Pumunta sa nilalaman

Biyolohiyang pangselula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cell biology)

Ang biyolohiya ng selula o biyolohiyang pangselula ay ang pag-aaral ng kung paano gumagana o gumagawa ang buhay na mga selula. Kabilang dito ang kayarian at tungkulin ng mga organel ng selula, at mga molekulang may batayang karbon na produkto ng mga selula. Ang pinakamahalagang mga molekula ay ang DNA, RNA at mga protina.[1]

Ang pinaka mahahalagang mga istruktura sa loob ng selula ay ang nukleyus at mga kromosoma, ngunit may marami pang iba. Ang kayarian ng eukaryotikong mga selula ay mas masalimuot kaysa prokaryotikong mga selula. Ito ay dahil sa naganap ang endosimbiyosis: ilan o lahat ng mga organel na eukaryota ay dating mga prokaryota. Mga halimbawa nito ang mitokondriya at mga plastid.[2][3]

Ang pinaka importanteng tungkulin ng mga selula ay ang paghahati sa pamamagitan ng mitosis o meiosis. Ang mga selula sa loob ng isang organismong multiselular o organismong may mararaming mga selula ay nagtatangi rin sa iba't ibang mga tungkulin.

  • Ang sitolohiya ay karamihang tungkol sa anyo at kayarian ng mga selula.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gall JG & McIntosh JR eds 2001. Landmark papers in cell biology. Bethesda, MD at Cold Spring Harbor, NY: The American Society for Cell Biology and Cold Spring Harbor Laboratory Press.
  2. Alberts B, Johnson A. Lewis J. Raff M. Roberts K. Walter P. 2008. Molecular biology of the cell, ika-5 ed. Garland.
  3. Lodish H. Berk A. Matsudaira P. Kaiser CA. Krieger M. Scott MP. Zipurksy SL. Darnell J. 2004. Molecular cell biology, ika-5 ed. WH Freeman: NY.

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.