Pumunta sa nilalaman

Kawalang-hanggan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kawalang-hanggan, kawalang-wakas o awanggan,[1] tinatawag ring tawaging inpinidad o impinidad (mula sa Ingles na infinity at Kastilang infinito), ay isang diwa, partikular na sa matematika, na ang isang bagay ay walang katapusan.[2] Hindi isang bilang ang inpinidad subalit may sagisag ang mga matematiko para rito. Ang simbolo ay .[3] Hindi sinasabi ng kawalang hangganan ang diwang "gaano karami".[3]

Isang paglalarawan ng kawalang hangganan ay ang pag-iisip kung hanggang saan hahantong ang kalawakan. Mayroong paraang pangmatematika kung paano mapag-uusapan ang hinggil sa kawalang hangganan. Sa pagtatala ng buong mga bilang: 1, 2, 3, at iba pa. Maitatanong kung ano ang pinakamalaking bilang na maaabot. Ang sagot dito ay walang pinakamalaking bilang na maaabot dahil laging makapagdaragdag o makapagdurugtong ng iba pang bilang at makakakuha pa ng mas malaking bilang kaysa dati. Maaari ring hatiin, o padaanin sa dibisyon, ang isang bilang, at kahit na anong liit pa nito ay maaari pa rin itong hatiin nang hatiin upang maging mas maliliit pang mga bilang.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Infinity, kawalang hangganan, kawalang-wakas - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Infinity, walang katapusan, walang bilang". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
  3. 3.0 3.1 3.2 "What is infinity". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., tomo para titik na M, pahina 160.

AstronomiyaBilangPilosopiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya, Bilang at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.