Pumunta sa nilalaman

Tangway ng Eskandinaba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tangway ng Escandinava)
Ang tangway ng Scandinavia sa taglamig(Pebrero 19, 2003)

Ang Tangway ng Escandinava ay isang heograpikong rehiyon sa hilagang Europa na binubuo ng Noruwega, Suwesya at hilagang bahagi ng Pinlandiya. Ang pangalang Escandinava ay hango sa ngalang Scanaia,[1][2][3][4] isang rehiyon sa pinakatimog na bahagi ng tangway. Ang tangway ng Scandinavia ay ang pinakamalaki sa Europa.

Ang relasyon ng tangway ng Scandinavia sa mas malaking Fennoscandia

Ang tangway ng Escandinava ay ang pinakamalaking tangway sa Europa. Ito ay humihigit kumulang na may 1,850 kilometro (1,150 milya) ang haba na may lawak na may iba't-ibang kasukatan sa pagitan ng 370–805 km (230-500 mi).

Ang Bulubunduking Eskandinabo ay tiyak na tumutukoy sa hangganan ng dalawang bansa. Ang tangway ay pinalilibutan ng ilang katawan ng tubig na kabilang sa mga ito ang:

Ang nakaraang pinakamataas na bahagi ng lupa ay ang Glittertinden sa Noruwega na may 2,740 m (8,104 talampakan) sa taas ng antas ng lupa ngunit nang bahagyang nalusaw ang glacier sa tuktok nito, ang pinakamataas ngayon ay ang Galdhøpiggen na may 2,469 m (8,101 talampakan) na matatagpuan din sa Noruwega. Ang mga bundok na ito ay nagtataglay ng pinakamalaking glacier sa mainland ng kontinente ng Europa, ang Jostedalsbreen. Halos ang ikaapat na bahagdan ng tangway ay matatagpuan sa hilaga ng Bilog ng Artiko na ang pinakahilgang dulo ay ang Kabo ng Nordkyn. Ang klima sa buong tangway ay nag-iiba mula tundra (Köppen: ET) at subartiko (Dfc) sa hilaga na may malamig na klimang baybaying marinang kanluran (Cfc) sa hilgang-kanlurang mga baybayin sa hilga lang ng Lofoten hanggang sa mahalumigmig kontinental (Dfb) sa gitnang bahagi at hanggang sa baybaying marinang kanluran (Cfb) sa timog at timog-kanluran.[6] Ang rehiyon ay mayaman sa troso, bakal, kopra na may pinamka-mabuting sakahan sa timog Suwesya. Napakalaking petrolyo at mga deposito ng natural na gas ay nahanap sa malayo sa baybayin ng Noruwega sa Dagat Hilaga at sa Karagatang Atlantiko.

Ang kalakihan ng populasyon ay naka-tipon sa timog na bahagi ng tangway: ang Stockholm at Gothenburg sa Suwesya at Oslo sa Noruwega ay ang mga pinakamalaking mga lungsod.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Haugen, Einar (1976). The Scandinavian Languages: An Introduction to Their History. Cambridge, Mass: Harvard University Press, 1976.
  2. Helle, Knut (2003). "Introduction". The Cambridge History of Scandinavia. Ed. E. I. Kouri et al. Cambridge University Press, 2003. ISBN 0-521-47299-7. p. XXII. "The name Scandinavia was used by classical authors in the first centuries of the Christian era to identify Skåne and the mainland further north which they believed to be an island."
  3. Olwig, Kenneth R. "Introduction: The Nature of Cultural Heritage, and the Culture of Natural Heritage—Northern Perspectives on a Contested Patrimony". International Journal of Heritage Studies, Vol. 11, No. 1, March 2005, p. 3: The very name 'Scandinavia' is of cultural origin, since it derives from the Scanians or Scandians (the Latinised spelling of Skåninger), a people who long ago lent their name to all of Scandinavia, perhaps because they lived centrally, at the southern tip of the peninsula."
  4. Østergård, Uffe (1997). "The Geopolitics of Nordic Identity – From Composite States to Nation States". The Cultural Construction of Norden. Øystein Sørensen and Bo Stråth (eds.), Oslo: Scandinavian University Press 1997, 25-71.
  5. Nordic FAQ Geography of Sweden
  6. "Glossary of American climate terminology in terms of Köppens classification". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-15. Nakuha noong 2009-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Scandinavia". FactMonster.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-05. Nakuha noong 2004-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)