaral.
Biograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Eliseo Fernando Soriano (ipinanganak noong 4 Abril 1947 - 10 Pebrero 2021) kina Triunfo Soriano at Catalina Fernando sa Lungsod ng Pasay, Metro Manila. Siya ay ikapito sa walong magkakapatid.
Sa kaniyang pagkabata, si Eliseo o Eli ay mahiyain at ayaw halos humarap sa tao. [kailangan ng sanggunian] Sa kadahilanang ito ay palagi siyang tumatakas sa kaniyang mga guro sa klase. [kailangan ng sanggunian] Bagaman mahiyain, ang batang si Eli ay matalino. Ang kaniyang mga magulang ay nahikayat siyang magaral nang mabuti. Napatunayan niya ang kaniyang katalinuhan sa pagkakamit ng mga pinakamatataas na marka ng isang estudyante sa kabuoan ng kaniyang pagaaral sa mababang paaralan. Sa pagtungtong niya ng highschool, si Eli ay naihalal na pangulo ng Konseho ng mga Estudyante. Siya ay palaging naaatasan bilang katulong ng punong guro. Kung ang ibang guro ay wala, kinukuha rin niya ang tungkulin bilang pansamantalang guro ng kaniyang mga kamagaral kahit na sa mga nasa mas mataas na antas.
Ilang araw matapos ang kaniyang ikalabimpitong kaarawan, dinala si Eli ng kaniyang mga magulang sa pagkakatipon pagsamba sa locale ng Pasay. Siya ay naiyak sa narinig niyang pangangaral ni kapatid na Nicolas Perez, ang nakadestinong manggagawa noong panahong iyon, ukol sa tunay na iglesia ng Dios na nasa Biblia. Naniniwala siya na ang ipinangangaral ni kapatid na Perez ay totoo at siya ang isinugo ng Dios upang mangaral ng salita sa sangkatauhan. Matapos marinig ang pangangaral ni kapatid na Perez, siya ay nagkaroon ng interes sa Biblia at nagsimulang magsuri. Tatlong buwan bago ang kaniyang pagtatapos sa paaralan, nagdesisyon siyang tumigil sa pagaaral at iukol na lamang ang kaniyang panahon sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan. Ito ang dahilan kung bakit siya ay hindi nakatapos sa mataas na paaralan. Hindi naglaon, nakiusap siya kay kapatid na Perez na mabautismuhan sa Iglesia ng Dios kung sana ang kaniyang mga magulang at kapatid ay kaanib. Noong 7 Abril 1964, sa edad na 17, siya ay binautismuhan sa Sineguelasan, Bacoor, Cavite sa ganap na 5:05 nang hapon.
Sa kaniyang pagnanasang makapaglingkod sa Dios, si kapatid na Eli ay dumao sa klase ministeryal ng mga manggagawa sa ilalalim ng pagtuturo ni kapatd na Perez. Sa awa't tulong ng Dios, siya ay naging ministro ni Cristo at inilaan ang kaniyang buhay sa paglilingkod sa Dios at sa Iglsia upang maipalaganap ang kaharian ng Dios. Si kapatid na Eli ay nagpasimulang magpulong sa Guagua, Pampanga. Ang gabi-gabing pagpupulong ay nagbunga ng 33 bagong kapatid, kung kaya't nagpasimula ang lokal ng Sto. Cristo, ang unang lokal sa Pampanga. Ang probinsiya ng Pampanga ay naging unang dibisyon sa Iglesia, kung saan si kapatid na Eli mismo ang nangangasiwa. Siya rin ang nagtuturo sa ibang mga manggagawa sa dibisyon.
Sa mga debate, si kapatid na Eli ang inaatasan ni kapatid na Perez upang patunayan nang tunay na Pananampalataya at katuruan ni Cristo laban sa ibang mga pastor, ministro at pari. Siya rin ang katulong ni kapatid na Perez sa paggawa ng mga paksang aralin na itinuturo sa kalse ministerial ng mga manggagawa. Noong 1969, pinagkalooban ni kapatid na Perez si kapatid na Eli ng ID na may titulo bilang "Ministro", isang katunayan ng kaniyang mahusay at matiyagang paglilingkod sa Iglesia bilang manggagawa ng Dios. Walang ibang manggagawang nabigyan na kaparehong katunayan bilang ministro.
Noong 1975, si kapatid na Perez ay namatay na walang pinapatungang kamay bilang kapalit na tagapangasiwa ng Iglesia. Sa mga sumunod na buwan, si kapatid na Eli ang gumagawa ng mga paksa na itinuturo sa mga kapatid upang sila hindi mawalan ng pagasa. Iniisip ng mga kaanib na si kapatid na Perez ang gumawa ng mga paksa bago siya namatay; alam naman ng karamihang mga manggagawa, na si kapatid na Eli ang gumawa ng mga paksa. Sangayon sa alituntunin ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa Pilipinas, ang Pangkalahatang Kalihim ng samahan ang pansamantalang mangangasiwa hanggang sa panahon na maghalal ng isang tagapangasiwa.
