Pumunta sa nilalaman

Sistemang Solar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pangunahing mga nilalaman ng sistemang solar

Ang Sistemang Solar o sangkaarawaan ay isang sistemang planetaryo na binubuo ng Araw at ng iba pang mga bagay sa kalawakan na apektado ng pwersa ng grabitasyon nito.[1] Ito ay nabuo 4.6 bilyong taon na ang nakalilipas mula sa pagkagiba ng pwersa ng grabitasyon ng isang higanteng interstellar molecular cloud. Ang Araw ay ang ordinaryong main sequence star na nagpapanatili ng balanseng ekwilibriyo sa pamamagitan ng pagsasanib ng idrohino sa elyo sa core nito, na siyang naglalabas ng enerhiyang ito mula sa panlabas na photosphere nito.

Binubuo ng walong planeta ang sistemang planetaryo na umiikot sa araw. Apat sa mga ito ay mga planetang terestrial na pangunahing binubuo ng bato at metal—Merkuryo, Benus, ang Daigdig, at Marte, at apat sa mga ito ay mga higanteng planeta na mas malaki kumpara sa apat na planetang terestrial. Ang dalawa sa pinakamalaki, ang Hupiter at Saturno, ay mga gas giant na pangunahing binubuo ng idrohino at elyo, habang ang Urano, at Neptuno ay mga ice giant na pangunahing binubuo ng mga sangkap na may matataas na mga punto ng pagkatunaw tulad ng tubig, metano, at amonya. Mahigit sa 99.86% ng masa ng Sistemang Solar ay mula sa Araw, at halos 90% ng natitirang masa ay mula sa Hupiter at Saturno.

Mayroong isang malakas na kasunduan sa mga astronomo na ang may hindi bababa sa walong planetang unano ang Sistemang Solar—Ceres, Pluto, Haumea, Quaoar, Makemake, Gonggong, Eris, at Sedna. Mayroong malaking bilang ng maliliit na bagay sa Sistemang Solar tulad ng mga asteroyd, meteoroyd, kometa, bulkanoyd (mga batong lumiligid sa araw sa loob ng ligiran ng Merkuryo), sentauro, at mga ulap ng alikabok sa pagitan ng mga planeta. Ilan sa mga ito ay matatagpuan sa Sinturon ng asteroyd (pagitan ng ligiran ng Marte at Hupiter) at Sinturon ng Kuiper (labas ng ligiran ng Neptuno). Anim na planeta, anim na planetang unano, at iba pang mga bagay ang may mga natural na satelayt na umiikot sa kanilang ligiran, na karaniwang tinatawag na mga 'buwan'.

Pagbubuo at ebolusyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Diagram ng protoplanetary disk ng maagang Sistemang Solar, kung saan nabuo ang Daigdig at iba pang mga bagay sa Sistemang Solar

Nabuo ang Sistemang Solar 4.568 bilyong taon na ang nakalipas mula sa pagkagiba ng pwersa ng grabitasyon ng isang rehiyon sa loob ng isang malaking molekular na ulap. Ang paunang ulap na ito ay maaaring ilang light-years ang haba at maaring nagsilang ng ilang bituin.[2] Gaya ng karaniwang mga molekular na ulap, halos binubuo ang isang ito ng idrohino, na may ilang elyo, at maliit na dami ng mga mas mabibigat na elemento na pinagsama ng mga naunang henerasyon ng mga bituin.[3]

Habang bumagsak ang pre-solar nebula, naging sanhi ang konserbasyon ng angular momentum upang umikot ito nang mas mabilis.[3] Naging mas mainit kaysa sa nakapalibot na disko ang sentro nito, kung saan nakolekta ang karamihan sa masa. Habang bumibilis ang pag-ikot ng contracting nebula, nagsimula itong pumatag bilang isang protoplanetary disc na may bantod na humigit-kumulang 200 AU (30 bilyon km; 19 bilyon mi), at isang mainit, at masinsin na protostar sa gitna.[4][5] Ang mga planeta ay nabuo sa pamamagitan ng pag-iipon mula sa diskong ito,[6] kung saan ang alikabok at gas ay dumidikit sa isa't-isa sa pamamagitan ng grabidad at nagbubuklod-buklod upang bumuo ng mas malalaking mga katawan. Daan-daang mga protoplanet ang maaaring umiral sa unang bahagi ng Sistemang Solar, ngunit sila ay maaaring nagsanib o nawasak, kaya naiwan ang mga planeta, planetang unano, at iba pang mga natitirang maliliit na katawan.[7][8]

