Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo
Ethiopian Orthodox Tewahedo Church የኢትዮጵያ ኦርቶዶክስ ተዋሕዶ ቤተ ክርስቲያን | |
Tagapagtatag | Frumentius |
Independensiya | 1959 from the Coptic Orthodox Church of Alexandria |
Rekognisyon | Oriental Orthodox |
Primado | His Holiness Abune Paulos, Patriarch and Catholicos of Ethiopia, Ichege of the See of St. Tekle Haymanot, and Archbishop of Axum |
Headquarters | Addis Ababa, Ethiopia |
Teritoryo | Ethiopia |
Mga pag-aari | Sudan, Djibouti, Kenya, South Africa, Jerusalem, Europe, United States, Canada, Caribbean, Latin America, Australia, Nigeria |
Wika | Ge'ez |
Mga tagasunod | 45,000,000 |
Websayt | Official Website of the Patriarchate (sa Ingles) |
Ang Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo o Ethiopian Orthodox Tewahedo Church (Amhariko: የኢትዮጵያ ኦርቶዶክስ ተዋሕዶ ቤተ ክርስቲያን; Transliterated Amharic: Yäityop'ya ortodoks täwahedo bétäkrestyan) ang nananaig na Ortodoksong Oriental na sekta ng Kristiyanismo sa Ethiopia. Ang Iglesiang Ethiopian ay admnistratibong bahagi ng Iglesiang Coptic Ortodokso hanggang 1959 nang ito ay pagkalooban ng sarili nitong Patriyarka Coptic Orthodoksong Papa ng Alexandria at Patriarka ng Lahat ng Aprika na si Cyril VI. Ito ay iba sa Ethiopian Catholic Church na isang iglesiang Chalcedonian. Ang Iglesiang Etiopian ang isa iglesiang Kristiyano sa Sub-Saharan Aprika bago gawing kolonya ang Aprika. Ang mga kasapi nito ay binubuo sa pagitan ng 40 at 45 milyon[1] at ang karamihan ng mga ito ay nakatira sa Etiopia at kaya ang pinakamalaki sa lahat ng mga iglesiang Ortodoksong Oriental. Ang Ethiopian Orthodox Tewahedo Church ay isang tagapagtatag na kasapi ng World Council of Churches.[2]
Ang Tewahedo (Te-wa-hido) (Ge'ez ተዋሕዶ tawāhidō, modern pronunciation tewāhidō) ay isang salitang Ge'ez na nangangahulugang "ginawang isa" o "pinag-isa". Ang salitang ito ay tumutukoy sa paniniwalang Ortodoksong Oriental sa isang pinag-isang Kalikasan ni Hesus na paniniwala sa isang kompleto, natural na union ng pagkadiyos at kalikasang tao ay ebidente sa sarili nito upang matupad ang kaligtasan ng diyos sa sangkatauhan na salungat sa "dalawang mga kalikasan ni Hesus" na tinatawag na uniong hypostatiko na pinaniniwalaan ng Romano Katolisismo at Silangang Ortodokso(Eastern Orthodox). Ayon sa Catholic Encyclopedia tungkol sa artikulong Henotikon[3]: ang mga Patriarka ng Alexandria, Antioch, at Jerusalem, at iba pa ay tumangging tanggapin ang "dalawang mga kalikasan" doktrina na pinagtibgay ng Konseho ng Chalcedon noong 451 kaya ito ay humiwalay sa Romano Katolisimo at Silangang Ortodokso na ang parehong ito ay nagkahiwalay kalaunan sa bawat isa sa paghihiwalay na Silangan-Kanluran(East-West Schism) noong 1054 bagaman hindi tungkol sa mga pananaw Kristolohikal. Ang mga Iglesiang Ortodoksong Oriental na sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng Coptic Orthodox Church of Alexandria, Armenian Apostolic Church, Syriac Orthodox Church, Malankara Orthodox Church ng India, Ethiopian Orthodox Church, at Eritrean Orthodox Tewahedo Church ay tinutukoy bilang "Hindi-Chalcedonian" at misan ng mga tagalabas na "monophysite" (na nangangahulugang "isang kalikasan" bilang reperensiya kay Hesus). Gayunpaman, ang mga iglesiang ito ay naglalarawan sa kanilang mga sariling pananaw Kristolohiya bilang miaphysite (na ngangahulougang "isang pinag-isang kalikasan" bilang reperensiya kay Hesus na salin ng salitang "Tewahedo").
