2007
Itsura
(Idinirekta mula sa Disyembre 2007)
Dantaon: | ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon |
Dekada: | Dekada 1970 Dekada 1980 Dekada 1990 - Dekada 2000 - Dekada 2010 Dekada 2020 Dekada 2030
|
Taon: | 2004 2005 2006 - 2007 - 2008 2009 2010 |
Ang 2007 (MMVII) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Lunes (dominikal na titik G) sa kalendaryong Gregoryano. Ito ang ika-2007 ng pagtatalagang Anno Domini o Karaniwang Panahon, ang ika-7 taon ng ikatlong milenyo at ng ika-21 dantaon, at ang ika-8 ng dekada 2000.
Naitalaga ang 2007 bilang ang Internasyunal na Heliyopisikal na Taon,[1] Internasyunal na Taon na Polar,[2] at Internasyunal na Taon ng mga Wika.[3]
Kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 1
- Umanib ang Bulgaria at Romania sa Unyong Europeo, habang sumali ang Slovenia sa Eurozone.[4]
- Naging bagong Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang mga Bansa si Ban Ki-moon, na pumalit kay Kofi Annan
- Enero 9 – Ipinakilala ng CEO ng Apple na si Steve Jobs ang orihinal na iPhone sa isang tampok na panayam sa Macworld sa San Francisco, na nagsimula ng baong panahon ng mga smartphone sa imbensyon na ito.
- Enero 30 - Inilabas ng Microsoft ang Windows Vista.
Pebrero
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pebrero 2 – Lumagda si Pangulong Hu Jintao ng Republikang Bayan ng Tsina sa serye ng mga kasunduang pang-ekonomiya kasama ang Sudan.
- Pebrero 13 – Sumang-ayon ang Hilagang Korea na itigil ang mga pasilidad nukleyar nito sa Yongbyon sa darating na Abril 14 bilang unang hakbang tungo sa ganap na pagtatanggal ng nukleyar, na kapalit nito ay ang pagtanggap ng tulong sa enerhiya na katumbas ng 50,000 tonelada ng mabigat na langis na panggatong.[5]
- Pebrero 19 – Nailunsad ang microblogging social network na Tumblr sa publiko.[6]
Marso
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 1 – Nailunsad sa Paris ang ikaapat na Internasyunal na Polar na Taon, isang $1.73 bilyong programang pananaliksik upang pag-aralan ang Hilagang Polo at Timog Polo.[7]
Abril
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abril 16 – May nangyaring mga serye ng pamamaril sa kampus ng Virginia Polytechnic Institute and State University (mas kilala bilang Virginia Tech) sa Blacksburg, Virginia, Estados Unidos, na nagresulta sa 33 taong namatay (kabilang ang namaril) at 29 nasugatan.[8]
Mayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mayo 6 – Nagwagi si Nicolas Sarkozy, Ministro Panloob ng Pransiya, sa halalang pangpanguluhan ng Pransiya, at pinalitan ang nakaupong pangulong si Jacques Chirac.
Hunyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hunyo 5 – Dumaan ang MESSENGER na sasakyang pangkalawakan ng NASA sa Benus at hahantong sa destinasyon nito sa Merkuryo.
Hulyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hulyo 4 – Ginawad ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Sochi ang karapatang maging punong-abala ng Palarong Olimpiko sa Taglamig ng 2014.
- Hulyo 7 – Naganap ang mga konsyertong Live Earth sa siyam na pangunahing mga lungsod sa buong sanlibutan upang magbigay kamalayan sa mga kalikasan.[9]
Agosto
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Agosto 4 – Nailunsad ang sasakyang pangkalawakan na Phoenix tungo sa Marte upang pag-aralan ang hilagang polo nito.[10]
- Agosto 9 – Hinarang ng pandaigdigang bangkong Pranses na BNP Paribas sa Reino Unido ang mga pagkuha (withdrawal) mula sa tatlong pondong hedge na malubhang ipinangako sa sub-primong pag-utang, na hinudyatan ang pandaigdigang krisis sa pananalapi ng 2007-2008.[11]
Setyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Setyembre 10 – beteranong newscaster na si Ann Curry, Natalie Morales at Hoda Kotb nagsimula Ang programa Today Show na 4th hour.
