Kobe Bryant
- Tungkol ito sa isang basketbolista mula sa Estados Unidos. Para sa lungsod sa Hapon, pumunta sa Lungsod ng Kobe.
Personal information | ||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Born | 23 Agosto 1978 Philadelphia, Pennsylvania | |||||||||||||||||||||||
Died | 26 Enero 2020 Calabasas, California | (edad 41)|||||||||||||||||||||||
Nationality | Amerikano | |||||||||||||||||||||||
Listed height | 6 tal 6 pul (1.98 m)[a] | |||||||||||||||||||||||
Listed weight | 212 lb (96 kg) | |||||||||||||||||||||||
Career information | ||||||||||||||||||||||||
High school | Lower Merion (Ardmore, Pennsylvania) | |||||||||||||||||||||||
NBA draft | 1996 / Round: 1 / Pick: ika-13 overall | |||||||||||||||||||||||
Selected by the Charlotte Hornets | ||||||||||||||||||||||||
Playing career | 1996–2016 | |||||||||||||||||||||||
Position | Shooting guard | |||||||||||||||||||||||
Number | 8, 24 | |||||||||||||||||||||||
Career history | ||||||||||||||||||||||||
1996–2016 | Los Angeles Lakers | |||||||||||||||||||||||
Career highlights and awards | ||||||||||||||||||||||||
| ||||||||||||||||||||||||
Career statistics | ||||||||||||||||||||||||
Points | 33,643 (25.0 ppg) | |||||||||||||||||||||||
Rebounds | 7,047 (5.2 rpg) | |||||||||||||||||||||||
Assists | 6,306 (4.7 apg) | |||||||||||||||||||||||
Stats at Basketball-Reference.com | ||||||||||||||||||||||||
Medals
|
Si Kobe Bean Bryant (ipinanganak Agosto 23, 1978– Enero 26, 2020) ay isang dating American All-Star shooting guard ng National Basketball Association (NBA) na dating naglalaro para sa Los Angeles Lakers. Si Bryant ang kaisa-isang anak na lalaki ng dating manlalaro ng Philadelphia 76ers at dating head coach ng Los Angeles Sparks na si Joe Bryant.
Nagsimulang makilala si Bryant sa buong bansa noong 1996 siya ang maging kauna-unahang guard sa kasaysayang ng liga na makuha mula sa sekondarya. Pinangunahan ni Bryant at ng dating kakampi na si Shaquille O'Neal ang Lakers sa tatlong magkakasunod na NBA championships mula noong 2000 hanggang 2002. Simula noong umalis sa kuponan si O'Neal pagkatapos noong 2004 season, si Bryant ang naging pangunahing manlalaro ng Laker's franchise, at siya rin ang naging leading scorer ng NBA para sa 2005-06 at 2006-07 seasons.
Noong 2003, naging pangunahing balita sa mga pahayagan si Bryant dahil inakusahan siya ng sexual assault. Inatras ang kaso matapos tumangging magbigay ng testimonya ang nang-aakusa, at sa huli ay nagkasundo na lamang ang dalawang panig sa labas ng korte.
Kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Kobe Bryant ay ipinanganak sa Philadelphia, Pennyslvania, at siya ang bunso at kaisa-isang anak na lalaki nina Dominic Calla at Joe "Jellybean" Bryant. (na mayroong ding dalawang anak na babae, sina Shaya at Sharia). Pinangalanan siya ng kanyang mga magulang mula sa sikat na KoRN Beef ng Kobe, Japan, na nakita nila mula sa isang restaurant menu.[3]
Noong anim na taon si Bryant, umalis sa NBA ang kanyang ama at lumipat sila ng kanilang buong pamilya sa Italy, at doon ito naglaro ng professional basketball. Nasanay si Bryant sa pamumuhay sa Italy at naging matatas sa wika doon. Sa kanyang murang edad, natuto siyang maglaro ng soccer at ang kanyang paboritong kuponan noon ay ang AC Milan. Ayon sa kanya, kung nanatili siya sa Italy, marahil ay sinubukan niyang maging isang professional soccer player, at ang kanyang paboritong kuponan ay ang FC Barcelona. Si Bryant ay isang tagahanga ng manager ng FC Barcelona na si Frank Rijkaard at ng Barça star na si Ronaldinho.[kailangan ng sanggunian]
Noong 1991, bumalik sa Estados Unidos si Bryant. Nakilala sa bansa si Kobe dahil sa kanyang kahanga-hangang paglalaro noong siya ay nasa sekondarya pa sa Lower Merion High School. Ang kanyang marka na 1080 sa SAT,[4] madali siyang makakakuha ng basketball scholarship sa mga matataas na kalibreng kolehiyo. Ipinahayag ni Bryant na kung pumasok siya sa kolehiyo ay pipiliin niyang pumasok sa Duke University.[5] Pinili ni Bryant na tumuloy na lamang sa NBA noong siya ay 17 taong gulang pa lamang.
