Turismo sa Pilipinas

Ang turismo ay isang mahalagang sektor para sa ekonomiya ng Pilipinas. Nag-ambag ang industriya ng paglalakbay at turismo ng 8.6% sa Kabuuang Domestikong Produkto (Gross Domestic Product o GDP) ng bansa noong 2023; mas mababa ito kaysa sa 12.7% na naitala noong 2019 bago ang pumutok ang pandemyang COVID-19 na nagdulot ng pagsasara o lockdown. Bumubuo ang turismo sa baybayin, na sumasaklaw sa mga aktibidad sa dalampasigan at pagsisid, ng 25% ng kita ng turismo ng Pilipinas, na nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng kita ng sektor na ito.[1] Kabilang sa mga sikat na destinasyon sa mga turista ang Boracay, Palawan, Cebu at Siargao. Habang nakatagpo ang Pilipinas ng mga hamong pampolitika at panlipunan na nakaapekto sa industriya ng turismo, gumawa din ang bansa ng mga hakbang upang matugunan ang mga isyung ito.[2] Sa nakalipas na mga taon, may mga pagsisikap na pahusayin ang katatagan ng politika, pahusayin ang mga hakbang sa seguridad, at isulong ang pagiging inklusibo sa lipunan, na nakakatulong lahat sa paglikha ng mas kanais-nais na kapaligiran para sa turismo, tulad ng rehabilitasyon ng Boracay.[3]

Ang Palawan, na kinabibilangan ng Coron, ay isang Reserbang Biyospera ng UNESCO

Noong 2023, 6.21 milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa industriya ng turismo at noong Setyembre 2023, nakagawa ang Pilipinas ng ₱316.9 bilyon na kita mula sa mga turista, karamihan ay nagmumula sa Timog Korea, Estados Unidos at Hapon.[4] Umakit ang bansa ng kabuuang 5,360,682 dayuhang bisita noong 2015.[5] Noong 2019, umakyat ang mga dayuhang dumating sa 8,260,913.[6]

Tahanan ang bansa sa isa sa New 7 Wonders of Nature (Bagong 7 Kahanga-hanga sa Kalikasan), ang Pambansang Liwasang Ilog sa Ilalim ng Lupa ng Puerto Princesa, at isa sa New 7 Wonders Cities (Bagong 7 Kahanga-hangang Lungsod), ang Pamanang Lungsod ng Vigan. Tahanan rin ito rin ng anim na Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO na nakakalat sa siyam na magkakaibang lokasyon, tatlong mga reserbang biyospera ng UNESCO, tatlong di-nahahawakang pamanang pangkalinangan ng UNESCO, apat na memorya ng pandaigdigang pamanang dokumentaryo ng UNESCO, tatlong malikhaing lungsod ng UNESCO, dalawang Pandaigdigang Pamanang lungsod, pitong lugar na basang-lupain (o wetland) ng Ramsar, at walong Pamanang Liwasan ng ASEAN.[7]

Lubhang naapektuhan ang industriya ng turismo sa panahon ng pandemya ng COVID-19, nang bumaba ang mga turistang dumating sa 1.48 milyon lamang noong 2020 dahil sa mga lockdown o pagsasara na nauugnay sa pandemya na pinatupad ng pamahalaan upang makontrol ang pagkalat ng bayrus,[8] at nang sinalanta ng Super Bagyong Odette ang turismo na umaasa malalayong isla, kabilang ang Siargao, sa gitna at timog Pilipinas noong Disyembre 2021.[9] Muling binuksan ang bansa sa mga internasyonal na turista simula Pebrero 10, 2022, pagkatapos ng halos dalawang taong pagsasara ng hangganan dahil sa pandemyang COVID-19.[10]

