Pumunta sa nilalaman

Jesse Robredo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jesse Robredo

Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Nasa puwesto
9 Hulyo 2010 – 18 Agosto 2012
PanguloBenigno Aquino III
Nakaraang sinundanBenigno Aquino III (Akting)
Sinundan niPaquito Ochoa (Acting)
Alkalde ng Lungsod ng Naga
Nasa puwesto
30 Hunyo 2001 – 30 Hunyo 2010
DiputadoEsteban Abonal Gabriel Bordado
Nakaraang sinundanSulpicio Roco
Sinundan niJohn Bongat
Nasa puwesto
2 Pebrero 1988 – 30 Hunyo 1998
DiputadoLourdes Asence
Nakaraang sinundanCarlos Del Castillo
Sinundan niSulpicio Roco
Personal na detalye
Isinilang27 Mayo 1958(1958-05-27)
Lungsod ng Naga, Camarines Sur, Pilipinas
Yumao18 Agosto 2012(2012-08-18) (edad 54)
Lungsod ng Masbate, Masbate, Pilipinas
Dahilan ng pagkamatayPagbagsak ng sinasakyang eroplano sa dagat ng Masbate
KabansaanPilipino
Partidong pampolitikaPartido Liberal
AsawaMaria Leonor Gerona Robredo[1]
RelasyonMarried
AnakAika, Patricia at Jillian Therese
Alma materPamantasang De La Salle
Pamantasang Harvard
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
TrabahoPulitiko

Si Jesse Manalastas Robredo ay isang politikong Pilipino na naglingkod bilang Kalihim ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang sa kanyang kamatayan noong 2012. Dati ring kasapi si Robredo ng Partido Liberal.

Simula noong 1988, naglingkod nang anim na taning si Robredo bilang alkalde ng Lungsod ng Naga sa Camarines Sur, mula 1988 hanggang 1998, at muli mula 2001 hanggang 2010, noong siya'y ipinili ni Pangulong Aquino bilang Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal. Bilang pagkilala sa kaniyang tungkulin bilang alkalde ng Lungsod ng Naga, ginawaran si Robredo ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Panunungkulan sa Pamahalaan noong 2000, ang unang alkalde mula sa Pilipinas na ginawaran ng ganitong parangal.

Noong 18 Agosto 2012, ay nag crash ang eroplanong sinasakyan ni Kalihim Robredo sa may pampang ng Lungsod ng Masbate.[2] Nakatakda siyang umuwi sa Naga upang dalawin ang kaniyang anak na lalahok sa isang paligsahan sa paglalangoy. Ayon sa DILG, sumaklolo ang piloto ng eroplano sa Paliparan ng Masbate upang humiling ng pahintulot na magsagawa ng pangkagipitang paglapag ng eroplano. Gayunpaman, hindi naabutan ng eroplano ang paliparan at lumapag ito sa dagat.[3][4] Nakunan naman ang bangkay ni Robredo noong 21 Agosto, tatlong araw makatapos ang aksidente, sa lalim na 54 metro (180 talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat.[5]

  1. "Jesse Robredo feared dead after plane crash". Coolbuster. Agosto 18, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 31, 2012. Nakuha noong Agosto 18, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Robredo's plane crashes off Masbate". ABS-CBN News. 18 Agosto 2012. Nakuha noong 20 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Philippines interior secretary missing in plane crash". CNN. 18 Agosto 2012. Nakuha noong 20 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Small plane carrying DILG Sec. Jesse Robredo crashes off Masbate". GMA News. Nakuha noong 20 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Robredo's body found". Office of the President (Philippines) Newsroom. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Agosto 2012. Nakuha noong 21 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Benigno Aquino III
Kalihim ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Pilipinas
2010 – 2012
Susunod:
Bakante