Pumunta sa nilalaman

Dipnoi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Lungfishes
Queensland lungfish
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Sarcopterygii
Klado: Dipnomorpha
Subklase: Dipnoi
J. P. Müller, 1844
Orders

Ang mga isdang may baga (Ingles: lungfish)[1] ay mga isdang pang-tubig-tabang na kabilang sa subklaseng Dipnoi. Kilala ang mga ito sa pagkakaroon at pagpapanatili ng mga katangiang natatangi sa loob ng mga Osteichthyes, kabilang ang kakayahan sa paghinga at paglanghap ng hangin, at mga kayarian o istruktura na primitibo lamang para sa Sarcopterygii, kabilang ang pagkakaroon ng mga hugis-lobong palikpik na may buong panloob na kabutuhan. Sa kasalukuyan, matatagpuan lamang sila sa Aprika, Timog Amerika, at hilagang Australya.[1] Habang maimumungkahi ng naganap na paghihiwalay at pagbubukod ng mga espesye o uri sa kani-kaniyang anyo ng mga katubigan, na kinakatawan ito ng isang sinaunang distribusyon na limitado sa Mosozoyikong superkontinenteng Gondwana, iminumungkahi ng mga nakatalang posil na ang mga isdang may baga ay may isang kosmopolitanong distribusyon sa mga tubig-tabang, at nakapaglalarawan ang pangkasalukuyang distribusyon ng makabagong uri ng isdang may baga sa pagkawala ng maraming mga salinlahi kasunod ng paghihiwalay ng mga Pangea, Gondwana, at Laurasia.

Tinatawag na mga isdang may baga ang anuman sa anim mga espesye o uri ng mga isdang naninirahan sa mga tubig-tabang ng Timog Amerika, Aprika at sa hilagang Australya. May mga baga at mga hasang ang mga isdang ito. Kalimitan silang lumalangoy at tumitigil sa mga katubigang may mahinang daloy ng tubig o mga tubig na walang agos at hindi kumikilos ang tubig, maliban na lamang sa isang uri na naninirahan naman sa mga lawa lamang. Sumisisid silang lahat sa mga putik kung may kawalan ng tubig sa kanilang paligid sa panahong ng tag-tuyot, maliban na lamang sa mga isdang may baga mula sa Australya. Sa halip, binabalot ng mga uring ito ang kanilang mga sarili sa loob ng isang sustansiya, isang prosesong katulad sa paggawa ng bahay ng uod (Ingles: cocoon). Napapanalitili nilang basa ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng balot na ito sa panahon ng tag-tuyo, at nakakahinga sila mula sa isang butas na nasa itaas na bahagi ng balot.[1]

Klase Osteichthyes
Subklase Sarcopterygii
Orden Dipnoi

,--†Pamilya Diabolichthyidae
| ,--†Pamilya Uranolophidae
| |  __,--†Pamilya Speonesydrionidae
'-|-|  '--†Pamilya Dipnorhynchidae
    |     ,--†Pamilya Stomiahykidae
    '----|___ ,--†Pamilya Chirodipteridae
          |      '-|--†Pamilya Holodontidae
          |------†Pamilya Dipteridae
          |  __,--†Pamilya Fleurantiidae
          '-|  '--†Pamilya Rhynchodipteridae
              '--†Pamilya Phaneropleuridae
                     | ,--†Pamilya Ctenodontidae
                       '-| ,--†Pamilya Sagenodontidae
                          '-|--†Pamilya Gnathorhizidae
                             '--Orden Ceratodontiformes
                                  |--†Pamilya Asiatoceratodontidae
                                  |--†Pamilya Ptychoceratodontidae
                                  |--Pamilya Ceratodontidae
                                  |  '--†Sari (genus) Ceratodus
                                  |  '--†Sari Metaceratodus
                                   '--Pamilya Neoceratodontidae
                                        | '--†Sari Mioceratodus
                                        | '--Sari Neoceratodus - Isdang may baga ng Queensland
                                        '--Orden Lepidosireniformes
                                               '--Pamilya Lepidosirenidae - Isdang may baga ng Hilagang Amerika 
                                               '--Family Protopteridae - Isdang may baga ng Aprika
  1. 1.0 1.1 1.2 "Lungfish". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa orihinal na pamagat sa Ingles:

  • Ahlberg, PE, Smith, MM, at Johanson, Z, (2006). Developmental plasticity and disparity in early dipnoan (lungfish) dentitions. Evolution and Development 8(4):331-349.
  • Palmer, Douglas, Ed. The Simon & Schuster Encyclopedia of Dinosaurs & Prehistoric Cretures. A Visual Who's Who of Prehistoric Life. Pg. 45. Great Britain: Marshall Editions Developments Limited. 1999.
  • Schultze, HP, at Chorn, J., (1997). The Permo-Herbivorus genus Sagenodus and the beginning of modern lungfish. Contributions to Zoology 61(7):9-70.