Estadistika

baguhin

Estadistika ng bisita ayon sa bansa

baguhin
Ranggo Bansa Okt 2024[11] 2023[12] 2022 [13] 2021 [14] 2020[15] 2019[16] 2018[17] 2017[18] 2016[19] 2015[20] 2014[21] 2013[22] 2012[23] 2011[24] 2010[25]
1   Timog Korea 1,316,552 1,439,336 428,014 6,456 338,877 1,989,322 1,587,959 1,607,821 1,475,081 1,339,678 1,175,472 1,165,789 1,031,155 925,204 740,622
2   Estados Unidos 764,124 903,299 505,089 39,326 211,816 1,064,440 1,034,396 957,813 869,463 779,217 722,750 674,564 652,626 624,527 600,165
3   Hapon 321,913 305,580 99,557 15,024 136,664 682,788 631,801 884,180 635,238 495,662 463,744 433,705 412,474 375,496 358,744
4   Tsina 280,301 263,836 39,627 9,674 170,432 1,743,309 1,255,258 968,447 675,663 490,841 394,951 426,352 250,883 243,137 187,446
5   Australya 208,727 266,551 137,974 2,184 55,330 286,170 279,821 259,433 251,098 241,187 224,784 213,023 191,150 170,736 147,649
6   Taiwan 183,117 194,851 23,604 1,619 48,644 327,273 240,842 236,777 229,303 177,670 142,973 139,099 216,511 181,738 142,455
7   Canada 177,571 221,920 121,413 6,781 55,273 238,850 226,429 300,640 175,631 153,363 143,899 131,381 123,699 117,423 106,345
8   Singapore* 128,812 149,230 53,448 653 19,998 158,595 171,795 168,637 176,057 181,176 179,099 175,034 148,215 137,802 121,083
9   Reyno Unido 128,660 154,698 101,034 4,348 39,980 209,206 301,039 282,708 173,229 154,189 133,665 122,759 113,282 104,466 96,925
10   Malaysia* 80,892 97,639 46,805 1,620 23,359 139,882 145,242 143,566 139,133 155,814 139,245 109,437 114,513 91,752 79,694
11   Hong Kong SAR 66,652 80,512 8,589 354 12,444 91,653 117,992 111,135 116,328 122,180 114,100 126,008 118,666 112,106 133,746
12   Indya 66,622 70,286 51,542 7,202 29,014 134,963 121,124 107,278 90,816 74,824 61,152 52,206 46,395 42,844 34,581
13   Alemanya 62,864 74,731 39,013 2,037 25,893 103,756 92,098 85,431 86,363 75,348 72,801 70,949 67,023 61,193 58,725
14   Biyetnam* 51,225 67,661 38,605 1,785 11,406 66,698 52,334 39,951 33,895 31,579 29,800 26,599 20,817 17,781 17,311
15   Indonesia* 49,478 53,707 24,596 1,888 13,734 70,819 76,652 62,923 44,348 48,178 46,757 45,582 36,627 34,542 31,997
16   Pransya 48,617 51,601 23,949 1,425 24,530 88,577 74,400 64,777 55,384 45,505 38,946 39,042 33,709 29,591 27,302
17   Taylandiya* 38,628 40,952 16,300 1,464 9,788 61,292 59,793 48,727 47,913 44,038 45,943 47,874 40,987 37,862 36,713
18   Espanya 37,020 34,063 19,194 1,220 9,621 49,748 44,133 36,954 32,097 24,144 19,353 17,126 15,895 14,648 12,759
19   Emiratos Arabes Unidos 33,717 33,769 2,084 2,733 2,518 10,192 15,402 16,399 17,634 16,881 17,000 15,155 12,684 13,404 12,734
20   Guam 30,787 35,501 2,875 644 2,882 19,835 32,357 36,637 38,777 35,262 38,016 42,204 42,695 41,013 40,928
21   Olanda 27,259 31,956 19,306 1,510 8,961 41,313 37,051 33,821 31,876 28,632 25,236 22,595 22,195 21,029 19,227
22   Italya 21,863 22,496 12,933 1,212 8,976 38,951 35,182 30,437 25,945 21,620 19,865 17,668 16,740 15,798 16,350
23   Nuweba Selandiya 20,852 29,272 17,503 345 6,883 37,872 33,341 28,983 23,431 20,579 17,704 15,783 14,100 12,782 11,323
24   Suwisa 20,833 24,048 11,092 598 7,094 29,966 31,075 29,837 29,420 27,200 25,548 24,907 23,557 22,335 21,224
25   Rusya 20,271 23,104 8,040 1,027 12,643 36,111 29,967 33,279 28,210 25,278 32,087 35,404 28,270 20,185 14,642
26   Saudi Arabia 18,850 19,311 10,414 2,252 7,014 43,748 46,967 54,716 56,081 50,884 43,483 38,969 30,040 27,945 22,214
27   Noruwega 15,233 20,000 12,004 508 4,365 23,464 23,571 21,890 21,606 20,968 20,846 20,625 19,572 17,959 16,742
28   Suwesya 13,356 16,789 9,389 508 6,996 27,892 28,085 27,703 26,062 23,206 21,861 22,957 21,807 17,973 15,510
29   Irlanda 13,088 16,379 12,009 600 3,621 21,475 20,051 18,051 16,557 14,050 12,354 10,576 8,362 6,023 5,368
30   Israel 12,159 13,334 9,711 452 4,745 22,851 20,343 17,446 16,725 11,756 8,776 7,675 5,895 4,990 4,525
31   Belhika 12,003 14,459 8,961 648 3,756 19,156 17,285 15,703 14,477 12,825 12,236 11,454 11,649 10,959 10,512
32   Myanmar* 8,405 6,395 4,255 271 2,877 13,978 9,630 9,571 7,442 7,033 6,633 4,948 4,290 3,246 3,983
33   Brunei* 4,824 6,639 1,884 37 1,037 8,126 9,533 8,679 8,211 9,015 9,677 8,297 5,992 5,247 4,072
34   Kambodya* 3,238 3,999 1,454 40 942 5,988 4,154 4,712 3,526 3,503 3,276 3,228 2,661 2,469 2,244
35   Laos* 898 988 495 15 203 1,454 1,183 1,580 1,173 1,231 1,056 1,062 1,088 971 1,079
Lahat ng bansa 4,879,022 5,450,557 2,653,858 163,879 1,482,535 8,260,913 7,168,467 6,620,908 5,967,005 5,360,682 4,833,368 4,681,307 4,272,811 3,917,454 3,520,471