Dahil sa kanilang mas mataas na mga punto ng pagkulo, tanging ang mga metal at mga silicate lamang ang maaaring umiral sa solidong anyo sa mainit na panloob na Sistemang Solar na malapit sa Araw (sa loob ng frost line). Sa kalaunan ay bubuoin nila ang mga mababatong planetang Merkuryo, Benus, ang Daigdig, at Marte. Dahil ang mga matitigas na materyales na ito ay binubuo lamang ng isang maliit na bahagi ng solar nebula, hindi lumaki nang napakalaki ang mga planetang terestrial.[7]

Nabuo ang mga higanteng planeta (Hupiter, Saturno, Urano, at Neptuno) sa labas ng frost line, ang punto sa pagitan ng mga ligiran ng Marte at Hupiter kung saan ang materyal ay sapat na malamig upang manatiling solido ang mga salawahang icy compound. Ang mga yelo na bumubuo sa mga planetang ito ay mas marami kaysa sa mga metal at mga silicate na bumubuo sa mga planetang terestrial, na nagpapahintulot sa kanila na lumaki nang sapat upang makuha ang malalaking himpapawid ng idrohino at elyo, ang mga pinakamagaan at pinakamaraming elemento.[7] Nagbuklod-buklod ang mga natirang debris na hindi kailanman magiging mga planeta sa mga rehiyon tulad ng sinturon ng asteroyd, sinturon ng Kuiper, at ulap na Oort.[7]

Ang mga planeta sa sistemang solar

Bagamat madalas ding gamitin ang salitang "sistemang solar" upang tumukoy sa iba pang mga sistemang planetaryong natuklasan sa mga bituin, ang tamang gamit nito ay sa sistemang kinabibilangan ng Daigdig. Hango ang salitang "solar" mula sa Sol na siyang pangalan ng Araw sa wikang Latin, kaya't marapat na gamitin lamang ang katawagang ito sa sistemang nabuo sa grabitasyon ng Araw. Kapag pinag-uusapan ang iba pang sistemang planetaryo, mas mabuting gamitin ang pangalan ng pangunahing bituin bilang kapalit ng pangalan ng Araw. Halimbawa, ang "sistemang Pollux" o "sistemang 51 Pegasi" upang tumukoy sa mga bituin nito kasama ang mga planetang lumiligid dito. Sa ngayon, umaabot na sa 200 ang bilang ng mga planetang natatagpuan sa ibang bituin.

Ang hugis at sukat ng tala at mga planeta sa sistemang solar

Pinagtatalunan ngayon ng mga astronomo ang klasipikasyon ng Xena na tinaguriang ikasampung planetang nakadiskubre nii Michael Brown ng Caltech, at iba pang mga TNO na tulad ng Sedna at Quaoar, kasama ang posibleng pagbabago ng klasipikasyon ng Pluto. Dahil dito, tinalakay sa panlahatang pagpupulong ng International Astronomical Union (IAU) na ginanap sa Prague, Republikang Tseko noong Agosto 2006, na dinaluhan ni Dr. Cynthia Celebre ng Astronomy Research and Development Section (AsRDS) ng PAG-ASA bilang opisyal na kinatawan ng Pilipinas. Naing nakadepende sa resulta ng pagpupulong ng mga siyentipiko ang maaaring pagiging planeta ng Xena, Sedna, at Quaoar, at maaari ring mawala ang katayuan ng Pluto bilang isang planeta.

Ang Araw (Sun)

Ang araw ay ang nag-iisang bituin sa kalagitnaan ng sistemang solar na ay nililibotan ng walong planeta, kasama na ang "Daigdig" (Earth), Ang enerhiyang nagmumula sa anyong ilaw at init na nagmumula rito.

Buwan (Earth)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang buwan ng Mundo (planetang Earth).

Ang mga planeta ng Sistemang Solar at malamang ay mga unanong planeta ay inikutan ng hindi bababa sa 219 natural na satellite o buwan.

