Gregor Mendel
Si Gregor Johann Mendel (20 Hulyo 1822 – 6 Enero 1884) ay isang Austriyanong henetiko. Siya ay isang paring Agustinyano at dalub-agham, at tinaguriang Ama ng Henetika dahil sa kanyang pag-aaral ng pagmana ng katangian mula sa mga hene.
Pumasok sa monasteryo sa edad 21, si Mendel ay naging pari matapos ang apat na taon. Ang kanyang mga eksperimento sa pag-aanak gamit ang mga gisantes sa hardin ay nagsilbing gawain niya ukol sa paghahatid ng mga katangian mula sa mga magulang hanggang sa kanilang mga supling. Ito ay iprinisinta niya sa Lipunan para sa Pag-aaral ng Natural na Agham noong 1866. Pero sa kasamaang-palad, hindi ito pinansin ng mga siyentista noong panahong iyon. Mga bandang 1900s lamang nang matuklasan nila ang kahalagahan ng kanyang kontribusyon at ngayo'y pinupuri na siya bilang ang taong nagpasimula ng pag-aaral ng henetika.[1]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ Ferriols-Pavico, Josefina, Morales-Ramos, Anna Cherylle, Bayquen, Artista, Silverio, Angelina, Ramos, John Donnie (2018), Exploring Life Through Science Series 9, Phoenix Publishing House, Inc.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.