Ika-10 dantaon
Milenyo: | ika-1 milenyo |
---|---|
Mga siglo: | |
Mga dekada: | dekada 900 dekada 910 dekada 920 dekada 930 dekada 940 dekada 950 dekada 960 dekada 970 dekada 980 dekada 990 |
Ang ika-10 siglo ay ang panahon mula 901 hanggang 1000 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano, at ang huling siglo ng unang milenyo.
Sa panahong ito sa Tsina, naitatag ang dinastiyang Song. Nakaranas ang mundong Muslim ng isang pangkalinangang taluktok, lalo na sa al-Andalus sa ilalim ng Kalipato ng Córdoba at sa [[Imperyong Samanid] sa ilalim ng Ismail Samani. Karagdagan dito, nagkaroon ng ng pangkalinangang pagyabong ng Imperyong Bisantino ang ng Unang Imperyong Bulagaryo.
Sinabi ng medibiyalista at dalubhasa sa kasaysayan ng teknolohiya na si Lynn White na "sa makabagong mata, ito ang halos na pinakamadilim sa Panahong Madilim," ngunit nagkaroon ng konklusyon na ". . . kung naging madilim ito, nasa sinapupunan ang kadiliman."[1] Sa kaparehong opinyon, sinulat ni Helen Waddell na ang ikasampung siglo ay na kung saan "nasa pagtatalo ng aklat-aralin kasama ang ikapito sa masamang karangalan, ang pinakamababang lugar ng talino ng tao."[2] Noong ika-15 dantaon, isinalarawan ni Lorenzo Valla ang ika-11 siglo bilang ang Dantaon ng Tingga at Bakal at sa kalaunan, sinabi ni Kardinal Baronius]] ito bilang ang Tininggang Siglo o Bakal na Siglo.
Mga kaganapan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang simula ng Mainit-init na Panahong Medyebal
- Natamo ng Imperyong Bisantino ang kataasan ng militar at ekonomiyang kalakasan nito
Aprika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- t. 909: Bumangon ang Kalipatong Fatimid sa Kabylie, Kutama na Tribo
- t. 948: Nagsimula ang Kahariang Nri sa lugar na tinatawag ngayong Timog-silangang Nigeria.
- t. 980: Naitatag ang Pamantasang Al-Azhar sa Cairo ng dinastiyang Fatimid.
- Naabot ng kahariang Kristiyano na Nubiyano ang rurok ng kaunlaran at kapangyarihang militar
Mga Amerika
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pagbagsak ng gitnang kapatagan ng kabihasnang Maya. Nagsimula ang posklasikong Maya. Naging isang pang-rehiyon na kabisera ang Chichen Itza sa Tangway ng Yucatán.
- Pag-angat ng mga Toltec sa Mehiko
- Ginintuang panahon ng mga Ninunong Taga-Pueblo (Panahong Pueblo II)
- Nagsimula ang kalinangang Mississippiyano sa Katimugang Estados Unidos
- Noong 987, pinag-isa ni Ah Mekat Tutul Xiu ang Uxmal, Mayapan, at Chichen Itza na tinatatag Ang Liga ng Mayapan.
Eurasya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Inatake ang kahariang Khazar at tinalo ng Kievan Rus (965)
Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nagsimula ang konstruksyon ng templong Budista sa Bagan, Burma
- Noong 907, ipinatapon ni Zhu Quanzhong si Emperador Ai of Tang at itinatag ang bagong Kinamamayaang Dinastiyang Liang.
- Noong 907, pumutok ang bulkang Sumbing, sang-ayon sa inskripsyon sa Rukam.
- Noong 907, nilikha ni Haring Balitung ang iinskripsyong Mantyasih na naglalaman ng tala ng mga haring Medang, at nilipat niya ang kabisera mula Mamrati tungong Poh Pitu, at pinalawak ang templo ng Prambanan.