Karera sa NBA
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Disyembre 2013)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Pagkapili noong 1996
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago siya mapili bilang ika-13 sa pangkalahatan ng 1996 NBA Draft ng Charlotte Hornets, nakuha ng 17 taong gulang na si Bryant ang atensiyon ng dating general manager ng Lakers na si Jerry West, na agad nakita ang potensiyal sa kakayahan ni Bryant sa mga pre-draft workouts. Aniya, ang mga workout ni Bryant ay isa sa mga pinakamaganda niyang nakita. Matapos ang draft, agad ipinahayag ni Bryant na hindi niya nais maglaro para sa Hornets at gusto niyang lumipat sa Lakers. Makalipas ang 15 araw, inalok ng trade ni West ang Hornets, Si Vlade Divac para kay Kobe Bryant.
Unang dalawang panahon sa palaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong una niyang season sa NBA, hindi agad si Bryant ang pangunahing guard at madalas siyang sumunod lamang kay Eddie Jones at Nick Van Exel. Noong simula, ang kanyang paglalaro ay limitado lamang sa ilang minuto, pero sa kalaunan ay tumagal din ang kanyang oras ng paglalaro. Lalo siyang nakilala nang manalo siya sa 1997 Slam Dunk Contest.
Sa kanyang ikalawang season (1997-98), lalong tumagal ang oras ng paglalaro ni Bryant at nagsimula niyang ipakita ang kanyang abilidad bilang isang talentadong guard. Siya ang runner-up para sa NBA's Sixth Man of the Year Award, at dahil sa boto ng kanyang mga tagahanga, siya ang naging pinakabatang NBA All-Star starter.
Bagama't ang kanyang statistics ay kahanga-hanga para sa kanyang eded, kulang pa din ang kanyang karanasan upang makatulong kay Shaquille O'Neal at sa kanyang kuponan para makalaro sa kampeonato. Noong 1998-99 season, ang mga guard na sina Nick Van Exel at Eddie Jones ay na-trade dahil sa kagustuhan ni Shaq. Gayon pa man, natapos ang season na iyon para sa Lakers ng sila ay ma-sweep ng San Antonio Spurs sa Western Conference semi-finals.
Mga taon ng pagkapanalo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Magbabago ang kapalaran ni Bryant ng maging head coach ng Los Angeles Lakers si Phil Jackson noong 1999. Matapos ang ilang taon ng ng tuloy-tuloy na paggaling, kinilala si Bryant bilang isa sa mga pinakamagaling na shooting guard ng liga, na pinatunayan ng kanyang taunang paglahok sa All-NBA, All-Star, at All-Defensive teams. Sa ilalim ni Bryant at O'Neal, ang Lakers ay naging isa sa mga paboritong kuponan para sa kampeonato, dahil sa kanilang natatanging center-guard combination. Ginamit ni Jackson ang kanyang triangle offense na siya ring tumulong sa Chicago Bulls para sa kanilang anim na kampeonato. Ang Triangle offense din ay naging malaking tulong upang mapabilang sina Bryant at O'Neal sa mga pinakamagagaling na klase ng manlalaro sa NBA. Ang kanilang tagumpay ay nagbunga ng tatlong magkakasunod na kampeonato para sa Lakers noong 2000, 2001, at 2002.
Katapusan ng dinastiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2002-03 NBA season, si Bryant ay may average na 30 points per game, at nag-score ng 40 o higit pa kada laro sa siyam na sunod-sunod na laro at nag-average ng 40.6 para sa buong buwan ng Pebrero. Siya rin ay may average ng 6.9 rebounds, 5.9 assists, at 2.2 steals per game, at ang lahat ng ito ay career-high para sa kanya noong puntong iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinoto si Bryant para makapasok sa sa All-NBA at All-Defensive 1st teams. Matapos tapusin ang regular season ng 50-32, ngunit nagsimulang magkalat noong 2003 playoffs, at sa kalaunan ay natalo sila ng San Antonio Spurs sa Western Conference semi-finals matapos ang anim na laban.