* Bansa sa ASEAN

Taunang estadistika (pagdating ng mga banyaga)

baguhin
Taon Pagdating[26] Pagbabago
1996 1,049,367
1997 1,222,523   16.5%
1998 1,149,357   5.9%
1999 1,170,514   1.8%
2000 1,992,169   70.1%
2001 1,796,893[26]   9.8%
2002 1,932,677[26]   7.5%
2003 1,907,226[26]   1.3%
2004 2,291,352[26]   20.1%
2005 2,623,084[26]   14.4%
2006 2,843,335[27]   8.3%
2007 3,091,993[28]   8.7%
2008 3,139,422[29]   1.5%
2009 3,017,099[30]   3.8%
2010 3,520,471[31]   16.6%
2011 3,917,454[32]   11.2%
2012 4,272,811[33]   9.0%
2013 4,681,307[34]   9.5%
2014 4,833,368[35]   3.2%
2015 5,360,682[36]   10.9%
2016 5,967,005[37]   11.3%
2017 6,620,908[38]   10.9%
2018 7,168,467[39]   8.2%
2019 8,260,913[40]   15.2%
2020 1,482,535[41]   82.0%
2021 163,879[42]   88.9%
2022 2,653,858[43]   1519.4%
2023 5,450,557[44]   105.3%
Okt 2024 4,879,022[45]

Estadistikang pangrehiyon (2023)

baguhin
Distribusyon ng manlalakbay na napalipas ng gabi ayon sa rehiyon[Note 1]
Rehiyon Banyaga Manggagawang
Pilipino
sa Ibayong-dagat
Domestiko Kabuuan
Pambansang Rehiyong Kapital 2,355,069 5,827 4,666,549 7,027,445
Rehiyong Administratibo ng Cordillera 29,821 775 1,654,537 1,685,133
Rehiyon I (Rehiyon ng Ilocos) 43,454 500 1,785,166 1,829,120
Rehiyon II (Lambak ng Cagayan) 9,297 41 953,684 963,022
Rehiyon III (Gitnang Luzon) 642,901 2,002 4,699,577 5,344,480
Rehiyon IV-A (Calabarzon) 113,190 3,975 9,288,101 9,405,266
Rehiyong IV-B (Mimaropa) 780,637 11,761 1,525,171 2,317,569
Rehiyon V (Rehiyon ng Bikol) 78,562 1,314 4,283,312 4,363,188
Rehiyon VI (Kanlurang Kabisayaan) 550,357 51,268 4,758,433 5,360,058
Rehiyon VII (Gitnang Kabisayaaan) 1,870,607 4,232 3,611,104 5,485,943
Rehiyon VIII (Silangang Kabisayaan) 26,219 826 1,307,203 1,334,248
Rehiyon IX (Tangway ng Zamboanga) 13,412 84 1,278,817 1,292,313
Rehiyon X (Hilagang Mindanao) 38,784 20 2,557,066 2,595,870
Rehiyon XI (Rehiyon ng Davao) 93,015 10,459 3,124,561 3,228,035
Rehiyon XII (Soccssargen) 5,713 2 1,632,370 1,638,085
Rehiyon XIII (Caraga) 63,255 1,396,944 1,460,199
Kabuuan 6,714,293 93,086 48,522,595 55,329,974

