The Tallow Candle
"The Tallow Candle" | |
---|---|
May-akda | Hans Christian Andersen |
Orihinal na pamagat | "Tællelyset" |
Bansa | Dinamarka |
Wika | Danes |
(Mga) anyo (Genre[s]) | Kuwentong bibit |
Nasundan ng | "The Traveling Companion[1]" |
Ang "The Tallow Candle" (Danes: Tællelyset) ay isang kuwentong-bibit na pampanitikan ng Danes na manunulat na si Hans Christian Andersen (1805–1875). Ang maikling kuwento ay isinulat noong dekada ng 1820, na nakagawa rito na maging isa sa kaniyang pinakamaagang mga akda at ang una niyang pag-eeksperimento sa henerong kuwentong-bibit, subalit ang pag-iral nito ay tila hindi nalaman ng mga paham o ng publiko sa loob ng halos dalawang mga daantaon. Ang isang kopya ng manuskritong ito na mayroong 700 mga salita ay natuklasan sa loob ng isang kahon pangtalaksan sa loob ng Pambansang Arkibo ng Funen noong Oktubre 2012.[2]
Balangkas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kuwentong-bibit ay hinggil sa isang kandila ng taba (tallow candle) na ang mga magulang ay isang tupa at isang palayok na tunawan (palayok na lusawan). Ang kandila ng taba ay lalong naging nawawalan ng pag-asa (nasisiraan ng loob) dahil hindi niya matagpuan ang layunin sa buhay. Subalit nakatagpo ng kandila ng taba ang isang tinder box o isang kahoy yari sa pinatuyong kahoy na nagsindi ng apoy sa ibabaw ng kandila ng taba, at sa wakas ay natagpuan nito ang kaniyang tamang lugar sa buhay at nakapagpalaganap ng kasiyahan at kaligayahan para sa kaniyang sarili at sa kasama niyang mga nilikha.
Pagkakatuklas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang salaysay ay natuklasan noong huli ng 2012 sa loob ng isang maleta (maletin) na mayroong mga kasulatan ng mag-anak na Plum na nasa isang lokal na sangay ng Pambansang Arkibong Danes sa Funen, Dinamarka. Ang unang pagkakataon ng pagkatuklas sa dokumento ay ang pagkakatagpo nito ng isang magkaperahang lalaki at babae na nagsasagawa ng pambaguhang pananaliksik hinggil sa kanilang kasaysayang pangmag-anak, subalit dahil sa tila wala itong kaugnayan sa henealohiya, binalewala nila ito. Sa pagdaka, napuna ng arkibista at lokal na manunulat ng kasaysayang si Esben Brage ang lagdang nasa kasulatan at nawari niyang maaari na ito ay isang orihinal na dokumentong isinulat ni H. C. Andersen.[3][4]
Mga komentaryo at mga kritisismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkakasundo ang paham na ang kalidad ng akda ay hindi katulad ng sa mas nahuhuli niyang mga pagsasalaysay, at marami itong mga pagkakahalintulad sa ibang nakikilalang mga sulatin magmula sa kaniyang kapanahunan sa mga paaralang Latinate sa Slagelse at Elsinore. Ang kuwento ay inilaan para sa isang babaeng may pangalang Madame Bunkeflod, na balo ng isang bikaryo at isa sa mga benepaktor ng bata pang si Andersen.[5] Pinangatwiranan ng isang paham na ang kuwento ay labis na didaktiko at moralistiko, at kulang din ng pagiging nakakatawa na makikita sa mga mas nahuling mga akda ni Andersen, maaaring upang mapahanga ang kaniyang tagapagtangkilik na babae na nagbagay para sa kaniyang edukasyon.[6] Sa palagay ng may-akda at espesyalista sa mga gawa ni Andersen na si Johannes Møllehave na ang salaysay ay maaaring isulat ng sinumang matalinong tao na nasa edad na 15 taon at ang kuwento ay hindi nagpapamalas ng naging pagkadalubhasa ni Andersen.[7]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Unknown Hans Christian Andersen Fairytale 'The Tallow Candle' Discovered In Denmark". The Huffington Post. Nakuha noong 14 December 2012.
- ↑ "Tallow Candle: Hans Christian Andersen's 'first work'". BBC. 13 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Disyembre 2012.
- ↑ "Ægtepar fandt nyt Andersen-eventyr først: »Vi anede ikke, hvad det var«". Politiken. 14 December 2012. Nakuha noong 14 December 2012.
- ↑ "Manden, der fandt H. C. Andersens første eventyr: »Jeg vidste godt, at jeg havde noget specielt i hænderne«". Politiken. 13 Disyembre 2012. Nakuha noong 14 Disyembre 2012.
- ↑ "Local historian finds Hans Christian Andersen's first fairy tale". Politiken. 12 Disyembre 2012. Nakuha noong 14 Disyembre 2012.
- ↑ "H.C. Andersen-forfatter om 'Tællelyset': »Den er pædagogisk, så det er til at brække sig over«". Politiken. 13 Disyembre 2012. Nakuha noong 14 Disyembre 2012.
- ↑ "Møllehave: 'Tællelyset' kunne være skrevet af ethvert begavet barn på 15". Politiken. 14 Disyembre 2012. Nakuha noong 14 Disyembre 2012.