Mandaluyong
Mandaluyong ᜋᜈ᜔ᜇᜎᜓᜌᜓᜅ᜔ Lungsod ng Mandaluyong | ||
---|---|---|
Tanawin ng Mandaluyong. | ||
| ||
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ang lokasyon ng Mandaluyong | ||
Mga koordinado: 14°35′N 121°02′E / 14.58°N 121.03°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | |
Distrito | — 1380500000 | |
Mga barangay | 27 (alamin) | |
Pagkatatag | 1841 | |
Ganap na Lungsod | 9 Pebrero 1994 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Carmelita A. Abalos | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Antonio D. Suva Jr. | |
• Manghalalal | 232,492 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 9.29 km2 (3.59 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 425,758 | |
• Kapal | 46,000/km2 (120,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 116,954 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 0.40% (2021)[2] | |
• Kita | ₱6,226,450,101.93 (2022) | |
• Aset | ₱31,935,025,023.65 (2022) | |
• Pananagutan | ₱4,442,312,275.22 (2022) | |
• Paggasta | ₱5,637,802,753.88 (2022) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
PSGC | 1380500000 | |
Kodigong pantawag | 02 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | mandaluyong.gov.ph |
Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa kanluran, ang lungsod ng San Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa silangan, at ang Lungsod ng Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas". Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 425,758 sa may 116,954 na kabahayan.
Geograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang lungsod ng Mandaluyong sa puso ng kalakhang Maynila. Kabilang sa maraming atraksiyon ng lungsod ang kalahating parte ng lundayang Ortigas, isa sa mga pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa lungsod ng Pasig ang natitirang hati). Matatagpuan sa lundayang Ortigas ang pangunahing punong-tanggapan ng Asian Development Bank at ang punong tanggapan ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang Dave Vergel B. Castro & Associates, isa sa pinakapinagkakatiwalaang Engineering Firm sa bansa, SM Megamall, isa sa pinakamalaking shopping mall sa bansa pati na rin ang Shangri-la Plaza Mall at Star Mall. Sa silangan ng Ortigas Center matatagpuan ang Wack-Wack Golf and Country Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle Greenhills, isang tanyag na mataas na paaralang panlalaki. Ang estasyon ng MRT sa bulebard ng Shaw na itinuturing din isang mall, maliban na pagiging estasyon, ay nagdurugtong ng tatlo pang mga mall (Star Mall, Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).
Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook kung saan laganap ang kahirapan.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy. Ito ay batay sa maraming matatangkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo ay parang dumadaloy sa hangin na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan na inihalintulad sa produksiyon ng pinaka produkto ng palitan.
Mga barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Mandaluyong ay nahahati sa 27 na baranggay.
District | Barangay | Land Area (has.) |
Population (2015)[3] |
---|---|---|---|
1 | Addition Hills | 121.19 | 99,058 |
1 | Bagong Silang | 14.26 | 5,572 |
2 | Barangka Drive | 24.54 | 13,310 |
2 | Barangka Ibaba | 16.92 | 9,540 |
2 | Barangka Ilaya | 47.45 | 17,896 |
2 | Barangka Itaas | 17.21 | 11,252 |
2 | Buayang Bato | 7.26 | 1,782 |
1 | Burol | 2.78 | 2,740 |
1 | Daang Bakal | 17.34 | 3,660 |
1 | Hagdan Bato Itaas | 18.36 | 10,314 |
1 | Hagdan Bato Libis | 15.48 | 6,962 |
1 | Harapin Ang Bukas | 4.89 | 4,496 |
1 | Highway Hills | 105.12 | 28,703 |
2 | Hulo | 29.30 | 27,515 |
2 | Mabini-J. Rizal | 11.88 | 7,628 |
2 | Malamig | 29.52 | 12,667 |
1 | Mauway | 60.06 | 29,103 |
2 | Namayan | 30.60 | 6,123 |
1 | New Zañiga | 21.96 | 7,534 |
2 | Old Zañiga | 42.48 | 7,013 |
1 | Pag-Asa | 12.60 | 4,053 |
2 | Plainview | 115.92 | 26,575 |
1 | Pleasant Hills | 20.33 | 5,910 |
1 | Poblacion | 24.12 | 14,733 |
2 | San Jose | 3.18 | 7,262 |
2 | Vergara | 15.12 | 5,910 |
1 | Wack-Wack Greenhills | 294.48 | 8,965 |
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 4,349 | — |
1918 | 5,806 | +1.94% |
1939 | 18,200 | +5.59% |
1948 | 26,309 | +4.18% |
1960 | 71,619 | +8.70% |
1970 | 149,407 | +7.62% |
1975 | 182,267 | +4.07% |
1980 | 205,366 | +2.41% |
1990 | 248,143 | +1.91% |
1995 | 286,870 | +2.75% |
2000 | 278,474 | −0.63% |
2007 | 305,576 | +1.29% |
2010 | 328,699 | +2.69% |
2015 | 386,276 | +3.12% |
2020 | 425,758 | +1.93% |
Sanggunian: PSA[4][5][6][7] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Final Results - 2007 Census of Population". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 2009-07-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang opisyal na homepage ng Pamahalaang Panlungsod ng Mandaluyong (sa wikang Ingles) Naka-arkibo 2011-10-25 sa Wayback Machine.
- Mandaluyong.info - Mandaluyong City Aggregated News and Information (sa wikang Ingles) Naka-arkibo 2006-09-01 sa Wayback Machine.