- Noong 910, pinaalis ni Parantaka I ng Dinastiyang Chola ang Pandyan mla sa katimugang Indya tungo sa Lanka (Sri Lanka ngayon), na sinakop din niya sa kalaunan.
- Noong 914, namuno ang dinastiyang Warmadeway sa Bali.[3] (to 1080)
- Noong 919, nangyari ang unang paggamit ng pulbura sa labanan, ang Labanan ng Langshan Jiang sa Tsina, kung saan tinalo ng armadang pandagat ng Wuyue sa ilalim ni Qian Yuanguan ang armadang Wu. Ginamit ni Qian ang mga sandatang bumubuga ng apoy (flamethrower) na sumiklab sa pamamagitan ng pulbura na minimitsa ang armadang Wu.
- Noong 928, naitatag ang dinastiyang Ziyarid sa Hilagang Iran.
- Noong 928, sa paghahari ni Haring Wawa, nawasak ang kabisera ng Kahariang Medang sa Mataram, marahil sa pamamagitan ng pagsabog ng Bundok Merapi.
- Noong 929, nilipat ni Mpu Sindok ang luklukan ng kapangyarihan ng Kaharian ng Medang mula Mataram sa Gitnang Java tungong Tamwlang sa Silangang Java at itinatag ang Dinastiyang Isyana. marahil ang paglipat ay dulot ng pagputok ng Bundok Merapi at/o pagsalakay ng Srivijaya.[4]
- Noong dekada 930, itinatatag at kinontrol ng Persiyanong Shia na dinastiyang Buyid ang gitna at kanluraning bahagi ng Iran gayon din ang karamihan ng Iraq.
- Noong 936, ipinag-isa ng Dinastiyang Goryeo ang Kinamamayaang Tatlong Kaharian ng Korea.
- Noong 937, inilipat muli ni Mpu Sindok ang kabisera mula Tamwlang tungong Watugaluh, parehong malapit sa pampang ng Ilog Brantas sa makabagong Jombang sa Silangang Java.
- Noong 960, itinatatag ni Zhao Kuangyin ang dinastiyang Song.
- Noong 960, nagpalit ng pananampalataya ang mga Seljuk tungong Islam.
- Noong 975, naitatag ang dinastiyang Ghaznavid, bilang ang unag Turkong Sultanato, sa Gitnang Asya.
- Noong 979, napag-isa ng dinastiyang Song ang Tsina.
- Noong dekada 980, naganap ang dinastikong kasal sa pagitan nina prinsesa Mahendradatta ng Habanes na Isyanas at haring Udayana ng Balines na Warmadewas.
- Ang mga baybaying lungsod sa Tangway ng Malaya ay ang punla para sa unang nakatalang kahariang Malaya,
- Noong 990, nagbunsad ang Haring Dharmawangsa ng kaharian ng Medang ng pandagat na pagsalakay sa Palembang sa isang hindi matagumpay na pagsakop sa Srivijaya. (hanggang 1006)
- Noong 990, Si Airlangga, anak nina Haring Udayana at Reyna Mahendradatta ay ipinanganak sa Bali.
- Noong 996, kinomisyon ni Dharmawangsa ang pagsalin ng Mahabharata sa Lumang Habanes.[5]
- Noong 999, natalo at nasakop ang dinastiyang Samanid ng mga Ghaznavid.
Europa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nanarihan ang mga pangkat ng Viking sa Hilagang Pransya
- 907: Pininsala ng mga Loire Viking ang Bretanya; umalis ang korteng Breton sa Inglatera ni Edward ang matanda.
- Naging mga Norman ang mga Norse
- Winasak ng Unggarong hukbo ang Bavariyanong puwersa sa ilalim ni Liutpold at haring Louis ang Bata sa Labanan ng Pressburg. Nalipol lahat ang puwersang Aleman.
- 911: Ginawad sa Viking na si Rollo ang Kondehan ng Rouen ng Pransya: ang opisyal na pundasyon ng Normandiya.