Mga atraksyon

baguhin
 
Isla ng Boracay sa Aklan
 
Tuktok ng Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas

Ang pulo ng Luzon ay itinuturing na sentrong pampulitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas. Nakasentro ang ekonomiya ng Luzon sa Kalakhang Maynila, ang pambansang kabisera na rehiyon. Niraranggo ang Maynila sa ika-11 na pinakakawili-wiling lungsod para sa mga mamimiling Amerikano mula sa 25 lungsod sa Asya Pasipiko sa pamamagitan ng isang sarbey ng Global Blue noong 2012.[46] Matatagpuan ang mga mall na pamilihan sa mga dako ng kalakhan, lalo na sa mga distritong pang-negosyo at pananalapi ng Makati, Ortigas at Pandaigdigang Lungsod ng Bonifacio (o Bonifacio Global City).[47]

Ang pinakasikat na destinasyon sa Kabisayaan ay ang Bohol at Boracay[48] na kilala sa kanilang mga buhanging-puti sa dalampasigan at naging paboritong destinasyon ng pulo para sa mga lokal at dayuhang bisita.[49][50] Noong 2012, natanggap ng Boracay ang parangal na "best island" (pinakamagandang pulo) mula sa Travel + Leisure na isang magasin ng pandaigdigang paglalakbay.[51][52] Isa rin ang Boracay na sikat na destinasyon para sa pagpapahinga, katahimikan at kapana-panabik na buhay-pangabi.[53] Noong 2018, tatlong pulo ng Pilipinas, ang Pulo ng Siargao, Boracay, at Palawan, ang nakalista sa listahan ng Condé Nast Traveler ng pinakamahusay na pulo sa Asya. Ang tatlong pulo ay una, pangalawa, at pangatlo, ayon sa pagkakabanggit.[54]

Ang Mindanao, ang pinakatimog na pulo ng Pilipinas, ay tahanan ng pinakamataas na bundok ng bansa, ang Bundok Apo. Naging tanyag na destinasyon ang bundok sa paglalakad para sa mga umaakyat sa bundok.[55] Sa karaniwan, inaabot ng dalawang araw hanggang tatlong araw bago makarating sa tuktok.[56] May malawak na hanay ang bundok ng mga flora at fauna, kabilang ang higit sa 272 espesye ng ibon, 111 sa mga ito ay katutubo sa lugar, kabilang ang pambansang ibon, ang Haribon.

Mga aktibidad panturismo

baguhin
 
Isang dalampasigan sa El Nido, Palawan

Ang iba't ibang mga dalampasigan sa Pilipinas ay naitala sa iba't ibang ranggo sa maraming magasin. Kabilang sa mga pinakasikat na dalampasigan at lugar ng pagsisid sa bansa ang Boracay, El Nido, Coron, Cebu, at Siargao.[57] Noong 2018, inilista ng ahensyang panlalakbay na nakabase sa Canada na Flight Network ang Hidden Beach (Nakatagong Dalampasigan) sa Palawan (Blg. 1) bilang pinakamagandang dalampasigan sa buong Asya. Binanggit din ang dalampasigan na ito ng Travel+Leisure bilang kabilang sa 13 lugar upang makita ang pinakaasul na tubig sa mundo. Ang iba pang mga dalampasigan na niraranggo mula sa Pilipinas ay ang Dalampasigan ng Guyam White Sand sa Siargao (Blg. 13), Dalampasigan ng Palaui sa Lambak ng Cagayan (Blg. 22), Dalampasigan ng Pulo ng Caramoan sa Camarines Sur (Blg. 29), Dalampasigan ng Dahican sa Mati, Davao Oriental (Blg. 41), Dalampasigan ng Gumasa sa Sarangani (Blg. 45), Dalampasigan ng Alona sa Panglao, Bohol (Blg. 46), Pulo ng Kalanggaman sa Leyte (No. 49), at Dalampasigan ng Paliton sa Siquijor (Blg. 50).[58]

 
Ang Tsokolateng Burol, isang likas na heolohikong monumento sa Bohol at isang pansamantalang lugar ng UNESCO