Ilang mga buwan, maliliit na planeta at mga kometa sa Sistemang Solar.
Ilang buwan sa Sistemang Solar.
Bilang ng mga buwan sa planetang solar na natutuklasan kada taon hangang 2019

Ang Mercury na pinakamaliit at pinakaloob na planeta sa Sistemang Solar ay walang buwan.[9] Ang Venus ay walang buwan.[10] Ang Mundo(Earth) ay may isang buwan. Ang Mars ay may dalawang buwan: ang Phobos at Deimos.[11] Ang Jupiter ay may 80 buwan. Ang Saturn ay may 83 buwan na walang alam na orbito. Kabilang dito ang Titan na ikalawang pinakamalaking buwan sa Sistemang Solar. Ang Uranus ay may 27 buwan. Ang Neptune ay may 14 buwan na ang pinakamalaki ang Triton. Ang Pluto na isang unanong planeta ay may 5 buwan. Ang pinakamalaki rito ang Charon. Sa mga unanong planeta, ang Ceres ay walang buwan.


Bilang ng mga buwan
Planeta Mercury Venus Earth Mars Jupiter Saturn Uranus Neptune
Bilang ng mga buwan 0 0 1 2 80 83 27 14
(Posibleng unano) Ceres Orcus 2003 AZ84 Pluto Ixion Salacia 2002 MS4 Haumea Quaoar Make-
make
Varda 2002 AW197 2013 FY27 Gong-
gong
Eris Sedna
Bilang ng mga buwan 0 1 1 5 0 1 0 2 1 1 1 0 1 1 1 0

Panloob na mga planeta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga terrestrayal na mga panloob na planeta sa sistemang solar

Ang mga "Inner planets" nakacompurmiso sa isang rehiyon ito ay mga tinatawag na mga terrestriyal mga planeta na napapalibutan ng asteriod belt, Ay binubuo ng mga metal at mga bagay, Ang mga inner planets ay malapit sa Araw (Sun), Ito ay may layong 5 AU (750 milyon km; 460 milyon mi).

Ang Merkuryo (Mercury)

Ang merkuryo ay isang planeta sa sistemang solar ay ang ika-una at pinaka-maliit sa walong planeta, Ipinangalan ito sa Romanong diyos na si Merkuryo.

Ang Benus (Venus)

Ang benus ay ang ikalawa at tinaguriang pinakamiit sa walong planeta, dahil sa inilalabas nitong "green house effect" na natatabunan mula sa mababang lebel ng ulap, Nahigitan nito ang planetang Merkuryo na ika-una na katabi mula sa Araw, Pinangalanan mula sa diyosa ng pag-ibig at kagandahan ng mga Romano.

3. Mundo (Earth)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Daigdig (Earth)

Ang mundo (earth) ay ikatlong planeta na umiinog sa gitnang bituin na Araw ng sistemang solar, Ang buhay at mayrong mga namumuhay na organismo, kasama nito ang "Buwan" sa pag-ikot sa rehiyon ng "frost line".

Ang Marte (Mars)

Ang Marte o Mars ay ang ikaapat at mapulang planeta, dito matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa sistemang solar ang "Olympus Mons", ito ay may kasakasamang dalawang siluna ito ang "Phobos" at "Deimos", Ang Mars ay kasinglaki ng kontinente ng Aprika na makikita sa Daigdig.

Panlabas na mga planeta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang "outer region planets" o "giant planets" sa sistemang solar ay nagtataglay ng maraming siluna (buwan) at nag lalabas ng gas, ammonia, yelo at diyamante, Ang planetang Hupiter ay ang pinakamalaki sa 8 walong planeta, na siyang nagbabalanse ng puwersa sa pagitan ng Saturno, Marte at Benus ng asteriod belt mula sa kabilang rehiyon na terrestrayal planeta at frost line.

Ang Hupiter (Jupiter)

Ang Hupiter ay ang ikalima at pinakamalaking planeta na nasa loob ng sistemang solar na nasa pagitan ng mga planetang Saturno at Marte. Ang hupiter ang siyang kumokontrol sa puwersa ng mga planetang Marte at Benus mula sa pag-inog nito sa gitnang Araw. Ang planeta ay mayroong mga malalaking bagyo mula sa apat na singsing nito at nagtataglay ng gas.

Ang Saturno (Saturn)

Ang Saturno ay ang ika-anim na planeta sa sistemang solar ito ay mga katabi ng planetang Hupiter at Urano, Ang saturn ay ang tinaguriang the "Jewel Planet of the Solar System" dahil sa taglay nitong nakapalibot na singsing, ito ay napapalibotan ng mga walong siluna ang mga: Mimas, Enceladus, Tethys, Dione, Rhea, Titan, Hyperion, Lapetus.