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iglesiang Etiopian ay nag-aangkin ng sinaunang pinagmulan nito mula sa royal na opisyal na sinasabing binautismuhan ni Felipeng Ebanghelista(na hindi dapat ikalito kay Apostol Felipe) na isa sa pitong mga deakono:
- Pagkatapos, si Felipe ay inutusan naman ng isang anghel ng Panginoon, "Pumunta ka agad sa gawing timog sa daang mula sa Jerusalem papuntang Gaza." Hindi na iyon dinadaanan ngayon. Pumunta nga doon si Felipe, at dumating naman ang isang pinunong taga-Etiopia, na ingat-yaman ng Candace o reyna ng Etiopia. Galing ito sa Jerusalem at sumamba sa Diyos.(Mga Gawa ng mga Apostol 8:26-27)
Ang talatang ito ay nagpapatuloy sa paglalarawan kung paanong si Felipe ay tumulong sa taga-ingat ng yang Etiopiano na maunawaan ang talata mula sa Aklat ni Isaias na binabasa ng Etiopianong ito. Matapos matanggap ng Etiopiano ang paliwanag ng talata, kanyang hiniling kay Felipe na siya ay bautismuhan nito at ito ay isinagawa ni Felipe. Ang bersiyong Etiopiko ng talatang ito ay mababasang "Hendeke" (ህንደኬ). Si Reyna Gersamot Hendeke VII ang Reyna ng Etiopia mula ca. 42 hanggang 52 CE.
Ang Kristiyanismong Ortodokso ang naging itinatag na Iglesia ng Etiopianong Kahariang Axumite sa ilalim ni haring Ezana noong ika-4 siglo CE sa pamamagitan ng mga pagsusumikap ng Syrianong Griyego na may pangalang Frumentius na kilala sa Ethiopia bilang Abba Selama, Kesaté Birhan ("Ama ng Kapapayaan, Tagapagpahayag ng Liwanag"). Bilang kabataan, si Frumentius ay nasiraan ng barko kasama ng kanyang kapatid na lalakeng si Aedesius sa dalampasian ng Eritrea. Nagawa ng magkapatid na madala sa korte ng hari kung saan ang mga ito ay umahon sa posisyon ng impluwensiya at naakay si Emperador Enzana sa Kristiyanismo na nagtulak dito para mabautismuhan. Ipinadala ni Ezana si Frumentius sa Alexandria upang hilingin sa Partriarkang si Athanasius na hiranging ang isang obispo para sa Etiopia. Hinirang mismo ni Athanasius si Frumentius na bumalik sa Etiopia bilang Obispo na may pangalang Abune Selama. Mula nito hanggang 1959, ang Papa ng Alexandria bilang Patriarka ng Lahat ng Aprika ay palaging nagpapangalan ng Ehipsiyo(isang Copt na maging Abuna o Arsobispo ng Iglesiang Etiopian.
Gitnang Panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkakaisa sa Iglesiang Ortodoksong Coptiko ay nagpatuloy pagkatapos ng pananakop na Arabe sa Ehipto. Itinala ni Abu Saleh noong ika-12 siglo na ang patriarka ay palaging nagpapadala ng mga liham dalawang beses sa isang taon sa mga hari ng Abyssinia (Ethiopia) at Nubia hanggang hininto ni Al Hakim ang pagsasanay na ito. Si Cyril na ika-67 patriarka ay ipinadala si Severus bilang obispo na may mga kautusan na tapusin ang poligamiya at ipatupad ang pagmamasid ng konsekrasyong kanonikal para sa lahat ng mga iglesia. Ang mga halimbawang ito ang nagpapakita ng malapit na relasyon ng dalawang iglesia na umaayon sa Gitnang Panahon. Noong 1439 sa paghahari ni Zara Yaqob, ang isang talakayang relihiyoso sa pagitan nina Abba Giyorgis at isang bisitang Pranses ay nagtulak upang magpadala ng embahad mula sa Etiopia tungo sa Vatican.