Noong 11 Hulyo 1975, ang kapulungan ng mga nangangasiwa ng Iglesia, kasama ni kapatid na Eli ay lumagda sa kasunduan na si Levita Gugulan, kagaya ng nakasaad sa batas, ang pansamantalang hahalili bilang tagapangasiwa. Subalit ninasa ni Gugulan na maging tagapangasiwa ng Iglesia nang lubusan, na labag sa banal na kasulatan. Ang babae ay hindi pinahihintulutan mangasiwa sa bayan ng Dios ayon sa Biblia. Sa kanilang paniniwala na ang samahang dating pinangangasiwaan ni kapatid na Perez ay lumihis na sa mga aral ng Dios, si kapatid na Eli, kasama ng mga matatanda sa Iglesia, ay umalis sa grupong pinangasiwaan ni Gugulan. Karamihan sa mga matatanda na sumama sa kaniya ay sumaksi na narinig nila kay kapatid na Perez na mahigpit na ipinagbabawal sa Biblia na mangasiwa ang babae sa Iglesia ng Dios.
Noong 30 Marso 1977, inirehistro ni kapatid na Eli ang samahang "Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas." ginamit ni kapatid na Eli ang salitang "saligan" dahil sa katumbas nitong salita sa Griyego na hedraioma, at hindi "suhay", na ginamit ng samahan ni Gugulan. Sa Bibliang Griyego, ang hedraioma ay nangangahulugang saligan at hindi suhay. Noong 13 Enero 2004, inirehistro ni kapatid na Eli ang "Members Church of God International", ang pangalan ng ginagamit ng samahan sa kasalukuyan, bilang tugon sa dumaraming bilang ng kaanib sa ibang bansa, Pilipino at hindi Pilipino. Sa kabila ng mga paguusig ng ibang samahang panrelihiyon, ang iglesia ay nananatiling matibay.
Ang taong 1980 ay nagtala kay kapatid na Eli Soriano ng kaniyang sariling programa sa radyo na Ang Dating Daan. Ang Dating Daan ay unang naisahimpapawid sa DWWA 1206 kHz, pagkatapos ay sa DWAR, DZME, DZMB, DWAD, DZRD, DWAN, DZXQ, at sa ibang lokal na estasyon sa buong bansa. Si kapatid na Eli ay inanyayahan rin upang sumali sa DZBB sa programang “Dis is Manolo and his GENIUS Family”. Ang ibang kasama sa programa ay sina Bert Valinton and Domingo Filomeno ng Iglesia Sabadista, Manuel Manzanilla ng Saksi ni Jehova, Agustin Tabuñar ng Iglesia Espiritista, Onnie Santiago ng Iglesia ng Dios Espiritu Santo, Jess Patricio ng Iglesia Romano Katoliko, Tydee ng Bahai Faith, Miguel Inciong ng Iglesia Espiritu Santo, Severino Taril, isang tagasunod ni Dr. Jose Rizal, Romula Aldana, Mr. Khempis, Resty Policarpio, Aldon Tagumpay, at Rudy Natividad. Sa magkakasunod na tatlong taon, si kapatid na Eli ay nakatanggap ng parangal bilang "Pinakamahusay ng Ministro" na parangal na ibinibigay ng GENIUS Family. Walang ibang ministro na ginawaran ng parehong parangal maliban sa kaniya.
Ang programa sa telebisyon na Ang Dating Daan ay pinasimulan noong taong 1983 sa pagsisikap ni Kapatid na Eli at Kapatid na Daniel (Pangalawang Tagapangasiwa). Ito ay sumahimpapawid sa IBC 13. Noong 1997, sumahimpapawid ang programa sa RJTV 29 nang ito ay lumipat mula sa dati nitong estasyon. Ito ay muling lumipat sa SBN 21 sa taong 2000. Sa panahong ito, ang programa sa telebisyon ay naririnig sa buong bansa sa RMN, DZRH, at sa 100 estasyon ng Radyo Natin. Taong 2004 nang ang Ang Dating Daan ay lumipat sa UNTV 37 kasama ng iba pang programa ni kapatid na Eli kasama na ang Itanong mo kay Soriano, Bible Guide, Truth in Focus at Biblically Speaking.
