Pumunta sa nilalaman

Binignit

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Binignit
Binignit na may saba, gabi, langka, at ube
KursoPanghimagas
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaVisayas, Mindanao
Ihain nangMainit o malamig
Pangunahing SangkapGata ng niyog, saba, gabi, kamote, sago, landang

Ang binignit ay isang panghimagas mula Visayas. Ito ay nakaugaliang gawin sa Visayas nang may mga hiwa ng sabá, gabi, at kamote.[1]

Kinakayod ang niyog at ang gata ay isinasalin. Nagdaragdag ng dalawang tasa ng tubig sa kinayod na niyog at inuulit ang pagpiga upang makakuha ng malabnaw na gata. Dinadagdag ang katas na ito sa hiwa-hiwang kamote, gabiube, hinog na sabá, at langka, at sago. Kung minsan ay naglalagay rin ng hiwa-hiwang laman ng niyog. Hinahalo ito habang hinihintay na kumulo. Bago patayin ang apoy ay binubuhos ang malapot na gata. 

Madalas inihahanda ng binignit tuwing Mahal na Araw,[2] lalo na sa Biyernes Santo kung saan may pag-aayuno. Popular ito bilang meryenda sa hapon. May ilan-ilan din namang mga Pilipino na inihahanda ang binignit nang malamig o nagyeyelo, kahalintulad ng ice cream.

Malapit ito sa ibang lutong ginataang matatagpuan sa ibang dako ng Pilipinas tulad ng bilo-bilo. Tinatawag ang binignit na giná-tan sa Bikolano, tabirák sa wikang Sebwano sa Mindanao, alpahor sa Chavacano, wit-wit sa Hiligaynon, ginettaán sa Ilokano, at ginat-an (o ginat-ang lugaw) sa Waray at Hiligaynon/Ilonggo, kamlo sa kanlurang Iloilo , scramble sa Lungsod ng Tuguegarao, linugaw sa Bacolod, at eangkuga ng mga Akeanon sa Aklan.

Ang Binignit ay itinuturing na isang uri ng lugaw (kaning malagkit) at guinataán (mga pagkain na niluluto sa gata ng niyog).

Isa itong tanyag na meryenda sa hapon at mas masarap itong ihain kapag mainit. Ang iba ay naghahain nito na pinalamig o kaya ay nagyeyelo, tulad ng panghimagas na sorbetes. Sa mga mamamayan na Bisaya, ang sabaw ay madalas ding iluto at kinakain para sa Semana Santa, lalo na tuwing Biyernes Santo kung saan ang mga Katoliko ay umiiwas sa karne.[3][4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Binignit and Biko". Everything Cebu. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-19. Nakuha noong 2010-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Mandaue City's Nelda shares recipe for bestselling binignit". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-06. Nakuha noong 2015-06-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cirtes, Michael Rey M. "Cebu: Holy Week Practices Naka-arkibo 2019-04-19 sa Wayback Machine.". SunStar Cebu. Nakuha noong 19 Abril 2019
  4. Pulgo, Izobelle T. "Binignit: A Good Friday Cebuano soul food". Cebu Daily News. Nakuha noong 19 Abril 2019
  5. Tocino, Kevin. "How did binignit become a staple during the Holy Week? Naka-arkibo 2021-04-19 sa Wayback Machine.". Y101FM. Nakuha noong 19 Abril 2019