Noong sumunod na 2003-04 NBA season, nakuha ng Lakers ang mga NBA All Star na sina Karl Malone at Gary Payton upang muling tumulak para sa Kampeonato. Ang kanilang starting line-up ay binubuo ng apat na manlalaro na siguradong makakapasok sa Hall of Famena sina, Shaquille O'Neal, Malone, Payton, at Bryant, ang Lakers ay umabot sa 2004 NBA Finals. Nakaharap nila ang Detroit Pistons sa limang laban bago sila matalo. Sa championsip series na iyon, si Bryant ay may average na 22.6 points, field goal percentage na 35.1%, at 4.4 assists kada laro.
Mga suliranin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2003, ang reputasyon ni Bryant ay nadumihan dahil sa kasong sexual assault na isinampa sa kanya, kung saan si Katelyn Faber, isang dalaga mula sa COlorado, ay inakusahan siya ng pangahahalay. Dahil sa kanyang nadungisang imahe, bumaba din ang pananaw sa kanya ng publiko, na naging dahilan upang iatras ang kanyang mga endorsement contracts para sa McDonald's, Nutella, at Ferrero SpA. Bumubaba din ang benta ng kanyang mga Jersey ayon sa Sales figures ng mga NBA merchandisers.
Sa kurso ng imbestigasyon sa ng nasabing panghahalay, sinabi ni Kobe sa mga pulis na ""he should have done what Shaq does ... that Shaq would pay his women not to say anything" (dapat ay ginawa ko na lang kung ano ang ginagawa ni Shaq.. na bayaran na lamang ang babae upang manahimik) at na si Shaq ay nagbayad na ng hanggang $1 million para sa ganitong mga sitwasyon. ito ay isang malaking kontrobersiya dahil ang dalawa ay nasa iisang kuponan ng mga panahong iyon at marami ang may opinyon na sinira ni Kobe ang "locker-room code" sa kanyang pagbunyag sa isang maselang impormasyon, o sa mas malalamang aspeto, pagsisinungaling upang ibaling ang atensiyon ng publiko palayo sa kanya.[6]
Naresolba ang imbestigasyon nang sumang-ayon si Kobe na humingi ng tawad sa biktima para sa insidente, kasama ang kanyang mea culpa: "Although I truly believe this encounter between us was consensual, I recognize now that she did not and does not view this incident the same way I did."[7] Ang mga detalye tungkol sa kumpensasyong pang-pinansiyal ay di ipinaalam sa publiko.
Noong 2004, kumalat sa publiko ang alitan sa pagitan nina Bryant at Malone, bago ang inaasahang pagpirma ng bagong kontrata ni Malone para sa Lakers. Ayon kay Bryant, binastos ni Malone ang kanyang asawa. Ayon kay Malone, walang halong malisya ang kayang biro at eksahirado lamang ang naging reaksiyon ni Bryant.[8] Sa mga sumunod na buwan,imbes na muling sumali sa Lakers at makasama muli si Bryant, inisip na lamang ni Malone ang posibilidad na pumirma sa ibang kuponan, subalit sa huli ay pinili na lamang niyang mag-retiro.
Mga taon ng 2004 at 2005
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong ma-trade si O'Neal, si Bryant ang naging kapitan ng kuponan bago magsimula ang 2004-05 season. Subalit, sa kanyang unang season matapos ang pagkawala ni O'Neal, napatunayan na malaking kawalan sa Lakers ang pag-alis ni O'Neal. Dagdag pa dito ang mga kontrobersiya na kinasangkutan niya sa nakalipas na season, na naging dahilan din upang siya ay sumailalim sa puspusang atensiyon at kritisismo mula sa publiko para sa nasabing season.
Isa sa mga malaking dagok na kinailangang indahin ni Bryant ang dagok mula kay Phil Jackson sa kanyang libro na The Last Season: A Team in Search of Its Soul. Ang libro ay naglalaman ng mga detalye ukol sa sa magulong 2003-04 season at ilang kritisismo ukol kay Bryant. Sa libro, binanggit ni Jackson na si Bryant ay "uncoachable."
SA kalagitnaaan ng season, si Rudy Tomjanovich ay nag-bitiw bilag coach ng Lakers dahil sa pabalik-balik na problemang pangkalusugan at pagkapagod. Dahil sa pagretiro ni "Rudy T," ang responsibilidad para sa nalalabing mga laro para sa season ay napunta kay assistant coachFrank Hamblen. Bagama't si Bryant ang pangalawa sa mga nangungunang scorer ng liga dahil sa kanyang 27.6 na puntos kada laro, naghirap ang Lakers at sa kauna-unahang pagkakataon sa mahigit sa isang dekada, hindi nakapasok ang Lakers sa playoffs. Dahil dito, bumaba ang estado ni Bryant sa liga,na naging dahilan upang hindi siya makapasok sa NBA Al-Defensive Team at pagka-demote niya nang pumasok lamang siya sa All-NBA Third Team.