Pagitang Hesuita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang yugto ng impluwensiyang Hesuita na bumasag sa ugnayan sa Ehipto ang nagpasimula ng bagong kabanata sa kasaysayan ng iglesia. Ang inisyatibo sa mga misyong Romano Katolika sa Etiopia ay kinuha hindi ng Roma kundi ng Portugal bilang insidente sa pakikbaka sa Muslim na Imperyong Ottmo at Sultanato ng Adal para sa pangangasiwa ng rutang kalakalan sa India sa pamamagitan ng Dagat Pula.
Noong 1507 si Matthew, o Matheus na isang Armenian ay ipinadala bilang envoy na Etiopian sa Portugal upang humiling ng tulong laban sa Sultanatong Dal. Noong 1520, ang embahad sa ilalim ni Dom Rodrigo de Lima ay lumapag sa Etipia(na sa panahong ito ang Adal ay muling napakilos sa ilalim ni Ahmad ibn Ibrihim al-Ghazi). Ang isang interesanteng salaysay ng misyong Portuges na tumagal ng ilang mga taon ay isinulat ni Francisco Álvares na kapelyan. Kalaunan, ninais ni Ignatius Loyola na isagawa ang pag-akay ngunit pinagbawalan. Bagkus ay ipinadala ng papa si João Nunes Barreto bilang patriarka ng Silangang Indies kasama ni Andre de Oviedo bilang obispo. Mula sa Goa, ang mga envoy(sugo) ay nagpunta sa Etiopia na sinundan mismo ni Oviedo upang makuha ang pagkapit ng hari sa Roma. Matapos ang mga paulit ulit na pagkabigo, ang ilang mga sukat ng tagumpay ay nakamit sa ilalim ni Emperador Susenyos, ngunit hanggang 1624 lamang nang ang Emperador ay pormal na nagpasakop sa papa. Ginawa ni Susenyas ang Romano Katolisimo bilang opisyal na relihiyon ng estado ngunit ito ay nakatagpo ng mabigat ng pagtututol ng kanyang mga nasasakupan at ng mga autorida ng Iglesiang Etiopiano Ortodokso at kalaunan ay kailangang magbitiw noong 1632 sa kanyang anak na si Fasilides na agad na ibinalik ang relihiyon ng estado sa Kristiyanong Etiopian Ortodokso. Pagkatapos nito ay kanyang pinalayas ang mga Hesuita noong 1633 at noong 1665, iniutos ni Fasilides na sunugin ang lahat ng mga aklat ng Hesuita(ang mga aklat ng mga Frank).
