Richard Nixon
Richard Nixon | |
---|---|
Ika-37 Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Enero 20, 1969 – Agosto 9, 1974 | |
Pangalawang Pangulo |
|
Nakaraang sinundan | Lyndon B. Johnson |
Sinundan ni | Gerald Ford |
Ika-36 na Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos | |
Nasa puwesto Enero 20, 1953 – Enero 20, 1961 | |
Pangulo | Dwight D. Eisenhower |
Nakaraang sinundan | Alben W. Barkley |
Sinundan ni | Lyndon B. Johnson |
Senador ng Estados Unidos mula California | |
Nasa puwesto Disyembre 1, 1950 – Enero 1, 1953 | |
Nakaraang sinundan | Sheridan Downey |
Sinundan ni | Thomas Kuchel |
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa California na ika-12 (na) distrito | |
Nasa puwesto Enero 3, 1947 – Nobyembre 30, 1950 | |
Nakaraang sinundan | Jerry Voorhis |
Sinundan ni | Patrick J. Hillings |
Personal na detalye | |
Isinilang | Richard Milhous Nixon 9 Enero 1913 Yorba Linda, California, Estados Unidos |
Yumao | 22 Abril 1994 Lungsod ng Nueva York, Estados Unidos | (edad 81)
Himlayan | Pamapanguluhang Aklatan at Museo ni Richard Nixon |
Partidong pampolitika | Republikano |
Asawa | Pat Ryan (k. 1940–93) |
Anak |
|
Magulang |
|
Edukasyon |
|
Trabaho |
|
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Katapatan | Estados Unidos |
Sangay/Serbisyo | Hukbong-dagat ng Estados Unidos |
Taon sa lingkod |
|
Ranggo | Kumander |
Labanan/Digmaan | |
Mga parangal |
|
Si Richard Milhous Nixon (Enero 9, 1913 – Abril 22, 1994) ay ang ika-37 pangulo ng Estados Unidos, na nagsilbi mula 1969 hanggang 1974. Isang abogado at kasapi ng Partido Republikano, dati siyang nagsilbi bilang isang kinatawan at senador mula sa California at naging ika-36 na pangalawang pangulo mula 1953 hanggang 1961 sa ilalim ni Pangulong Dwight D. Eisenhower. Nakita sa kanyang limang taon sa White House ng pagbawas ng pagkakasangkot ng Estados Unidos sa Digmaang Biyetnam, détente (o relaksasyon ng pilitang relasyon) sa Unyong Sobyet at Tsina, ang paglapag ng Apollo 11 sa Buwan, at ang pagkakatatag ng Environmental Protection Agency (Ahensiya ng Proteksyong Pampaligiran) at Occupational Safety and Health Administration (Adminstrasyon ng Kaligtasan at Kalusugan sa Pagtratrabaho). Maagang natapos ang ikalawang termnio ni Nixon nang siya ang tanging pangulo ng Estados Unidos na nagbitiw mula sa kanyang opisina, bilang resulta ng Iskandalong Watergate.
Maagang buhay at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Richard Milhous Nixon noong Enero 9, 1913, sa noo'y presintong nayon ng Yorba Linda, California,[2] sa bahay na itinayo ng kanyang ama, na matatagpuan sa rantsong limon ng kanyang pamilya.[1][3][4] Ang kanyang mga magulang ay sina Hannah (Milhous) Nixon at Francis A. Nixon. Isang Quaker ang kanyang ina, at nagpalit ang kanyang ama mula pagiging Metodista tungong pananampalatayang Quaker. Sa pamamagitan ng kanyang ina, inapo si Nixon ng maagang nanirahang Ingles na si Thomas Cornell, na ninuno din ni Ezra Cornell, ang tagapagtatag ng Pamantasang Cornell, gayon din nina Jimmy Carter at Bill Gates.[5]
Ang pagpapalaki kay Nixon ay naimpluwensiyahan ng mga pagtalimang Quaker noong panahong iyon tulad ng pangilin mula sa alkohol, pagsasayaw, at pagmumura. Mayroon siyang apat na kapatid na lalaki: sina Harold (1909–1933), Donald (1914–1987), Arthur (1918–1925), at Edward (1930–2019).[6] Ipinangalan ang apat sa limang lalaking Nixon sa mga hari na naghari sa medyebal o makasaysayang Gran Britanya; si Richard, halimbawa, ay ipinangalan kay Richard I ng Inglatera.[7]
Iskandalong Watergate
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang iskandalong Watergate ay iskandalong pampolitika noong termino ng Pagkapangulo ni Richard Nixon na nagresulta ng pagsasakdal at ng katiwalian ng ilang malalapit na tagapagpayo ni Nixon, at ang kanyang pagbitiw sa puwesto noong 9 Agosto 1974.
Nag-umpisa ang iskandalo nang mahuli ang limang lalaki dahil sa paglabag at pagpasok sa punong himpilan ng Democratic National Committee (Komite ng Pambansang Demokratiko) sa Kompleks ng Watergate sa Washington, D.C., noong Hunyo 17, 1972.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Richard Nixon Presidential Library and Museum" (PDF) (sa wikang Ingles). Setyembre 21, 2015. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Setyembre 21, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Richard Nixon in the U.S. Census Records". National Archives (sa wikang Ingles). Agosto 15, 2016. Nakuha noong Agosto 31, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ NPS, Nixon Birthplace.
- ↑ Ferris, p. 209.
- ↑ Reitwiesner, William Addams. "The Ancestors of Senator John Forbes Kerry (b. 1943)" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 27, 2019. Nakuha noong Agosto 31, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nixon Library, Childhood.
- ↑ Aitken, p. 11.
- Articles with BNC identifiers
- Articles with BNMM identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with TePapa identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with USCongress identifiers
- Ipinanganak noong 1913
- Namatay noong 1994
- Mga pangulo ng Estados Unidos
- Mga pangalawang pangulo ng Estados Unidos