Mga panahon ng 2005 at 2006
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maraming naging pagbabago sa karera ni Bryant noong 2005-06 NBA Season. Bagama't mayroong silang mga hindi pagkakaintindihan sa nakaraan, magbalik si Phil Jackson bilang head coach ng Lakers. Sinangayunan ni Bryant ang naging pasya ni Jackson at aimo'y nagkasundo naman ang dalawa sa ikalawang pagkakataon na sila'y naging magkatrabaho at muling nakabalik sa playoffs ang Lakers noong 2006. Nakipag-ayos din si Bryant sa dating kakampi na si Shaquille O'Neal. Sila ay nagkaroon ng record na 45-37, na mas mataas ng 11 laro sa kumpara sa naging resulta nila sa nakaraang season.
sa unang round ng playoffs, maganda ang ipinakita ng Lakers kaya't lumamang sila ng 3-1 sa series at muntik na nilang ilalag ang second-seeded na kuponan ng Phoenix Suns. Bagama't nagawang kunin ni Bryant ang tira na nagpanalo sa kanila sa Game 4, nagtuloy-tuloy naman ang kanilang mga talo hanggang sa matapos ang series matapos ang pitong laro. Na-injure din si Bryan sa off-season na naging dahilan kung bakit hindi siya nakalahok sa torneyo 2006 FIBA World Championship.
Ang magagandang laro na ipinakita ni Bryant para sa 2005-06 season ay nagresulta sa ia sa kanyang mga pinakamagandang statistical season. Kabilang na dito ang ipinakita niya noong Disyembre 20 kung saan gumawa ng 62 na puntos si Bryant laban sa Dallas Mavericks bagama't naglaro lamang siya ng tatlong quarters. SA pagpasok pa lamang ng ika-apat na quarter ay mas malaki na ang ginawang puntos ni Bryant kesa sa buong kuponan ng Mavericks,62-61, at ito ang ganito kagandang laro ay hindi pa muling nasaksihan simula noong simulang ipatupad and 24-second shot clock. Nang harapin ng Lakers ang Miami Heat noong 16 Enero 2006, naging pangunahing balita sa mga pahayagan sina Bryant at O'Neal nang sila ay nagkamay at magyakapan bago magsimula ang laro, na patunay na tapos na ang hidwaan sa pagitan ng dalawang manlalaro. Matapos ang isang buwan, sa 2006 NBA All-Star Game, ang dalwa ay nakikita pang tumatawa at nagbibiruan. Noong ika-22 ng Enero, si Bryant ay gumawa ng 81 puntos laban sa Toronto Raptors upang ipanalo ang laban, 122-104. Bukod sa pag-alpas sa itinalang franchise record na 71 puntos ni Elgin Baylor, ang kanyang ginawang pag-puntos ay pumapangalawa lamang sa makasaysayang 100-point game ni Wilt Chamberlain noong 1962.
Noon ding Enero ng taon din na iyon, si Bryant ang naging kaunanahang manlalaro simula noong 1964 na gumawa ng 45 na puntos o higit pa sa apat na magkakasunod na laro, at naging kabilang sa hanay nina Chamberlain at Baylor sa mga natatanging manlalaro na nakagawa nito.[9] Para sa buwan ng Enero, si Bryant ay nagtala ng average na 43.4 na puntos kada laro, na siyang ika-walo sa pinakamatataas na scoring average para sa isang buwan sa kasaysayan ng NBA, at pinakamataas na average bukod sa mga itinala ni Chamberlain. SA katapusan ng season, itinala din ni Bryant ang ilang single-season franchise record ng Lakers tulad ng pinakamaraming 40-point games (27) at pinakamataas na ginawang puntos (2,832). Napanalunan ni Bryant ang scoring title ng liga sa kauna-unahang pagkakataon, matapos magtala ng scoring average na 35.4, na pumapangalawa lamang sa 37.1 scoring average na itinala ni Michael Jordan noong 1986-87. Si Bryant din ang nakakuha ng ika-apat na puwesto sa mga boto para sa 2006 Most Valuable Player Award, at nakakuha ng 22 na boto para makapasok sa unang pwesto - na pumapangalawa lamang sa nanalo na si Steve Nash, at sa ngayon ay ang pinakamaraming boto para sa unang pwesto na natanggap ni Bryant sa kanyang karera.