Mga paniniwala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pananampalataya at pagsasanay ng karamihan sa mga Kristiyanong Ortodoksong Etiopian ay kinabibilangan ng mga elemento mula sa Kristiyanismong Miaphysite kung paano itong umulad sa Etiopia sa loob ng maraming mga siglo. Ayon sa mga mananaliksik na sina Thomas P. Ofcansky at LaVerle Berry, gaya ng sa maraming mga tradisyong Kristiyano, ang Kristiyanong Etiopian Ortodokso ay kinabibilangan ng mga elemento ng lokal na hindi-Kristiyanong pamana(heritage) na itinakwil ng mas edukadong mga kasapi ng iglesiang ito ngunit karaniwang pinagsasaluhan ng ordinaryong pari nito.[4] Ang mga elementong Krisityano ay kinabibilangan ng diyos(dsGe'ez / Amharic, ′Egziabeher, lit. "Panginoon ng Sansinukob"), mga anghel, mga santo, at marami pang iba.[4] Ayon sa mismong Iglesiang Etiopian Ortodokso, may mga elementong hindi Kristiyano sa relihiyon kesa sa makikita sa Lumang Tipan o Higge 'Orit (ሕገ ኦሪት), na dinagdagan ng makikita sa Bagong Tipan o Higge Wongiel (ሕገ ወንጌል).[5] Ang isang hierarka ng "Kidusan" (mga sugong angheliko at santo) ang naghahatid ng mga panalanging sa mananampalataya sa diyos at nagsasagawa ng kalooban ng diyos kaya kung ang isang Kristiyanong Etiopian ay nasa kahirapan, ito ay umaapela sa ito gayundin sa diyos. Sa mas pormal at regular na mga ritwal, ang mga pari nito ay nakikipagtalastasan sa diyos sa kabila ng pamayanan at tanging ang mga pari lamang ang maaaring pumasok sa panloob na sanctum ng karaniwang sirkular o oktagonal na simbahan kung saan ang tabot ("arko") na inialay sa santong patron ay nakabahay. Sa mahalagang mga pista(holidays) relihiyoso, ang tabot ay kinakarga sa ulo ng pari at ginagabayan sa prusisyon sa labas ng simbahan. Ang tabot at hindi ang iglesia ang konsegrado. Ang tanging mga nakakaranas na dalisay, regular na nag-aayuno at sa pangkalahatan ay umayos sa kanilang mga sarili ang maaaring pumasok sa gitnang singsing upang tumanggap ng komunyon. Sa maraming mga serbisyo, ang karamihan sa mga parokyano nito ay nananatili sa panlabas na singing kung saan ang mga debteras ay umaawit ng mga himno at sumasayaw.[4]
Ang lingguhan mga serbisyo ang binubuo lamang ng isang maliit na bahagi ng mga pagmamasid sa Etiopian Ortodokso. Ang ilang mga pista ay nangangailangan ng mahabang serbisyo, pag-awit, pagsasayaw, at pagpipista. Ang isang mahalagang hinihinging relihiyoso ang pag-iingat ng mga araw ng pag-aayuno. Ang lahat ng mga deboto nito ay dapat magpanatili ng buong panahon ng mga pag-aayuno na binubuo ng 250 mga araw.
- Pag-aayuno para sa Hudadi o Abiye Tsome (Lent), 56 araw.
- Pag-aayuno para sa Apostol, 10–40 araw
- Pag-aayuno ng Asumpsiyon, 16 araw.
- Ang Gahad ng Pasko(bisperas ng pasko).
- Ang pag-aayuno bago ang pasko, 40 araw. Ito ay nagmumula sa ika-15 Hedar at nagwawakas sa bisperas ng pasko sa pista ng Gena at ika-29 ng Tahsas.
- Ang pag-aayuno ng Nineveh na pag-alala sa pangangaralo ni Jonas. Ito ay dumarating sa Lunes, Martes at Miyerkules ng ikatlong linggo ng mahal na araw.
- Ang Epiphany, ang pag-aayuno sa bisperas ng Epiphany.