Maliban sa pagiging host sa radyo at telebisyon, si kapatid na Eli ay sumulat din ng aklat na may pamagat na “Leaving behind the Fundamental Doctrines of Christ”. Ito ay unang nailathala sa wikang Ingles sa katapusan ng dekada 90. Siya rin ay naglathala ng mga artikulo sa mga magasin kagaya ng "The Blog magazine", The Old Path Magazine, Believer Newsmagazine, at Ang Dating Daan Magazine. Noong 2007, si Kapatid na Eli ay nagsimulang magsulat ng sarili niyang blog na esoriano.wordpress.com, na nagwagi bilang "Most Popular Website" sa taong 2009 ng Philippine Web Awards. Si Bro. Eli Soriano ay nagtayo ng mga bahay ampunan sa iba't ibang bahagi ng bansa at inalalayan ang gastusin upang makupkop ang mga ulila at mga kababayang wala sa buhay. Ang ampunan ay para sa mga kaanib at hindi kaanib sa samahan. Noong 2005, si kapatid na Eli ay napilitang mangibang bayan dahil sa paguusig ng mga kaaway na nasa ibang samahang panrelihiyon at sa ibang opisyal ng pamahalaan ng pumapanig sa kanila. Sa hindi inaasahan, ang paglisan sa Pilipinas ay nagbigay ng pagkakataon upang mapalawak ang gawain ng kaligtasan sa ibang bansa, kung kaya't ang kaniyang pagnanais ay lumaganap sa buong mundo.
Pagiging Internasyunal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mahigit na tatlong taong pangangaral sa mga pagpupulong sa iba't ibang panig ng mundo, ang mga taga ibang bansa na nakapakinig sa pangangaral ni kapatid na Eli ay naanib sa "Members Church of God International." Sa maikling panahon, ang malalaking locale ay naitatag sa Ghana, Africa, Papua New Guinea, at Timog America. Ang mga kaanib dito ay mga katutubong mamamayan ng bansa. Ang pinakahuling pagunlad na nakita at narinig sa programang Ang Dating Daan ay lumaganap sa iba't ibang bahagi ng Asya, Aprika, Europa, Timong America, Hilagang America at Australya sa pamamagitan ng telebisyon, estasyon ng radyo at Internet. Ang mga pangangaral na naglalaman ng mga katuruan batay sa Bibliya at pangangaral ni kapatid na Eli Soriano ay ipinamamahagi na walang bayad.
Exile
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Truthcasting Website Naka-arkibo 2008-10-11 sa Wayback Machine.
- Biography of Eli Soriano Naka-arkibo 2019-03-31 sa Wayback Machine.
- Bible Exposition Online
- Ang Dating Daan Streaming Media Site
- Christian Community Website Naka-arkibo May 4, 2010, sa Wayback Machine.
- UNTVWEB - In service to humanity. Worldwide
- Members Church of God International
- ↑ Monton, Inoh Francis (September 24, 2017). "Brethren from the time of the late Bro. Nicolas Perez, former MCGI Overall Servant, fill the ADD Convention stage to sing their humble song of praise to God. They are all thankful to God for His decades of love and protection for each and everyone of them. (Photo: Bro. Inoh Francis Monton / Photoville International)" (sa wikang Ingles).
- ↑ Wilson, Domingo (March 13, 2017). "Sis. Luz Cruz happily interviews old members from the time of Bro. Nicolas Perez for their testimonies of faith through decades of service to God. (Photo Courtesy of MCGI/Photoville International - Bro. Wilson Domingo)" (sa wikang Ingles).
- ↑ Lumiares, Rodel Acuvera (September 9, 2016). "Brethren that were baptized during the time of Bro. Nicolas Perez offer a song of gratitude to the Almighty during the weekly Thanksgiving to God event of MCGI last September 4, 2016 at the Ang Dating Daan Convention Center in Apalit, Pampanga. (Photo courtesy of MCGI/Photoville International - Rodel Acuvera Lumiares)" (sa wikang Ingles).
- ↑ Policarpio, Jeffrey (March 13, 2017). "Bro. Armando Policarpio, a worker from the time of Bro. Nicolas Perez, gives his testimony all the way from the Locale of San Francisco Bay, USA to impart his experiences of serving to God through the years with brethren. (Photo Courtesy of MCGI/Photoville International - Bro. Jeffrey Policarpio)" (sa wikang Ingles).
- ↑ Grana, Rhia (February 13, 201). "The making of a preacher: How Dating Daan's Bro. Eli took the path no one thought he would take" (sa wikang Ingles).
- ↑ Salaverria, Jodee A. Agoncillo, Leila B. (February 13, 2021). "'Ang Dating Daan' founder Eli Soriano dies at 73" (sa wikang Ingles). Nakuha noong February 13, 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "l". Facebook.
{{cite web}}
: CS1 maint: url-status (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2