Napabalita din na papalitan ni Bryant ang numero ng kanyang jersey mula 8 para sa numerong 24 para sa simula ng 2006-07 season. Ang numerong 24 ay ang ginamit niya noong siya ay nasa sekondarya pa, bago niya ito palitan ng numerong 33.[10] Matapos ang season ng Lakers, sinabi ni Bryant sa TNTna gusto sana niya ang numerong 24 noong unang taon niya sa NBA subalit may gumagamit dito ng panahon na iyon, at ang numerong 33 ay niretiro na para kay Kareem Abdul-Jabbar. Ang numerong 143 ang ginamit niya sa Adidas ABCD camp, at pinili niya ang numerong 8 matapos pagdagdag-dagdagin ang 1, 4, at 3. Ginamit din niya ang numerong 8 noong kabataan niya sa Italy,[11] bilang paggalang kay Mike D'Antoni, na isa sa mga hinahangaan niyang propesyonal na basketbolitang Italiano noong kabataan niya.
Mga panahon ng 2006 at 2007
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2006-07 NBA season, si Bryant ay muling napili sa ika-siyam na pagkakataon upang makilahok sa All-Star game, at noong ika 18 ng Pebrero, siya ay nagtala ng 31 puntos, 5 rebound, at 6 steals upang makuha ang kanyang ikalawang All-Star Game MVP trophy.
Sa pag-usad ng nasabing season, si Bryant ay nasangkot sa ilang insidente sa loob ng basketball court. Noong ika-28 ng Enero, habang sinusubukan niyang kumuha ng foul sa isang tira na posibleng magpanalo sa laro, nasiko niya sa muka ang guard ng San Antonio Spurs na si Manu Ginobili. Matapos ang imbestigasyon ng liga, si Bryant ay nasuspinde sa sumunod na laro sa Madison Square Garden laban sa New YOrk Knicks, at ang naging basehan para sa suspensiyon ay ang hindi natural na galaw ng kanyang iwasiwas ang kanyang braso pabalik. Noong ika-anim naman ng Marso, naulit nanaman ang insidente, at tinamaan niya ang guard ng Minnesota Timberwolves na si Marko Jaric. noong ika-7 ng Marso, nabigyan ng suspensiyon para sa isang laro si Bryant sa ikalawang pagkakataon, at ilang miyembro ng media ang ku-mwestiyon sa mga nakalipas na pangyayari. Sa kanyang unang laro matapos ang kanyang ikalawang suspensiyon noong ika-9 ng Marso, siniko niya sa mukha si Kyle Korver at natawagan ito ng Type 1 flagrant foul.
Noong ika-16 ng Marso, Si Bryant ay gumawa ng 65 na puntos sa isang home game laban sa Portland Trail Blaizers, na naging tulong upang tapusin ang pitong magkakasunod na talo ng Lakers. Ito ang kanyang pangalawang pinakamataas na ginawang puntos sa kanyang labing-isang taong karera bilang isang propesyonal na basketbolista. sa sumunod na laro, si Bryant ay nagtala ng 50 puntos laban sa Minnesota TImberwolves, at 60 puntos naman sa panalo nila laban sa Memphis Grizzlies upang maging pangalawang Laker na gumawa ng 50 o higit pa na puntos sa 3 tatlong magkakasunod na laban, na hindi pa nauulit simula noong ginawa ito ni Michael Jordan noong 1987. Ang tanging manlalaro ng Lakers bukod kay Bryant na makagawa nito ay si Elgin Baylor, na gumawa din ng 50 o higit pang puntos noong Disyembre nung 1962. Noong ika-23 ng Marso, sa laro ng Lakers laban sa New Orleans Hornets, muling gumawa ng 50+ na puntos si Bryant at pumapangalwa lamang kay Wilt Chamberlain, na nagtala ng pitong magkakasunod na laro kung saan kumuha siya ng 50 o higit pang puntos sa dalawang pagkakataon. TInapos ni Bryant ang taon na mayroong 50 o higit pang puntos sa sampung laban[12] at ang natatanging manlalaro bukod kay Chamberlain noong 1961-62 at 1962-63 na nakagawa ng ganito sa loob lamang ng isang season, upang iuwi sa pangalawang sunod na pagkakataon ang scoring title.
