Vrinda
Ang Vrinda ay isang tipo ng titik na OpenType para sa sulating Bengali na bahagi ng opsyonal na suporta ng Microsoft Windows para sa Indikong teksto sa Windows XP at mga sumunod na mga bersyon ng Windows. Ito ang unang-piling tipo ng titik para sa lahat ng mga wika na nakasulat sa sulating Bengali, kabilang ang Bengali, Asames at Meitei sa operating system na Windows. Ginawa at pinapanatili ito ng Microsoft Corporation.[1]