Sa karagdagan sa pamantayang banal na mga araw, karamihan sa mga kasapi nito ay nagmamasid sa mga araw ng mga santo. Ang isang kasapi ay maaaring magbigay ng isang maliit na pisa sa araw ng personal nitong santo. [4]
Eksorsismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pari ng iglesiang ito ay nagsasagaw ng eksorsimo sa kabila ng mga pinaniniwalaang nasasapian ng demonyo o buda. Ayon sa pag-aaral noong 2010 ng Pew Research Center, 74% ng mga kasapi nito ay nag-angking nakaranas o nakasaksi ng eksorsimo.[6] Ang mga nasasapian ng demonyo ay dinadala sa simbahan o prayer meeting.[7] Kadalasan, kapag ang isang may sakit na tao ay hindi tumugon sa modernong paggamot medikal, ang karamdaman ay itinuturo sa mga demonyo.[7] Ang mga hindi karaniwan o espesyal na maruming mga gawain, partikular na kapag isinagawa sa publiko ay pinaniniwalaang sintomas ng demonyo.[7] Ang eksorsismo ay hindi palaging matagumpay at binigyang pansin ni Gelete ang isa pang instansiya na ang mga karaniwang paraan ay hindi matagumpay at ang mga demonyo ay lumisan sa nasasapian sa kalaunang panahon. Sa anumang pangyayari, "ang lahat ng mga kaso ng espiritu ng demonyo ay inuutusan sa walang ibang pangalan kundi sa pangalan ni Hesus. "[7]
Kanon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kanon ng Etiopian Ortokso ay naglalaman ng 81 mga aklat. Ito ay mas marami kumpara sa kanon ng Romano Katolisismo, Hudaismo(24 aklat), Protestante(66 aklat) at iba pa. Ang kanon na ito ay naglalaman ng mga aklat ng tinatanggap ng ibang mga Kristiyanong Ortodokso.[8]
- Ang mas makitid na Kanon ay naglalaman rin ng The Aklat ni Enoch, Jubilees, at I II III Meqabyan. (Ang mga ito walang kaugnayan sa Griyegong 1 Macabeo, 2 Macabeo, 3 Macabeo na ikinalilito sa mga ito. Ang kanonikal na Enoch ay iba sa mga edisyon ng manuskritong Ge'ez sa British Museum sa sa iba pang lugar (A-Q) na ginagamit ng mga dayuhang skolar ng Bibliya (OTP) gaya halimbawa ng pagtrato sa Nephilim sa Genesis 6. Ang kasalukuyang kanon na naglalaman ng 81 mga aklat ay inilimbag noong 1986 na naglalaman ng parehong tekstong nakaraang inilimbag sa Haile Selassie Version of the Bible na mayroon lamang ilang maliit na mga pagbabago sa salin ng Bagong Tipan.
- Ang ilang mga pinagkukunan ay nagsasalita ng mas malawak na kanon na hindi kailanman nailimbag bilang isang kompilasyon ngunit sinasabing naglalaman ng lahat ng mas makitid na kanon gayundin ang mga karagdagang aklat ng Bagong Tipan na sinasabing ginamit ng sinaunang Iglesiang Kristiyano: dalawang Mga aklat ng Tipan, apat na Mga Aklat ngSinodos, isang Sulat ni Pedro kay Clemente o "Ethiopic Clement," at ang Ethiopic Didascalia. Ang mga ito ay maaaring lahat malapit sa mga aklda ng parehong mga pamagat sa kanluran. Ang walong bahaging bersiyong Etiopiko ng kasaysayan ng mga Hudyo na isinulat ni Joseph be Gorion, na kilala rin bilang Pseudo-Josephus ay itinuturing rin na bahagi ng mas malawak na kanon bagaman ito ay itinuturing na akda ng Lumang Tipan.[9]
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga serbisyo sa simbahan ng Iglesiang Etiopian Ortodokso ay pinagdiriwang sa wikang Ge'ez na wika ng Iglesiang ito simula ng pagdating ng Siyam na mga Santo(Abba Pantelewon, Abba Gerima (Isaac, or Yeshaq), Abba Aftse, Abba Guba, Abba Alef, Abba Yem’ata, Abba Liqanos, and Abba Sehma) na tumakas sa pag-uusig ng Emperador na Byzantine pagkatapos ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE. Ang saling Griyego ng Tanakh na Septuagint ay orihinal na isinal sa Ge'ez ngunit ang mga kalaunang rebisyon ay nagpapakita ng maliwanag na ebidensiya ng paggamit ng Hebreo, Syria at mga pinagkunang Arabiko. Ang unang salin sa modernong bernakular ay isinagawa noong ika-19 siglo ng isang taong kilala na Abu Rumi. Kalaunan, si Haile Selassie nagtagyuod ng mga saling Amhariko ng mga Kasulatang Ge'ez sa kanyang paghahari bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at isa pa pagkatapos nito. Ang mga sermon sa kasalukuyan ay isinagawa sa lokal na wika.