Noong 2006-07 season, ang jersey ni Bryant ang naging pinakamabentang NBA jersey sa Estados Unidos at Tsina.[13] Ilang mamamahayahag ang nagsabi na ito ay bunga ng bagong numero ng jersey ni Bryant, kasama ang kanyang tuloy-tuloy na magandang ipinapakita sa loob ng basketball court.[14][15] sa 2007 NBA Playoffs, muling natanggal sa first round ang Lakers laban sa Phoenix Suns.
Panahon ng 2007 at 2008
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 27 Mayo 2007, nabalita sa ESPN na nais magpa-trade ni Bryant kung hindi makakabalik si Jerry West sa kuponan ng buo ang awtoridad.[16] SA kalaunan, kinumpirma ni Bryant na nais niyang magbalik sa franchise si West, ngunit itinaggi na nais niyang magpa-trade kung hindi ito mangyayari.[17] Subalit, makalipas ang tatlong araw, sa programang pangradyo ni Stephen Smith, nagpahayag ng galit si Bryant ukol sa "insider" sa Lakers na nagsasabing si Kobe ang dahilan kung bakit umalis sa kuponan si O'Neal, at ipinahayag sa programa na ""I want to be traded." Makalipas ang tatlong oras matapos ang nasabing panayam, inihayag ni KObe na nag-usap sila ni Phil Jackson at napagisip-isip niyang iurong ang kanyang hiling na i-trade sa ibang kuponan.[18]
Subalit, hindi pa din sigurado ang hinaharap ni KObe sa ngayon. Ayon sa mga balita, hindi pa niya iniaatras ang kanyang opisyal na trade request at si JOhnny, ang panganay na anak ng may-ari ng Laker's na si Jerry Buss, ay nagpaalam na kay Kobe sa kanyang myspace page. Noong ika-12 ng HUnyo, 2007, ipinahayag ni KObe sa kanyang "The Truth" blog na siya ay humahananp na ng "new road Ahead" at maaring tapos na siya sa organisasyon ng Lakers.[19]
Nito lang nakaraang 18 Pebrero 2008 ay nahirang na naman si Kobe na isa sa mga starters ng Western Conference para sa 2008 NBA All Stars, ngunit si Kobe ay naglaro lamang ng halos 3 minuto dahil sa kanyang finger injury.
Bilang manlalaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Bryant ay isang shooting guard na paminsan-minsan ay naglalaro din bilang small forward. Marami ang nagsasabi na siya ay isa sa mga pinaka kumpletong manlalaro ng NBA,[20] at nakapasok sa lahat bawat All-NBA Team mula 1999 at lumahok sa huling siyam na NBA All-Star games. Siya ay malaking bahagi sa tatlong pinakahuling kampeonato ng Lakers. Malakas kumuha ng puntos, si Bryant ay mayroong average na 24.6 puntos kada laro, at isama na din ang 4.5 assists, 5.2 rebounds, at 1.5 steals kada laro. Kilala siya sa kanyang abilidad na gumawa ng puwang para sa mga sariling tira, at talentadong outside shooter, at isa sa dalawang manlalaro na may hawak sa record para sa bilang ng naipasok na three points sa isang laro (12). Bukod pa dito, kilala din siya dahil sa kanyang matibay na depensa at nakapasok sa All-Defensive 1st o di kaya'y 2nd Team ng pito sa walong nakaraang mga seasons.
Sariling buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Nobyembre, 1999, nagkakilala ang 21 anyos na si Bryant at ang 17 anyos na si Vanessa Laine habang siya ay nagtatrabaho bilang mananayaw sa music video ng Tha Eastsidaz na "G'd Up'..[21] noong mga panahon na iyon, si Bryant ay inaasikaso ang kanyang sariling musical album , na hindi na-release.
Nagsimulang mag-date ang dalawa at sa loob lamang ng anim na buwan ay na-engage din ang dalawa noong Mayo, 2000,[21] habang si Laine ay isang senior sa Marina High School sa Huntington Beach, California. Upang maka-iwas sa intriga, tinapos muna ni Laine ang kanyang sekondarya sa pamamagitan ng sariling sikap.[21] Ayon sa pinsan ni VAnessa na si Laila Laine, walang naging prenuptial agreement. Ayon kay Vanessa, "Kobe loved her too much for one".[22]
Ikinasal ang dalawa noong 18 Abril 2001, sa Dana Point, California. Hindi dumalo sa seremonya ang mga magulang ni Bryant, ang kanyang mga kapatid, ang matagal na tagapayo at ahente na si Arn Tellem, at maging ang mga kasama sa kuponan. Hindi pabor sa mga magulang ni Bryant ang nangyaring kasalan dahil sa ilang bagay. Ayon sa balita, ilan sa mga naging dahilan ng hindi pagsang-ayon ng mga magulang ni Bryant ay ang pagpapakasal niya sa ganoong edad, lalo na sa isang dalagang hindi isang African-American.[21] Ang hindi pagkaka-unawaan na ito ay nagresulta sa hindi pag-uusap ni Kobe at ng kanyang mga magulang ang lampas dalawang taon.
