Pumunta sa nilalaman

Jose ng Nazareth

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 00:47, 12 Agosto 2022 ni Xsqwiypb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
San Jose
Si San Jose at ang Batang Hesus, Guido Reni (c. 1635)
IpinanganakBethlehem,[1] c.90 BC (ayon sa di-kanonikal na pagsusuri) [1]
NamatayNazareth, Hulyo 20, 18 AD[1] (tradisyunal)
KapistahanMarso 19 - San Jose, Asawa ni Maria (Kanluraning Kristiyano),

Mayo 1 - San Jose ang Manggagawa (Simbahang Katoliko Romano),

Linggo pagkatapos ng Pasko ng Pagsilang (Silangang Kristiyano)
Katangianmga kagamitan ng Karpintero, ang batang si Hesus, staff with lily blossoms.
PatronSimbahang Katolika, unborn children, mga ama, immigrante, mga manggagawa, against doubt and hesitation, at sa magandang kamatayan, Vietnam, Pilipinas. Many others; see [1].

Si Jose na mula sa angkan ni David(ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 1:27; 2:4; 3:23 at Ebanghelyo ni Mateo 1:16) (Hebreo: יוֹסֵף, kilala rin bilang San Jose, Jose ang Nangakong Magpakasal (Joseph the Betrothed), Jose ng Nazaret, Jose ang Manggagawa at iba pang mga pamagat) ay nakilala mula sa Bagong Tipan ng Bibliya bilang ang asawang lalaki ni Mariang Ina ni Hesus[2] at bagaman ayon sa tradisyong Kristiyano na hindi siya ang biyolohikal o tunay na ama ni Hesus, siya ang gumanap na pangalawang ama o ama-amahan nito.[3][4][5] at ulo ng Banal na Mag-anak. Itinuturing siyang isang santo ng mga simbahang Romano Katoliko, Silanganing Ortodoksiya, at Anglikano. Siya ang pintakasing santo para sa Katarungang Panlipunan. Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ika-1 ng Mayo.

Kuwento ayon sa Lucas at Mateo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapa ng Nazareth sa Galilea at Bethlehem sa Judea.

Ang kwento ng kapanganakan ni Hesus ay matatagpuan lamang sa dalawang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Mateo. Gayunpaman, ang parehong Lucas at Mateo ay may salungatan tungkol sa kapanganakan ni Hesus. Sa Mateo, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Bethlehem at si Maria ay nanganak kay Hesus sa kanilang bahay sa Bethlehem kung saan sila ay dinalaw ng mga mago(Mateo 2:1-7) at pagkatapos ay kinailangang nilang tumakas sa Ehipto dahil sa banta ni Dakilang Herodes ni patayin ang sanggol na si Hesus(Mateo 2:13). Pagkatapos mamatay ni Dakilang Herodes noong ca. 4 BCE, ang ama ni Hesus na si Jose ng Nazareth ay naglayong bumalik sa kanilang tirahan sa Bethlehem sa Judea ngunit binalaan sa isang panaginip na huwag ditong pumunta at sa halip ay tumungo sa Galilea sa Nazareth dahil si Herodes Arquelao ay namumuno sa Judea at ito ay upang matupad ang isang hula na si Hesus ay tatawaging isang Nazareno (Mateo 2:21-23). Salungat sa Mateo, sa Lucas 2:4-6, sina Jose at Maria ay orihinal na mula sa Nazareth sa Galilea at tumungo sa Bethlehem dahil sa Censo ni Quirinio(ca. 6 CE) dahil siya ay mula sa angkan ni David (Lucas 1:27; 2:4) at sa Bethlehem ay ipinanganak si Hesus sa isang sabsaban dahil wala silang mahanap na kuwarto na mapapanganakan ni Hesus. Pagkatapos dalhin nina Jose at Maria ang sanggol na Hesus sa Ikalawang Templo sa Herusalem para sa ritwal ng puripikasyon, sila ay bumalik sa kanilang tirahan sa Nazareth sa Galilea(Lucas 2:39). Ayon sa Ebanghelyo ni Juan 7:41-42, naniwala ang mga Hudyo na si Hesus ay hindi nagmula sa Bethlehem kundi sa Galilea at "walang propeta na manggagaling sa Galilea"(Juan 7:52)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Catholic encyclopedia on Saint Joseph
  2. Matthew 1:16
  3. Souvay, Charles. (1910) "St. Joseph" Catholic Encyclopedia Tomo VIII. Bagong York: Robert Appleton Company. Nakuha noong Enero 22, 2008.
  4. Maier, Paul. In the Fullness of Time: a Historian Looks at Christmas, Easter and the Early Church. Kregel Publications, 1998. p. 77
  5. Lockyer, Herbert. All the Divine Names and Titles in the Bible. Zondervan, 1988. p. 68, 254-255

Santo Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.