Muroidea
Muroidea | |
---|---|
Karaniwang vole (Microtus arvalis) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Rodentia |
Suborden: | Myomorpha |
Superpamilya: | Muroidea Illiger, 1811 |
Mga pamilya | |
Platacanthomyidae kapatid: Dipodoidea |
Ang Muroidea ay isang malaking superpamilya ng mga rodentia, kabilang ang mga bubuwit, daga, vole, hamster, leming, gerbil, at maraming pang ibang kamag-anak. Bagaman, nagmula ang Muroidea sa Eurasya,[1] sinasakop nila ang malawak na iba't ibang panirahan sa bawat lupalop maliban sa Antartika. Nilagay ng ilang awtoridad ang lahat ng kasapi ng grupo na ito sa isang nag-iisang pamilya, ang Muridae, dahil sa kahirapan sa pagtukoy sa mga subpamilya na may kaugnayan sa isa't isa. Marami sa mga pamilya sa loob ng subpamilyang Muroidea ay mayroong mas maraming baryasyon sa pagitan ng iba't ibang klado.[2] Isang posibleng eksplanasyon para sa mga baryasyon sa mga rodentia ay dahil sa lokasyon ng mga rodensyang ito; ang mga pagbabago na ito ay maaring dahil sa radyasyon[3] o ang kabuuang kapaligiran na nilapatan o pinagmulan[4] nila. Binatay ang sumunod na taksonomiya sa kamakailang lubos na sinuportang pilohenyang molekular.[5]
Inuuri ang mga muroid sa anim na pamilya, 19 subpamilya, at mga 280 henera, at hindi bababa sa 1,750 espesye.
Taksonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pamilya Platacanthomyidae (spiny dormouse at pygmy dormice)
- Pamilya Spalacidae (mga muroid na posoryal)
- Subpamilya Myospalacinae (mga zokor)
- Subpamilya Rhizomyinae (mga dagang kawayan at dagang ugat)
- Subpamilya Spalacinae (bulag na dagang mole)
- Klado Eumuroida – mga tipikal na muroid
- Pamilya Calomyscidae
- Subpamilya Calomyscinae (mga hamster na parang bubuwit)
- Pamilya Nesomyidae
- Subpamilya Cricetomyinae (mga bubuwit at dagang may supot)
- Subpamilya Dendromurinae (bubuwit na umaakyat na Aprikano, bubuwit na gerbil, bubuwit na mataba at bubuwit gubat)
- Subpamilya Mystromyinae (dagang may puting buntot)
- Subpamilya Nesomyinae (bubuwit at dagang Malagasi)
- Subpamilya Petromyscinae (bubuwit bato at umaakyat na bubuwit lati)
- Pamilya Cricetidae
- Subpamilya Arvicolinae (mga vole, leming at muskrat)
- Subpamilya Cricetinae (mga tunay na hamster)
- Subpamilya Neotominae (mga daga at bubuwit sa Hilagang Amerika)
- Subpamilya Sigmodontinae (mga daga at bubuwit sa Bagong Mundo)
- Subpamilya Tylomyinae (mga dagang bispera at dagang umaakyat)
- Pamilya Muridae
- Subpamilya Deomyinae (dagang matinik, bubuwit na sinuklay ang balahibo at link rat)
- Subpamilya Gerbillinae (mga gerbil, jird at dagang buhangin)
- Subpamilya Leimacomyinae (Bubuwit na Togo)
- Subpamilya Lophiomyinae (dagang krestado)
- Subpamilya Murinae (mga daga at bubuwit ng Lumang Mundo kabilang ang mga dagang vlei)
- Pamilya Calomyscidae
Pilohenya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kinikilala ang limang pangunahing klado nina Jansa & Weksler (2004).[6]
- Pamilya Spalacidae: Spalacinae, Myospalacinae, at Rhizomyinae (mga espesyang posoryal ng Lumang Mundo)
- Pamilya Calomyscidae: Calomyscinae (Asya)
- Pamilya Nesomyidae: Petromyscinae, Mystromyinae, Cricetomyinae, Nesomyinae, at gitnang mga dendromurine (Aprika at Madagascar)
- Pamilya Muridae: Murinae, Otomyinae, Gerbillinae, Acomyinae, at Lophiomyinae (Lumang Mundo)
- Pamilya Cricetidae: Sigmodontinae, Arvicolinae, at Cricetinae (Bagong Mundo)
Magkasama, binubuo ng Muroidea at ang kapatid na pangkat nitong Dipodoidea ang suborden na Myomorpha.
Ang sumunod na pilohenya ng higit sa 70 Muroidea na henera, batay sa pilohenetikng molekular na pagsusuri ng heneng Interphotoreceptor Retinoid Binding Protein (IRBP), ay mula kina Jansa & Weksler (2004: 264).[6] Bagaman hindi sinuri ang Platacanthomyidae nina Jansa & Weksler (2004), isang pag-aaral nina Fabre et al. noong 2012[7] ang minungkahi na ito ang pinakasaligang angkan ng Muroidea.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ D'elía, G.; González, E.M.; Pardiñas, U.F.J. (2003). "Phylogenetic analysis of sigmodontine rodents (Muroidea), with special reference to the akodont genus Deltamys". Mammalian Biology (sa wikang Ingles). 68 (6): 351–364. doi:10.1078/1616-5047-00104. hdl:11336/102889.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alhajeri, Bader H.; Steppan, Scott J. (Setyembre 2018). "Disparity and Evolutionary Rate Do Not Explain Diversity Patterns in Muroid Rodents (Rodentia: Muroidea)". Evolutionary Biology (sa wikang Ingles). 45 (3): 324–344. doi:10.1007/s11692-018-9453-z. ISSN 0071-3260. S2CID 255342087.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jansa, Sharon A.; Giarla, Thomas C.; Lim, Burton K. (2009-10-15). "The Phylogenetic Position of the Rodent Genus Typhlomys and the Geographic Origin of Muroidea". Journal of Mammalogy (sa wikang Ingles). 90 (5): 1083–1094. doi:10.1644/08-MAMM-A-318.1. ISSN 0022-2372.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jansa, Sharon A.; Giarla, Thomas C.; Lim, Burton K. (2009-10-15). "The Phylogenetic Position of the Rodent Genus Typhlomys and the Geographic Origin of Muroidea". Journal of Mammalogy (sa wikang Ingles). 90 (5): 1083–1094. doi:10.1644/08-MAMM-A-318.1. ISSN 0022-2372.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Steppan, S.; Adkins, R.; Anderson, J. (2004). "Phylogeny and Divergence-Date Estimates of Rapid Radiations in Muroid Rodents Based on Multiple Nuclear Genes". Systematic Biology (sa wikang Ingles). 53 (4): 533–553. doi:10.1080/10635150490468701. PMID 15371245.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Jansa, S.A.; Weksler, M. (2004). "Phylogeny of muroid rodents: relationships within and among major lineages as determined by IRBP gene sequences". Molecular Phylogenetics and Evolution (sa wikang Ingles). 31 (1): 256–276. doi:10.1016/j.ympev.2003.07.002. PMID 15019624.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Fabre; atbp. (2012). "A glimpse on the pattern of rodent diversification: a phylogenetic approach". BMC Evolutionary Biology (sa wikang Ingles). 12: 88. doi:10.1186/1471-2148-12-88. PMC 3532383. PMID 22697210.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)