Pumunta sa nilalaman

Wikang Hiligaynon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hiligaynon language)
Hiligaynon
Ilonggo
Katutubo saPilipinas
RehiyonBisayas, Mindanao
Mga natibong tagapagsalita
11 million total (first language: 7 million, second language: 4 million (est.))
Mga diyalekto
    • Standard/Urban Hiligaynon (Iloilo probinsya/Metro Iloilo diyalekto);
    • Guimaras Hiligaynon;
    • Bacolodnon Hiligaynon (Metro Bacolod diyalekto);
    • Negrense Hiligaynon (Negros Occidental dialect);
    • Mindanao Hiligaynon
Latin (Anyong Pilipino);
Naunang naisulat sa Baybayin
Opisyal na katayuan
Wikang Rehiyonal ng Pilipinas
Pinapamahalaan ngKomisyon sa Wikang Filipino
(Commission on the Filipino Language)
Mga kodigong pangwika
ISO 639-2hil
ISO 639-3hil
Ang mapa ng kailonggohan

Ang Wikang Hiligaynon ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Iloilo at Negros Occidental. Kilala rin sa tawag na Wikang Ilonggo. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingguwa prangka. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.

Maraming salitang Kastila sa Hiligaynon, mas marami kaysa Tagalog, bagaman sa kolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila.

Kadalasang "Ilonggo" ang tawag sa Wikang Hiligaynon sa Iloilo at Negros Occidental. Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mga mamamayan ng Iloilo at gayundin ang kulturang Hiligaynon. Ang pagitan ng diyalektong Ilonggo at ang katawagang Hiligaynon ay hindi matukoy sa kadahilangang maaaring ang isa ay pwedeng tumukoy sa wika at ang isa naman ay sa tao.

Ang Hiligaynon ay maraming hiram na salita mula sa wikang Espanyol mula sa mga pangngalan (hal., santo mula sa santo), pantukoy (hal., berde mula sa verde, luntian), pang-ukol (e.g., antes mula sa antes, bago), at pangatnig (hal. pero mula sa pero). Gayumpaman, marami pa ring wikang Espanyol ang hiniram ng wikang Hiligaynon tulad ng barko (barco), sapatos (zapatos), kutsilyo (cuchillo), kutsara (cuchara), tenedor, plato (plato), kamiseta (camiseta), and kambiyo (cambio).

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga pangungusap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maayong aga/gab-i
Magandang umaga/gabi

Tagbalay
Tao po

Malakat ka na
Aalis ka na

Subong na lang
Ngayon na lang

Ihatag mo ini sa iya palihog
Pakibigay mo ito sa kaniya

Nagakadlaw na siya
Tumatawa na siya

Kaon ka na sang kan-.on
Kumain ka ng kanin!

Nakaka-on na ako sang kan-on
Kumain na ako ng kanin

Nagaka-on ako sang kan-on
Kumakain ako ng kanin

Karon, maka-on ako sang kan-on
Mamaya, kakain ako ng kanin

Diin ka makadto
Saan ka pupunta

Bakal!
Pabili

Tagpila ini
Magkano ito

Palangga ta ka
Mahal kita

Palangga ta man ka
Mahal din kita

Siraduhi palihog ang pirtahan
Pakisara ang pintuan

Palihog trapuhi ang lamesa
Pakipunasan ang mesa

Salitang Hiligaynon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasasakupang Hiligaynon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Bisayas
Mindanaw
Tagalog Hiligaynon
bahay balay
ito ini
iyan ina
iyon ato
dito diri
diyan dira
doon didto
at kag
masarap manamit

Mga panghalip

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tagalog ang ng sa
ako ako ko akon
ikaw ikaw / ika mo imo
ka ikaw / ika mo imo
siya siya niya iya
tayo kita naton aton
kami kami namon amon
sila sila nila inyo
kayo kamo ninyo ila