Pumunta sa nilalaman

Senso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tagakuha ng senso habang binibisita ang isang Romanong pamilyang nakatira sa isang caravan, Netherlands noong 1925

Ang senso ay proseso ng sistematikong pagkuha at pagtatala ng mga impormasyon tungkol sa bawat kasapi ng isang populasyon. Ang terminong ito ay karaniwang ginagamit sa mga bagay na konektado sa pambansang populasyon at senso ng mga kabahayan. Ang iba pang karaniwang senso ay pang-agrikultura at pang-negosyo. Binigyang kahulugan ng Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa ang mga kinakailangang katangian ng senso ng populasyon at pamahayan bilang "indibiduwal na pagbibilang, pag-iisa sa loob ng isang teritoryo, sabay-sabay at tiyak na panahon" at inirerekomenda na ang mga senso ng populasyon ay dapat na gawin kahit isang beses sa isang dekada. Ang ilan pa sa mga nasasakop sa mga rekomendasyon ng Kapulungan ng Nagkakaisang Bansa ay ang mga paksa ng mga sensong dapat kolektahin, opisyal na mga depinisyon, klasipikasyon at iba pang kapaki-pakinabang na impormasyon para maka-odina ng internasyonal na kasanayan.[1][2]

Ang salita ay nagmula sa Latin; noong Republikang Romano, ang senso ay isang listahan na sumubaybay sa mga kalalakihang akmang magserbisyo para sa hukbo ngunit ngayon ay listahan na ng mga naninirahan sa isang bansa. Ang modernong senso ay importante para sa mga internasyonal na pagkukumpara ng kahit anong uri ng estadistika, at ang mga senso ang nagkokolekta ng datos sa iba-ibang katangian ng isang populasyon, hindi lang kung gaano karami ang mga tao ngunit ngayon ang senso ay napapabilang nasa mga sistema ng sarbey kung saan ito ay tipikal na nagsimula bilang natatanging nasyonal na koleksyon ng demograpikong datos. Bagamat ang mga tantiya ng populasyon ay nananatiling importanteng kakayahan ng isang senso, kaloob nito ang eksaktong heograpikong distribusyon ng populasyon, ang mga estadistika ay maaaring magawa tungkol sa iba't ibang kombinasyon ng katangian; halimbawa: edukasyon ng iba't ibang edad at kasarian sa iba't ibang rehiyon. Ang kasalukuyang administratibong sistema ng datos ay hinahayang magkaroon ng ibang atake pagdating sa pagbibilang na nasa iisang antas ng detalye ngunit nakakapagpausbong ng ilang alintana pagdating sa pagiging pribado nito at ang posibilidad ng makiling na mga tantiya.

Pagbibilang na estratehiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga historikal na senso ay gumagamit ng primitibong pagbibilang na nagpapalagay ng ganap na kawastuan. Ang mga modernong atake ay ikonokonsidera na problema ng labis at kulang na pagbibilang, at ang pagkalapit ng pagbibilang ng senso sa iba pang opisyal na pinagmulan ng mga datos. Sinasalamin nito ang makatototohanang atake sa pagsukat, habang kinikilala nasa isa lalim ng kahit anong depinasyon ng paninirahan ay mayroong totoong halaga ng populasyon ngunit hindi ito masusukat nang may ganap na kawastuan. Ang isang importanteng aspeto ng proseso ng senso ay ang mabigyang kahalagahan ang kalidad ng datos.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]