Pumunta sa nilalaman

Monarkiya ng Reyno Unido

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Monarkiya ng United Kingdom)
Reyna ng ang United Kingdom
Nanunungkulan
Charles III
since 8 Setyembre 2022
Detalye
EstiloKanyang Kamahalan
Malinaw tagapagmanaPrinsipe William, Duke ng Cambrige
Websitehttp://www.royal.gov.uk/
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng:
Politika at pamahalaan ng
United Kingdom

Ang monarkiya ng United Kingdom (o Reyno Unido), karaniwang tinutukoy bilang monarkiyang Britaniko, ay ang pangkonstitusyong anyo ng pamahalaan na kung saan naghahari (o nagrereyna) ang isang minanang soberano bilang ang puno ng estado ng Reyno Unido, ang mga Dependensiyang Korona (ang Saklaw ng Guernsey, ang saklaw ng Jersey at ang Pulo ng Man) at ang mga Britanikong Teritoryo sa Ibayong-dagat. SI Haring Charles III ang kasalukuyang monarko, na naluklok sa trono noong Setyembre 8, 2022, nang namatay ang kanyang inang si Reyna Elizabeth II.

Nagsasagawa ang monarko at ang kalapit na mag-anak ng iba't ibang tungkuling opisyal, pangsermonya, diplomatiko at pangkinatawan. Dahil pangkonstitusyon ang monarkiya, limitado ang monarko sa mga gawain tulad ng pagkakaloob ng karangalan at paghirang ng punong minstro, na sinasagawa sa di-makapartidong paraan. Pinapahintulutan din ang monarko na mag-lobi (o sikapin impluwensiyahan ang lehislatura), na pangkalahatang ginagawa na palihim, upang palitan ang mga hinain na mga batas.[1] Pinuno din ang monarko ng Hukbong Sandatahang Britaniko. Bagaman ang panghuling ehekutibong awtoridad sa pamahalaan ay pormal pa rin sa pamamagitan ng kaukulang makaharing (o makareynang) karapatan, maari lamang gamitin ang mga kapangyarihan ito sang-ayon sa mga batas na pinagtibay sa Parlamento at, sa pagsasanay, sa loob ng mga limitasyon ng kumbensyon at naunang nangyari. Kilala din ang Pamahalaan ng Reyno Unido bilang ang Pamahalaan ng Kanyang Kamahalan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pegg, David; Evans, Rob (7 Peb 2021). "Revealed: Queen lobbied for change in law to hide her private wealth" (sa wikang Ingles). The Guardian. Nakuha noong 11 Setyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)