George R. R. Martin
Si George Raymond Richard Martin[1] (ipinanganak bilang George Raymond Martin; 20 Setyembre 1948, madalas na tinutukoy bilang GRRM)[2] ay isang Amerikanong nobelista at manunulat ng maikling-kuwento sa mga genre ng pantasya, horror, at science fiction, isang screenwriter, at producer sa telebisyon. Siya ay pinakatanyag sa kanyang pinakamabentang serye ng epikong pantasyang nobela, A Song of Ice and Fire, na inangkop ng HBO bilang isang seryeng drama na pinamagatang Game of Thrones.
Si Martin ay nagsisilbi bilang co-executive producer ng serye, at sumulat din ng script ng apat na episode ng serye. Noong 2005, sinabi ni Lev Grossman ng Time na si Martin "ang Amerikanong Tolkien".[3] Pinangalanan din ng magazine si Martin bilang isa sa "2011 Time 100," isang listahan ng "pinakamaimpluwensyang tao sa mundo."[4][5]
Sanggunian
baguhin- ↑ Richards, Linda (Enero 2001). "January interview: George R.R. Martin". januarymagazine.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 4, 2012. Nakuha noong Enero 21, 2012.
- ↑ Choate, Trish (Setyembre 22, 2011). "Choate: Quest into world of fantasy books can be hobbit-forming". Times Record News. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 9, 2013. Nakuha noong Pebrero 28, 2012.
- ↑ Grossman, Lev (Nobyembre 13, 2005). "Books: The American Tolkien". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 29, 2008. Nakuha noong Agosto 2, 2014.
- ↑ The 2011 TIME 100: George R.R. Martin Naka-arkibo 2013-08-24 sa Wayback Machine., John Hodgman, Abril 21, 2011
- ↑ The 2011 TIME 100: Full List Naka-arkibo 2011-07-25 sa Wayback Machine. Hinango Noong Hunyo 5, 2011