Usapan:Tulin
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Tulin. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Pasensiya na at hindi ko naipaliwanag ang aking mga pagbabago noong una. Ang orihinal na teksto ay direchong hango sa Ingles, na mahirap intindihin at maraming imbentong mga salita. Sa mas malalim na pag-iintindi ng Tulin o Velocity, mahalaga ang mga konseptong aking iminumungkahi dito at hindi dapat tanggalin.
- @Oav2010: Wag mong masamain sana yung mga ginawa ko. In good faith yung pagtanggal ko ng mga dinagdag mo. Bilang kompromiso, tanggalin na lang yung mga halimbawa at yung mga pagkukumpara sa bilis at arangkada, tapos susubukan kong isaayos yung teksto upang mapakita pa rin yung mga teknikal na salita sa pisika. (by the way, hindi po iyon imbento lang, galing sa salitang Kastila yung mga terminong iyon, sang-ayon sa mga pamantayan na nakalagay na rito noon pa. Wala naman akong problema sa mga dinagdag mo, sa totoo lang, kaso lang, mag mga patakaran tayo rito sa tlwiki e. Subukan kong ayusin ito bukas, gabi na e, di ko na kayang i-edit pa itong pahina. GinawaSaHapon (usap tayo!) 13:43, 28 Abril 2021 (UTC)
@GinawaSaHapon:Maraming salamat. Bahala ka nang magdagdag, mag-ayos at ilagay sa kanya-kanyang section, kung kinakailangan. Pero ang hiling ko sana ay huwag magtanggal sapagkat mahalaga ang mga konseptong ito para sa pag-iintindi ng Tulin. Oav2010
Anong meron?
baguhinBakit parang naging importante ang artikulong ito sa dami ng edit? Tumaas ba ang views nito? Tanong lang. --Kurigo (kausapin) 01:52, 29 Abril 2021 (UTC)
- @Kurigo: Di naman. May bagong editor kasi na nag-edit rito. Nagkaroon lang ng maliit ng edit conflict. Gusto ko lang kasing i-incorporate yung mga teknikal na bahagi ng artikulo, habang pinapaliwanag ang konsepto nang malinaw. Mukhang okey naman yata na. Kailangan na lang lagyan ng mga sanggunian yung Paglalarawan. GinawaSaHapon (usap tayo!) 01:57, 29 Abril 2021 (UTC)
Naglagay uli ako ng kaunting edit. Inalis ko lang ang mga salitang "katumbas" sapagkat ang bektor at eskalar ay hindi naman talaga magkatumbas. Tinanggal ko rin ang salitang "masasabing", na sa Ingles ay "we can say that...". Sana ok lang ito sa inyo. Oav2010
@GinawaSaHapon: Dinagdag ko ang "rate of change" bilang Ingles sa "dalas ng pagbabago." Mahalgang konsepto ito sa matematika. — Preceding unsigned comment added by Oav2010 (usapan) 08:55, 29 Abril 2021 (UTC)
@GinawaSaHapon: Bakit "bunin ng oras"? Hindi naman siya "function of the hour." Dapat ay "bunin ng panahon." Muli, mahalagang konsepto ito sa matematika. — Preceding unsigned comment added by Oav2010 (usapan) 08:58, 29 Abril 2021 (UTC)
Iba ang "panahon" sa "oras". "Panahon" ay weather sa Ingles, hindi time. Yun din ang terminong ginagamit ng marami - kung tatanungin mo ang isang Pilipino tungkol sa Tagalog/Filipino ng time, malamang sa malamang, oras ang isasagot niya sa'yo. Ang bunin po ay function (as in, yung mathematical function). Consistency lang po sa ibang mga artikulong may kinalaman sa bunin. May dalawang kahulugan po ang oras sa Ingles: hour at time. (refs:[1][2])(EDIT: Sige, for the sake of consistency na lang po (ayon sa Diksiyonaryo.ph, kolokyal ang oras bilang time), okey na ko sa panahon. Pakiayos na lang ng ibang mga instances ng oras.) Dagdag ko lang po, wag niyo pong i-link ang mga pula sa enwiki. Mas maganda siguro kung gawan na lang iyon ng artikulo rito sa tlwiki, nang mag-blue yan. GinawaSaHapon (usap tayo!) 09:17, 29 Abril 2021 (UTC)
- Sige, gagawin ko. Maraming salamat, ha. Mahirap talaga itong mga salita na may double meaning, kaya naiintindihan kita. Madalas, kinakailangan talagang mamili para consistent, sabi mo nga. Tungkol sa link sa enwiki, tama ka at pasensiya na. --Oav2010 (kausapin) 09:56, 29 Abril 2021 (UTC)
- Tinanggal ko ang mga link sa Ingles. Isa pa, kapag may bagong konseptong pinakikilala, nilalagay ko ang katumbas niyang salita sa Ingles upang mas madaling maunawaan. Ito ay sa dahilang karamihan sa mga konseptong ito ay unang natutunan natin sa wikang Ingles. Kapag naulit ang salita, hindi ko na nilalagyan ng pagsasalin sapagkat hindi na kailangan. Sana ay ok lang sa iyo ang ganitong pagsusulat. Salamat. --Oav2010 (kausapin) 10:18, 29 Abril 2021 (UTC)