Arkitektura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming mga iglesiang monolitiko sa Etiopia na ang pinakakilala ang labindalawang mga iglesia sa Lalibela. Pagkatapos nito, dalawang pangunahing uri ng arkitektura ay itinatag-isang basilican, ang isa ay katutubo. Ang Church of Our Lady Mary of Zion sa Axum ay isang halimbawa ng disenyong basilican bagaman ang sinaunang basilica ay halos lahat giba na. Ang mga halimbawang ito ay nagpapakita ng impluwensiya ng mga arkitekto na noong ika-6 siglo CE ay itinayo ang mga basilica sa Sanʻāʼ at sa iba pang lugar sa Arabian Peninsula. May dalawang mga anyo ng katutubong simbahan: isang oblong na tradisyonal na makikita sa Tigray; ang isa pa ay sirkular na tradisyonal na makikita sa Amhara at Shewa (bagaman ang parehong istilo ay maaring makita sa iba pang lugar). Sa parehong mga anyo, ang sanktuwaryo ay kwadrado at nakatayo sa gitna at ang pagkakaayos ay nakabatay sa tradisyong Hudyo. Ang mga pader at kisame ay pinalalamutian ng mga frescoes. Ang isang bakuran, sirkular o parihaba ay nakapalibot sa katawan ng simbahan. Ang modernong mga iglesiang Etiopian Ortodokso ay maaaring magsama ng basilican o katutubong istilo at gumamit ng mga kontemporaryong paraan ng konstruksiyon at materyal. Sa mga rural na lugar, ang simbahan at panlabas na korte ay kadalasanh gawa sa pawid na may gawa sa putik na mga pader.
Arko ng Tipan(Ark of the Covenant)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iglesiang Etiopian Ortodokso ay nag-aangkin na isa sa mga simbahan nito na Our Lady Mary of Zion ay nagbabahay ng orihinal na Arko ng Tipan(Ark of the Covenant) na dinala ni Moises kasama ng mga Israelita sa panahon ng exodo. Gayunpaman, ang tanging isang pari ang pinapayagan sa gusali kung saan matatagpuan ang arko na tila sanhi ng mapangani na mga babalang biblikal. Bilang resulta, ang mga internasyonal na skolar ng Bibliya ay nagdududa na ang orihinal na Arko ng Tipan ay matatagpuan dito. Sa buong Etiopia, ang mga iglesiang Etiopian Ortodokso ay hindi itinuturing na mga iglesia hanggang ang lokal na obispo ay binigyan ang mga ito ng tabot, na replika ng mga tableta ng orihinal na Arko ng Tipan. Ang tabot ay hindi bababa sa anim na pulgada(15 cm) kwadrado at gawa mula sa albastro, marmol o kahoy. Ito ay palaging itinatago sa mga takip na palamuti sa Altar. Tanging ang mga pari lamang ang pinapayagan na humawak sa tabot. Sa detalyadong prusisyon, ang tabot ay dinadala ng palibot sa labas ng simbahan sa gitna ng maligayang awitin at sa araw ng pista ng kapangalan ng simbahang ito. Sa dakilang pisa ng T'imk'et na kila bilang Epiphany o Theophany sa Europa, ang pangkat ng mga simbahan ay nagpapadala ng mga tabot upang ipagdiwang ang okasyon sa isang karaniwang lokasyon kung saan ang isang lawa ng tubig o ilog ay matatagpuan.