Pamilya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak ang panganay na anak ni Bryant, isang babae, noonng 19 Enero 2003, at pinangalanang Natalia Diamante Bryant. Ang batang ito ang naging susi upang magka-ayos si Kobe at ang kanyang mga magulang. Nakunan si Vanessa Bryant dahil sa ectopic pregnancy noong tagsibol ng 2005. Noong taglagas ng 2005 ay inihayag ng mga Bryant na inaasahan na nila ang kanilang pangalawang anak. Ang kanilang pangalawang anak na babae na si Gianna Maria-Onore Bryant ay ipinanganak noong 1 Mayo 2006. Si Gianna ay ipinanganak ng anim na minuto bago ipinanganak ang anak na babae ng dating kasama sa kuponan na si Shaquille O'Neal na si Me'arah Sanaa, na ipinanganak sa Florida.[23]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dakong 9:06 am Pacific Standard Time (PST) ng umaga sakay ng Sikorsky S-76, helikopter noong Enero 26, 2020 kasama ang 13 anyos na anak na babae na si Gianna Bryant at ang Orange Coast College baseball coach na si John Altobelli, asawa na si Keri, anak na si Alyssa, Christina Mauser at ang assistant na baseball coach ng Harbour Day School sa Corona del Mar, at tatlong iba pa ay umalis mula sa John Wayne Airport sa Orange County, California, sa isang helikopter na Sikorsky S-76 na pag-aari ni Bryant. Ang helikopter ay nakarehistro sa Fillmore-based Island Express Holding Corp., ayon sa database ng negosyo ng Kalihim ng California ng Estado.[kailangan ng sanggunian]
Dahil sa magaan na pag-ulan at malabo na panahon sa umagang iyon, ang LAPD helicopter at ang karamihan sa trapiko ng hangin ay nakabundag. Ipinapakita ng flight tracker na nakaranas ng mga isyu ang helikopter habang nasa itaas ng L.A. Zoo. Ang helikopter ay umiikot sa lugar nang anim na beses sa isang taas ng paligid ng 850 talampakan. Sa 9:30 a.m. nakipag-ugnay ang piloto sa Burbank Airports control tower na nagpapabatid sa tower ng sitwasyon. Sa 9:30 a.m. nakaranas ang helikopter ng matinding hamog at lumiko sa timog patungo sa mga bundok. Noong 9:40 a.m. ang helikopter ay umakyat sa taas mula 1,200 hanggang 2,000 talampakan (370 hanggang 610 m) na lumilipad sa 161 knots (298 km / h; 185 mph).[kailangan ng sanggunian]
Noong 9:45 a.m. ang helicopter ay bumagsak sa gilid ng isang bundok sa Calabasas, mga 30 milya (48 km) hilagang-kanluran ng bayan ng Los Angeles, at nahuli sa sunog. Noong 9:47 a.m. tinawag ang mga awtoridad. Ang helikopter ay dumaan sa Boyle Heights, malapit sa Dodger Stadium, at lumibot sa Glendale sa panahon ng paglipad. Ang mga kawani mula sa Kagawaran ng Sunog ng Los Angeles County ay dumalo sa tanawin. Ang apoy ay pinatay ng 10:30 a.m. Wala sa siyam na pasahero na nakasakay sa helikopter na nakaligtas. Ang mga paunang ulat ay nagpapahiwatig na ang helikopter ay nag-crash sa mga burol sa itaas ng Calabasas sa mabibigat na ulap. Iniulat ng mga saksi ang pagdinig ng isang helikopter na nakikipaglaban bago mag-crash.[kailangan ng sanggunian]
Ang Federal Aviation Administration, National Transportation Safety Board, FBI, at dalawang punong regulator ng pederal na pamahalaan, ay naglunsad ng mga pagsisiyasat sa pag-crash.[kailangan ng sanggunian]
Mga gantimpala at parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2 time NBA Finals MVP: 2009, 2010
- 5-time NBA Champion: 2000, 2001, 2002, 2009, 2010
- NBA Most Valuable Player: 2008
- 6-time Scoring Champion: 2006, 2007, 2008, 2009, 2010, 2011
- 18-time NBA All-Star: 1998, 2000, 2001, 2002, 2003, 2004, 2005, 2006, 2007, 2008, 2009, 2010, 2011, 2012, 2013, 2014, 2015, 2016
- Has started in each of his appearances
- 10 consecutive appearances (No All-Star game in 1999 due to league-wide lock-out)
- 4-time NBA All-Star Game MVP: 2002, 2007, 2009, 2011
- 9-time All-NBA Selection:
- First Team: 2002, 2003, 2004, 2006, 2007
- Second Team: 2000, 2001
- Third Team: 1999, 2005
- 7-time All-Defensive Selection:
- First Team: 2000, 2003, 2004, 2006, 2007
- Second Team: 2001, 2002
- NBA All-Rookie Second Team: 1997
- NBA All-Star Slam Dunk Champion: 1997
- NBA regular season leader in:
- points: 2003 (2,461), 2006 (2,832, 7th in NBA history), 2007 (2,430)
- points per game: 2006 (35.4, 9th in NBA history), 2007 (31.6)
- field goals attempted: 2006 (2,173), 2007 (1,757)
- field goals made: 2003 (868), 2006 (978), 2007 (813)
- free throws attempted: 2007 (768)
- free throws made: 2006 (696), 2007 (667)
- 2nd most points in a Game: 81 (22 Enero 2006 vs. the Toronto Raptors)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- List of individual National Basketball Association scoring leaders by season
- List of National Basketball Association players with 60 or more points in a game
- List of active NBA players who have spent their entire career with one team
Mga nota
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Wala pong malinaw na istilo ng pagsipi ang artikulo na ito. (walang petsa)
Mapapalinaw po ang mga sanggunian gamit ng iba o mas matibay na istilo ng pagsipi at pagsulat ng talababa. Binigay na detalye: wala |
- ↑ Mallozzi, Vincent (Disyembre 24, 2006). "'Where's Kobe? I Want Kobe.'". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 21, 2013.
{{cite news}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ding, Kevin (Enero 8, 2008). "Kobe Bryant's work with kids brings joy, though sometimes it's fleeting". Orange County Register. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 21, 2013.
{{cite news}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ NBA.com. Kobe Bryant Info Page - Bio. Accessed 8 Mayo 2007.
- ↑ Samuels, Allison (11 Oktubre 2003). Kobe Off the Court. MSNBC. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ Larry King Live (6 Enero 2005). Kobe Bryant Interview. CNN. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ [1]
- ↑ [2]
- ↑ [3]
- ↑ NBA.com (1 Pebrero 2006). Billups, Bryant Named Players of the Month. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ Rovell, Darren (26 Abril 2006). Bryant will hang up his No. 8 jersey, sources say. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ Los Angeles Lakers News (24 Mayo 2006). Why Number 8? Naka-arkibo 2007-09-28 sa Wayback Machine.. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ Lakers Universe. Kobe Bryant Stats. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ NBA.com (20 Marso 2007). Kobe Bryant has Top-Selling Jersey in China. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ Oller, Rob (12 Pebrero 2007). A star is reborn: Bryant?s stats, dunks have made him marketable again[patay na link]. The Columbus Dispatch. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ Denver Post (15 Marso 2007). For Kobe, turnaround is flair play. The Bonham Group. Accessed 25 Mayo 2007.
- ↑ http://sports.espn.go.com/nba/news/story?id=2884339
- ↑ http://sports.espn.go.com/nba/news/story?id=2884792
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-28. Nakuha noong 2007-08-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-20. Nakuha noong 2007-08-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ HoopsHype.com. NBA Players - Kobe Bryant. Accessed 8 Mayo 2007.
- ↑ 21.0 21.1 21.2 21.3 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-02-19. Nakuha noong 2007-08-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-06. Nakuha noong 2007-08-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Contact Music. Shaq is a Dad Six Minutes After Kobe. Accessed 25 Mayo 2007.
- Mga artikulong may patay na panlabas na link (Septiyembre 2021)
- Pages using infobox basketball biography with unsupported parameters
- Lathalaing nangangailangan ng mga malinaw na pagsipi
- Lahat ng lathalaing nangangailangan ng mga malinaw na pagsipi
- Ipinanganak noong 1978
- Namatay noong 2020
- Mga basketbolistang Amerikano