Pumunta sa nilalaman

Astronomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Astronomi)

Ang dalubtalaan o astronomiya ay isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng Daigdig at ng himpapawid nito. Pinag-aaralan nito ang pinagmulan, pagbabago, at mga katangiang pisikal at kimikal ng mga bagay na mapagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospero), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.

Ang astronomiya ng buwan (astronomiyang lunar): ang malaking crater ay ang Daedalus, kinunan ng tauhan ng Apollo 11 nang pinalubutan nila ang Buwan noong 1969. Matatagpuan ito na malapit sa gitna ng malayong gilid ng Buwan. Ang diyametro nito ay humigit-kumulang sa 93 km.

Ang astronomiya ay isa sa mga piling agham na kung saan gumanap ng aktibong papel ang mga amateur, lalu na sa pagtuklas at pagmonitor ng di-palagiang kabalaghaan (transient phenomena). Hindi dapat ipagkamali ang astronomiya sa astrolohiya, na nagpapalagay na ang kapalaran ng tao at pamumuhy sa pangkahalatan ay may kaugnayan sa nakikitang na kinalalagyan ng mga bagay sa kalangitan—kahit na ang dalawang larangang na ito ay magkapareho ang pinagmulan; sinusunod ng mga astronomo ang makaagham na pamamaraan, habang hindi ito sinusunod ng mga astrologo.

Etimolohiya ng salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang astronomiya ay nagmula sa Wikang Griyegong αστρονομία = άστρον + νόμος, astronomia = astron + nomos, na mayroong literal na kahulugang "batas ng mga bituin".

Mga inoobserbahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Astronomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.