Kabilang sa mga pinakatanyag na lugar ng paglalakad o hiking sa bansa ay ang Bundok Apo, Bundok Pinatubo, Bundok Halcon, Bundok Banahaw, Bundok Makiling, at Bundok Pulag. Binanggit ng magasin sa online, ang Culture Trip, ang Bundok Batulao sa Batangas, Heoresebang Masungi sa Rizal, Gulod ng Tarak sa Bataan, Bundok Daraitan at Maynoba sa Rizal, Palibot ng Kibungan sa Benguet, at Bundok Pulag sa Nueva Vizcaya para sa pagkakaroon ng pinakamagagandang landas sa paglalakad sa bansa noong 2017.[59]

 
Basilika ng Taal ang pinakamalaking simbahan sa Asya

Ang Pilipinas ay ang kabisera ng pamamakay Katoliko sa Asya, na nagtataglay ng daan-daang mga lumang simbahan, na itinitatag ang karamihan sa mga ito sa pagitan ng ika-15 hanggang ika-19 na dantaon sa pamamagitan ng arkitekturang barokong panlindol. Nasa Pilipinas din ang mga makasaysayang moske, templo, at mga katutubong lugar ng pagsamba tulad ng mga dambana. Ang mga sikat na lugar pamamakay sa bansa ay kinabibilangan ng Katedral ng Antipolo, Simbahan ng Paoay, Simbahan ng Quiapo, Simbahan ng Manaoag, Basilika ng Taal, at Katedral ng Naga.

Ang bansa ay may libu-libong pista, na taunang panoorin ang karamihan sa mga ito. May iba't ibang tradisyon ang mga pista, at maaaring may likas itong temang relihiyoso o sekular. Kabilang sa pinakasikat ang Pista ng Ati-Atihan ng Aklan, Pista ng Sinulog ng Cebu, ang Pista ng Dinagyang ng Iloilo, ang Pista ng Panagbeng ng Baguio, ang Pista ng Moriones ng Marinduque, at ang Pista ng MassKara ng Bacolod.[60]

Mga banta

baguhin

Ang terorismo ay maaaring magdulot ng pinakamalaking banta sa kaligtasan ng mga turista sa Pilipinas, lalo na sa mga rehiyon sa timog na karatig ng Malaysia. Malawak na kilala ang malayong timog na rehiyon bilang isang sonang di-pupuntahan para sa mga dayuhang bisita. Itinuturing ang mga lugar sa paligid ng Marawi at iba pang bahagi ng pulo na hindi ligtas dahil sa marahas na aktibidad ng mga rebeldeng grupo na kinabibilangan ng Pangkat ng Maute.[61]

Ang ilang mga militanteng grupong Islamista tulad ng Abu Sayyaf at Jema'ah Islamiyah ay partikular na mapanganib, dahil sila ang may pananagutan sa karamihan ng mga pag-atake, na kinabibilangan ng mga pambobomba, pamimirata, pagkidnap at pagpatay sa mga dayuhang mamamayan kung nabigo ang kanilang pamahalaan na magbayad ng hinihinging pantubos.[62]

Kabilang sa iba pang mga banta ang pagkasira ng pamanang pangkalinangan dahil sa pinsala, demolisyon, o pagnanakaw sa mga istruktura ng pamana, at urbanisasyon ng mga nakababatang henerasyon na malayo sa mga katutubong tradisyon, na nagiging sanhi ng paglaho ng iba't ibang ritwal at gawi. Kabilang sa mga banta sa likas na pamana ang pagmimina, matinding paglaki ng populasyon, urbanisasyon, pagpapakilala ng mga espesyeng sumasalakay, pagkalbo ng kagubatan, polusyon sa tubig, polusyon sa hangin, at pagbabago ng klima.[63][64][65][66]