- Setyembre 12 – Hinatulan ng Sandiganbayan si dating Pangulong Joseph Estrada ng Pilipinas ng habang buhay na pagkabilanggo sa kasong pandarambong ngunit pinawalang sala sa pagsisinungaling sa pagpahahayag ng kanyang ari-arian noong 1999. [12]
Oktubre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Oktubre 19 – Niyanig ng malakas na pagsabog ang Glorietta Shopping Mall sa Lungsod ng Makati, Pilipinas na nagdulot ng higit kumulang 8 sawi at higit 100 iba pang sugatan.[13]
Nobyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nobyembre 16 – Pinapaniwalaang hanggang 15,000 katao ang nasawi pagkatapos tumama ang Ipo-ipong Sidr sa Bangladesh.[14]
Disyembre
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Disyembre 21 – Sa gulang na 81 taon, 7 buwan, at 29 araw, naging pinakamatandang monarkong Briton si Reyna Elizabeth II, nilagpasan ang tala ni Reyna Victoria na nabuhay hanggang 81 taon, 7 buwan, at 28 araw. [15]
Kapanganakan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Marso 1 - Parker Bates, Amerikanong batang aktor sa palabas na This Is Us.
- Hunyo 3 - Jakob Burns, ang nawawalang binata sa Canada ika Nobyembre 5, 2020.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Enero 8 – Yvonne De Carlo, Amerikanong aktres na ipinanganak sa Kanada (ipinanganak 1922)
- Pebrero 8 – Anna Nicole Smith, Amerikanong modelo at personalidad sa telebisyon (ipinanganak 1967)
- Abril 23 – Boris Yeltsin, Unang Pangulo ng Pederasyong Ruso (ipinanganak 1931)
- Abril 28 – Carl Friedrich von Weizsäcker, Alemang pisiko at pilosopo (ipinanganak 1912)
- Mayo 20 – Stanley Miller, Amerikanong kimiko at biyologo (ipinanganak 1930)
- Hulyo 11 – Rod Strunk, Amerikanong aktor, Mang-aawit at biyuda ni Nida Blanca (ipinanganak 1941)
- Hulyo 30 – Ingmar Bergman, Suwekong direktor ng pelikula (ipinanganak 1918)
- Setyembre 6 – Luciano Pavarotti, Italyanong tenor (ipinanganak 1935)
- Disyembre 16 – Dan Fogelberg, Amerikanong mang-aawit at manunulat ng awitin (b. 1951)
- Disyembre 27 – Benazir Bhutto, politikong taga-Pakistan, ika-11 at ika-13 Punong Ministro ng Pakistan (ipinanganak 1953)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "International Heliophysical Year" (sa wikang Ingles). IHY. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-11-25. Nakuha noong 2008-10-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "International Polar Year 2007-2008" (sa wikang Ingles). IPY. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 12, 2008. Nakuha noong 2008-10-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "General Assembly Proclaims 2008 International Year Of Languages, In Effort To Promote Unity In Diversity, Global Understanding" (sa wikang Ingles). Un.org. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 13, 2011. Nakuha noong 2011-05-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Romania and Bulgaria join the EU". BBC News. 2007-01-01. Nakuha noong 2017-02-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "KBS Global" (sa wikang Ingles). English.kbs.co.kr. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 29, 2007. Nakuha noong 2011-05-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Karp, David (Pebrero 19, 2007). "Tumblr – something we've always wanted". Davidville (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 24, 2013. Nakuha noong Pebrero 24, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Paris International Polar Year launch event". Polar Foundation (sa wikang Ingles). 2007-03-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-19. Nakuha noong 2017-02-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (CBS) Naka-arkibo 2013-10-01 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Jamkhandikar, Shilpa (2008-09-20). "Live Earth show to help light homes with solar energy". Reuters (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-13. Nakuha noong 2017-01-11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cartwright, John (2007-08-06). "Phoenix blasts off to Mars". Physics World (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-02-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Elliott, Larry (2012-08-05). "Three myths that sustain the economic crisis". The Guardian (sa wikang Ingles). London. Nakuha noong 2012-08-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (Inquirer.net) Naka-arkibo 2012-01-20 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
- ↑ Conde, Carlos H. (2007-10-20). "Blast at Mall Kills 8 in Philippines (Published 2007)". The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong 2021-02-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Foster, Peter (2007-11-18). "Bangladesh cyclone death toll hits 15,000". The Telegraph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-01-11.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (BBC News) (sa Ingles)