Pagkakapareho sa Hudaismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Iglesiang Etiopian Ortodokso ay nagbibigay ng mabigat na diin sa mga katuruan ng Lumang Tipan kesa sa matatagpuan sa anumang Silangang Orotodokso, Romano Katolisismo o Protestantismo. Ang mga kasapi ng Etiopian Ortodokso ay sumusunod sa ilang mga kasanayan na makikita sa Ortodokso o Konserbatibong Hudaismo. Ang mga kasapi nito tulad ng ilang mga Kristiyanong Silangang Ortodokso ay tradisyonal na sumusunod sa mga patakrang dietaryo tulad ng Kashrut sa Hudaismo lalo na sa kung paanong pinapaslang ang isang hayop. Ang pagkain ng baboy ay ipinagbabawal bagaman hindi tulad ng Rabinikal na Kashrut, ang lutuing Etiopian ay naghahalo ng mga produktong gatas sa karne. Ang mga kababaihan ay pinagbabawalan na pumasok sa simbahan sa tuwing may regla ang mga ito. Ang mga babae ay inaasahan rin na magtakip ng kanilang mga buko ng isang malaking panyo(o shash) habang nasa simbahang ayon sa 1 Corinto 11. Gaya ng sa mga sinagogang Ortodokso, ang mga lalake at babae ay magkahiwalay sa simabahan na ang mga lalake ay nasa kaliwa at ang mga babae ay nasa kanan(kapag humaharap sa altar).(Ang pagtatakip ng ulo ng mga kababaihan ay karaniwan sa ilang Ortodoksong Oriental, Silangang Ortodokso, at bago ang 1960 sa mga Katoliko gayundin sa mga konserbatibong Protestante at Anabaptist. Ito rin ang patakaran sa ilang mga relihiyong hindi Kristiyano gaya ng Islam at Ortodoksong Hudaismo). Ang mga mananambang Etiopian Ortodokso ay nag-aalis ng kanilang mga sapatos kapag pumapasok sa simbahan ayon sa Exodo 3:5(kung saan si Moises habang tinitingnan ang nasusunog na puno ay inutusang alisin ang kanyang sandalyas habang nakatayo sa banal na lugar). Sa karagdagan, ang parehong Sabbath(Sabado) at Araw ng Panginoon(Linggo) ay pinagmamasiran na banal bagaman dahil sa Resureksiyon ni Hesus, ang lingo ay mas binibigyang diin.
Mga obispo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod ang mga obispo na pinamumunuan ng kasalukuyang patriarkang si Abuna Paulos at ang synod ng Etiopia:
- Abuna Paulos, patriarka
- Obispo Matthias sa Canadian diocese, London, Ontario
Estados Unidos:
- Abune Fanuel, arsobispo ng Washington, D.C.
- Abune Zekarias, arsobispo ng New York City
- Abune Ewastetewos (Eustathius), arsobispo ng Berkeley, California
Timog Amerika
- Abuna Thaddaeus, arsobispo ng Caribbean at Latin America
Kanlurang Europa:
- Abune Entonis, Arsobispo ng Hilagang Europa sa London
- Abune Yosef, Arsobispo ng Katimugang Europa sa Roma
Ang Iglesiang Etiopian Ortodokso ay mayroong 57 mga obispo at 44 diocese.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ethiopia: Orthodox Head Urges Churches to Work for Better World". Nakuha noong 2006-09-13.
- ↑ "Ethiopian Orthodox Tewahedo Church" Naka-arkibo 2011-05-21 sa Wayback Machine., World Council of Churches website (accessed 2 June 2009)
- ↑ [1]
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 Turner, John W. "Ethiopian Orthodox Christianity: Faith and practices". A Country Study: Ethiopia (Thomas P. Ofcansky and LaVerle Berry, eds.) Library of Congress Federal Research Division (1991). This article incorporates text from this source, which is in the public domain.[2].
- ↑ "EOTC Doctrine". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-27. Nakuha noong 2012-06-04.
- ↑ "Ten things we have learnt about Africa". BBC News. April 15, 2010. Nakuha noong April 15, 2010.
In Ethiopia, 74% of Christians say they have experienced or witnessed the devil or evil spirits being driven out of a person
- ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 Geleta, Amsalu Tadesse. "Case Study: Demonization and the Practice of Exorcism in Ethiopian Churches Naka-arkibo 2010-01-01 sa Wayback Machine.". Lausanne Committee for World Evangelization, Nairobi, August 2000.
- ↑ "The Bible". Ethiopian Orthodox Tewahedo Church. Nakuha noong 23 January 2012.
- ↑ Cowley, R.W. (1974). "The Biblical Canon Of The Ethiopian Orthodox Church Today". Ostkirchliche Studien. 23: 318–323. Nakuha noong 21 January 2012.