Pumunta sa nilalaman

Diyosesis ng Lucena

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 02:14, 28 Pebrero 2024 ni Nickrds09 (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Diyosesis ng Lucena
Dioecesis Lucenensis
Katedral ni San Fernando sa Lucena
Kinaroroonan
Bansa Pilipinas
NasasakupanGitnang Quezon (Agdangan, Atimonan, Candelaria, Dolores, Lucban, Lucena, Mauban, Padre Burgos, Pagbilao, Plaridel, San Antonio, Sampaloc, Sariaya, Tayabas, Tiaong at Unisan)[1]
Lalawigang EklesyastikoLipa
KalakhanLucena
Estadistika
Populasyon
- Kabuuan
- Katoliko
(noong 2004)
948,093
834,322 (88.0%)
Parokya32
Kabatiran
DenominasyonKatoliko Romano
RituRitong Romano
Itinatag na
- Diyosesis

28 Marso 1950
KatedralKatedral ni San Fernando
Kasalukuyang Pamunuan
PapaBenedicto XVI
ObispoMel Rey Minoga Uy
Kalakhang ArsobispoGilbert Armea Garcera
Obispong EmeritoEmilio Zurbano Marquez

Ang Katoliko Romano Diyosesis ng Lucena (Lat: Dioecesis Lucenensis) ay isang diyosesis ng Ritong Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.

Samantalang sinasabi sa ibang aklat na ang mga Espanyol ang nakatuklas sa lugar na ngayon ay Lalawigan ng Quezon noong 1571 at tinawag itong Kalilaya na di kalauna'y naging Tayabas, isang isang sulat kamay sa arkibo ng Pastrana, Espanya ang nagsasaad na ang mga Kristiyanong pananampalataya ay nadala sa lalawigan ng Quezon sa Pilipinas noong 1858 ng dalawang Pransiskanong Prayle: sina Fray Juan de Plasencia at Fray Diego de Oropesa. Marami sa Quezon ang naniniwala na ang dalawang prayleng ito ang totoong tagapagtatag ng bayan ng Lucban at Tayabas na ngayo'y Lucena sa Quezon.

Sa mga sumunod na taon marami pang ibang Pransiskanong misyonero ang dumating at nagpahayag ng mabuting balita sa mga bayan ng Mauban, Sariaya, Gumaca, at iba pa. Mula sa lahat ng palatandaan lumilitaw na ang mga Pransiskano ang bumuo at nagsaayos ng mga lokalidad na bumubuo sa lalawigan ng Quezon, nag-iwan sila ng mga tatak sa kultura at relihiyon nito.

Sa kasaysayan kilala ang lalawigan bilang lugar kung saan nagkuta si Heneral Miguel Malvar na isang rebeldeng Pilipino noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ang huling Pilipinong heneral na sumuko sa mga Amerikano. Ang isang pamahalaang sibil ay naitatag ng mga Amerikano noong 1901.

Ang lalawigan ng Quezon, kasama ang lalawigan ng Aurora sa hilaga ay mayroong baybayin sa kahabaan ng silangang bahagi ng Luzon, mula sa Isabela sa hilaga hanggang sa kanlurang dulo ng Bicol Peninsula sa timog. Setyembre ng taong 1946 ang lumang pangalan ng lalawigan na Tayabas ay pinalitan ng Quezon, bilang pagpaparangal sa unang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas, si Pangulong Manuel L. Quezon kung saan ang Lucena ang nagsisilbing kabisera nito. 98 bahagdan ng mga tao sa lalawigan ay nagsasalita ng Tagalog.

Ang Tayabas ay dating napapasailalim ng pamamahala ng Diyosesis ng Nueva Caceres. Subalit dahil sa layo nito at mabilis na paglaki ng populasyon, ang Tayabas ay inilipat sa pamamahala ng Diyosesis ng Lipa noong 1910.

Ang dating Obispo noon ng Lipa na si Monsenyor Alfredo Versoza ang nagpasimula ng pagdating ng bagong simula para sa mga taga lalawigan sa pagpapagawa niya ng isang seminaryo sa bayan ng Tayabas, ngayo'y Lucena, noong 1942 at inilagay ito sa pangangalaga ng Ina ng Santo Rosaryo. Malakas ang maniniwala at nakikita ng Obispo na ang seminaryong iyon ang magiging daan sa pagkakatatag ng isang diyosesis, na nagkatotoo nga noong 28 Marso 1950.

Noong araw na iyon ang Papal bull ay binasa as harap ng maraming tao sa loob ng Katedral ng Lucena. Dahil sa anunsiyong ito ang nasasakupan ng Quezon, maliban sa Infanta at karatig-bayan at Marinduque ang bumuo sa diyosesis ng Lucena. Ang nagmimilagrong imahen ng Ina ng Kapayapaan at Mabuting paglalakbay-dagat ng Las Piñas ay nailuklok sa kumbento ng katedral ng Lucena.

Kasama sa mga sumaksi sa napakahalagang araw na iyon ay sina dating obispo Rufino J. Santos, na idineklarang bagong Tagapamahalang apostoliko ng bagong diyosesis, at ang lubhang kagalang-galang Alfredo M. Obviar, katulong na obispo ng Lipa. may apatnapung pari ang dumalo sa pagdiriwang na yaon.

Sa ngayon ang diyosesis ng Lucena ay binubuo ng mga bayang nasa gitnang bahagi ng lalawigan ng Quezon at si San Fernando ang Hari ang kanilang patron. Ito ay suffragan ng Arkidiyosesis ng Lipa. 81 na pari ang namamahala sa nasasakupan nitong 31 na parokya. Mayroon itong dalawang seminaryo, tatlong sentrong pangpastoral, labinsiyam na Katolikong paaralan, isang pagamutang pangdiyosesis, isang palimbagan, isang estasyon ng radyo, at isang pahayagang pandiyosesis.

Dalawang diyosesis ang nahiwalay mula sa Lucena, ang Diyosesis ng Boac noong 1977 at ang Diyosesis ng Gumaca noong 1984.

  • Maria Obviar y Aranda † (4 Nobyembre 1950 Naitalaga - 25 Setyembre 1976 Nagretiro)
  • José Tomás Sánchez (25 Setyembre 1976 Nagpatuloy - 12 Enero 1982 Naitalaga, Arsobispo ng Nueva Segovia)
  • Ruben T. Profugo (15 Mayo 1982 Naitalaga - 13 Setyembre 2003 nagbitiw)
  • Emilio Z. Marquez (13 Setyembre 2003 Nagpatuloy - 29 Jul 2017 Nagretiro)
  • Mel Rey M. Uy (29 Hulyo 2017 Naitalaga - kasalukuyan)

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]