- Pagkakatatag ng Cluny, unang nakapederasyong monastikong orden
- Pinatatag ni Emperador Simeon ang Dakila ang Unang Imperyong Bulgaro bilang isa sa pinakamalakas na estado sa Europa
- Noong 917 (20 Agosto 917), winasak ng mga Bulgaro ang hukbong Bisantino sa Labanan ng Anchialus, isa sa mga madugong labanan sa Gitnang Panahon
- 927: opisyal na pagkilala ng unang malayang pambansang Simbahan ng Europa, ang Bulgarong Patriyarkado
- 927: Naging pinag-isang estado ang Kaharian ng Inglatera.
- t. 936: Si Gorm ang Matanda ay ang unang nakilalang hari ng Dinmarka, at sa gayon naitatag ang Monarkiyang Danes.
- 936: Sinimulan ni Alan II, na may suporta mula Æthelstan, ang muling pagsakop ng Bretanya.
- 955: Nakita ng Labanan ng Lechfeld (10 Agosto 955) ang tiyak na tagumpay para kay Otto I ang Dakila, Hari ng mga Aleman, mula sa Ungarong harka Bulcsú at ang mga pinuno ng Lél (Lehel) at Súr.
- 968: Ang Labanan ng Silistra sa pagitan ng mga Ruso at Bulgaro
- Paglusob ng kawaleryang Magyar (Ungaro) sa buong Kanlurang Europa (47 ekspedisyon sa Alemanya, Italya at Pransya, 899–970)
- Si Mieszko I, unang duke ng Polonya, ay biniyagan bilang isang Kristiyano noong 966
- Pagbagsak ng Dakilang Moravia
- 985-986: Nagsimula ang mga Norse na si Erik ang Pula ng kolonisasyon ng Greenland.
- Naging pinag-isang kaharian ang medyebal na estadong Croatia sa ilalim ni Haring Tomislav
- Lumawak ang impluwensyang Suweko hanggang Dagat Itim
- Bininyagan si Volodymyr I, Prinsipe ng Kievan Rus', bilang isang Kristiyano noong 988
- Nalipol na ang mga karibu at oso sa Britanya
- Nalipol na ang mga leon sa Europa at sa petsang ito, namatay ang huling espesye sa Caucasus.
- Ikalawang bahagi ng ika-10 siglo – Nagawa mula sa Paris Psalter ang pahina kasama si David ang Salmista. Nasa pangangalaga na ito ng Bibliothéque Nationale, Paris.
- Huling ika-10 o maagang ika-11 siglo – nagawa ang ikonong Arkanghell Michail. Nasa pangangalaga na ito ng Tesorerya ng Katedral ng San Marcos, Benisiya
- Mga 1000: Ang pagkakatatag ng Silangang Panirahan at Kanlurang Panirahan sa Greenland.
Oseanya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pagbuo ng Imperyong Tu'i Tonga at ng dinastiyang Tuʻi Tonga sa Tonga
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Quoted in The Tenth Century: How Dark the Dark Ages?, pinatnugot ni Robert Sabatino Lopez. Holt, Rinehart at Winston: 1959 (sa Ingles).
- ↑ The Wandering Scholars. Constable and Co: London, 1927. (sa Ingles)
- ↑ Soekmono, R, Drs., Pengantar Sejarah Kebudayaan Indonesia 2, 2nd ed. Penerbit Kanisius, Yogyakarta, 1973, 5th reprint edition in 1988 p.52
- ↑ Spuler, Bertold; F.R.C Bagley. The Muslim world : a historical survey, Part 4. Brill Archive. p. 252. ISBN 978-90-04-06196-5.
- ↑ Soekmono, R, Drs., Pengantar Sejarah Kebudayaan Indonesia 2, 2nd ed. Penerbit Kanisius, Yogyakarta, 1973, 5th reprint edition in 1988 p.51