Pumunta sa nilalaman

Pisikang pampartikula

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pisika ng partikulo)
Ang Pamantayang Modelo ng Pisika.

Ang pisikang/liknayang pampartikula (Ingles: particle physics) ay isang sangay ng pisika na nag-aaral sa pag-iral at mga interaksiyon ng mga partikula na bumubuo sa karaniwang tinutukoy bilang materya o radiyasyon. Sa kasalukuyang pagkakaunawa, ang mga partikulo ay mga eksitasyon o kaguluhan (kapukawan) ng hanay ng kwantum at interaksiyon kasunod ng kanilang dinamika. Karamihan sa pagtuon ng pansin sa pook na ito ay nasa loob ng kahanayang saligan o larangang saligan (mga fundamental fields), na ang bawat isa hindi mailalarawan bilang isang katayuang nakatali (nakatakda o may hangganan) ng iba pang mga kahanayan o larangan. Ang mga larangang saligan na kasalukuyang nakataya at ang kanilang mga dinamika ay nakabuod sa isang teoriyang tinatawag bilang Huwarang Pamantayan o Standard Model, kaya't kung gayon ang pisika ng partikulo, sa malawakan, ay ang pag-aaral ng nilalaman ng partikulo ng Pamantayang Huwaran (Pamantayang Modelo) at mga maaaring maging mga karugtong nito.

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.