Ang Urano (Uranus)

Ang Urano o uranus ay ang ika pitong planeta sa loob ng sistemang solar at Jovian planets, ito ay nagtataglay ng ammonia, yelo at masangsang na amoy, may mga ilang pag-ulan ng diyamante, ito ay katabi ng mga planetang Saturno at Neptuno, kasama ng "uranus" ang limang siluna (buwan) sa pag-inog nito ito ang mga: Miranda, Ariel, Umbriel, Titana at Oberon.

Ang Neptuno (Neptune)

Ang Neptuno o neptune ay ang ika walong planeta sa loob ng sistemang solar at Jovian planets, ito ay ang pinakamalayo at dulong planeta maliban sa planetang Pluto na sa ika-siyam na puwesto, Ang Neptuno ay ipinangalan sa Diyos ng dagat ng mga Romano. Ang kasamang siluna (buwan) nito sa pag-inog ay ang Triton.

Ang mga planeta sa "kuiper belt" o napapaloob sa "trans-Neptunian region" kabilang ang planetang Pluto at Ceres na tinaguriang mga "dwarf planet".

Ang Pluto

Ang Pluto ay ang pinakamaliit na planeta mula sa planetang Merkuryo, Ang "pluto" ay ang ika-siyam na planeta na nakapaloob sa sistemang solar, ngunit hindi nabibilang sa bilang ng walong planeta. kasama ng Pluto ang Ceres sa dwarf planets.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Our Solar System". NASA Solar System Exploration (sa wikang Ingles). NASA. 22 Marso 2023. Nakuha noong 25 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Zabludoff, Ann. "Lecture 13: The Nebular Theory of the origin of the Solar System". NATS 102: The Physical Universe (sa wikang Ingles). University of Arizona. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2011. Nakuha noong 6 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Irvine, W. M. (1983). "The chemical composition of the pre-solar nebula". Cometary exploration; Proceedings of the International Conference. Bol. 1. p. 3. Bibcode:1983coex....1....3I.{{cite conference}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Greaves, Jane S. (7 Enero 2005). "Disks Around Stars and the Growth of Planetary Systems". Science. 307 (5706): 68–71. Bibcode:2005Sci...307...68G. doi:10.1126/science.1101979. PMID 15637266. S2CID 27720602.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. National Research Council, Division on Engineering and Physical Sciences; Space Studies Board, Committee on Planetary and Lunar Exploration (1990). "3. Present Understanding of the Origin of Planetary Systems". Strategy for the Detection and Study of Other Planetary Systems and Extrasolar Planetary Materials: 1990–2000. Washington D.C.: National Academies Press. pp. 21–33. ISBN 978-0309041935. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Abril 2022. Nakuha noong 6 Mayo 2024.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Boss, A. P.; Durisen, R. H. (2005). "Chondrule-forming Shock Fronts in the Solar Nebula: A Possible Unified Scenario for Planet and Chondrite Formation". The Astrophysical Journal. 621 (2): L137. arXiv:astro-ph/0501592. Bibcode:2005ApJ...621L.137B. doi:10.1086/429160. S2CID 15244154.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Bennett, Jeffrey O. (2020). "Chapter 8.2". The cosmic perspective (ika-9th (na) edisyon). Hoboken, New Jersey: Pearson. ISBN 978-0-134-87436-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Nagasawa, M.; Thommes, E. W.; Kenyon, S. J.; atbp. (2007). "The Diverse Origins of Terrestrial-Planet Systems" (PDF). Sa Reipurth, B.; Jewitt, D.; Keil, K. (mga pat.). Protostars and Planets V. Tucson: University of Arizona Press. pp. 639–654. Bibcode:2007prpl.conf..639N. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 12 Abril 2022. Nakuha noong 10 Abril 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Warell, J.; Karlsson, O. (2007). "A search for natural satellites of Mercury". Planetary and Space Science. 55 (14): 2037–2041. Bibcode:2007P&SS...55.2037W. doi:10.1016/j.pss.2007.06.004.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Solar System Exploration: Planets: Venus: Moons". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Pebrero 2016. Nakuha noong 16 Marso 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Sheppard, Scott; atbp. (2004). "A Survey for Outer Satellites of Mars: Limits to Completeness". The Astronomical Journal. 128 (5): 2542–2546. arXiv:astro-ph/0409522. Bibcode:2004AJ....128.2542S. doi:10.1086/424541. S2CID 45681283.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]