Mga pananda

baguhin
  1. 1 Kinuha mula sa websayt ng Kagawaran ng Turismo.[48] Walang binigay na datos mula sa Rehiyon ng Bangsamoro.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Inquirer, Philippine Daily (2021-12-30). "ADBI floats idea of ocean tourism in PH". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-09-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The problem with the Philippine tourism industry" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 3, 2021. Nakuha noong Agosto 11, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Philippines to temporarily shut down tourist island". www.aljazeera.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Philippines reached 80 percent of 2023 foreign tourist target". Asia Gaming Brief. 21 Setyembre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Daang Matuwid – Achievements". Official Gazette of the Republic of Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 29, 2022. Nakuha noong Mayo 27, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Visitor Arrivals; January – December 2019" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 2, 2020. Nakuha noong Agosto 13, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Daang Matuwid – Achievements". Official Gazette of the Republic of Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 29, 2022. Nakuha noong Mayo 27, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Magtulis, Prinz (Pebrero 10, 2021). "Lockdowns derail Philippines' tourism rise". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 10, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Santos, Ana P. (Enero 12, 2022). "Will tourism in the Philippines recover from coronavirus?". DW News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 12, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Rocamora, Joyce Ann L. (Pebrero 10, 2022). "PH reopens borders to foreign tourists after nearly 2 years". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 10, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Visitor Arrivals to The Philippines by Country of Residence January - September 2024" (PDF) (sa wikang Ingles).
  12. "Visitor Arrivals to The Philippines by Country of Residence 2023" (PDF) (sa wikang Ingles).
  13. "Visitor Arrivals to The Philippines by Country of Residence 2022" (PDF) (sa wikang Ingles).
  14. "Visitor Arrivals to The Philippines by Country of Residence 2021" (PDF) (sa wikang Ingles).
  15. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2020" (PDF) (sa wikang Ingles).
  16. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2019" (PDF) (sa wikang Ingles).
  17. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2018" (PDF) (sa wikang Ingles).
  18. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2017" (PDF) (sa wikang Ingles).
  19. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2016" (PDF) (sa wikang Ingles).
  20. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2015" (PDF) (sa wikang Ingles).
  21. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2014" (PDF) (sa wikang Ingles).
  22. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2013" (PDF) (sa wikang Ingles).
  23. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2012" (PDF) (sa wikang Ingles).
  24. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2011" (PDF) (sa wikang Ingles).
  25. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence 2010" (PDF) (sa wikang Ingles).
  26. 26.0 26.1 26.2 26.3 26.4 26.5 "Proposed Foreign Tourist Tax" (PDF). NTRC Tax Research Journal (sa wikang Ingles). National Tax Research Center. XXIX (July 4 – August 2017): 2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-09-03. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Quickstat; As of November 2007" (PDF). National Statistics Office (sa wikang Ingles). p. 4. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 13, 2021. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2008" (PDF). Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence January–December 2008 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 8, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2009" (PDF). Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence January–December 2009 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2010" (PDF). Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence January–December 2010 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2011" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 28, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Visitor Arrival to the Philippines by Country of Residence; January - December 2011" (PDF) (sa wikang Ingles).
  33. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2012" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2014" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2015" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2016" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 3, 2020. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2017" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 2, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2018" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 5, 2019. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2019" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Marso 1, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2020" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Pebrero 18, 2021. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2021" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 13, 2022. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2021" (PDF). Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 13, 2022. Nakuha noong Enero 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January-December 2022". Department of Tourism (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Hulyo 13, 2022. Nakuha noong Enero 22, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. ""Visitor Arrivals to the Philippines by Country of Residence; January - December 2023"" (PDF) (sa wikang Ingles).
  45. "Visitor Arrivals to The Philippines by Country of Residence January - October 2024" (PDF) (sa wikang Ingles).
  46. "Manila 11th most attractive shopping destination in Asia Pacific –study". Yahoo! Philippines. Nakuha noong Marso 26, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Boquet, Yves (2017-04-19). The Philippine Archipelago (sa wikang Ingles). Springer. p. 545. ISBN 978-3-319-51926-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. 48.0 48.1 REGIONAL DISTRIBUTION OF OVERNIGHT TRAVELERS 2023, Department of Tourism of the Philippines (sa Ingles)
  49. "Philippines' Boracay attracted 1.36 million tourists in 2013" (sa wikang Ingles). Xinhua. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 11, 2014. Nakuha noong Pebrero 22, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. "Boracay attracted record 1.36 million despite 'Yolanda'" (sa wikang Ingles). PhilStar. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 6, 2014. Nakuha noong Pebrero 22, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "BORACAY named 2012 No.1 World's Best Island" (sa wikang Ingles). Boracay Beach Live. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 24, 2013. Nakuha noong Pebrero 21, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. "Boracay named world's 2nd best beach" (sa wikang Ingles). ABS-CBN News. Nakuha noong Marso 30, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Relaxation, nightlife both more fun in Boracay" (sa wikang Ingles). Yahoo! Philippines. Nakuha noong Pebrero 21, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Arnaldo, Ma Stella F. (Oktubre 12, 2018). "3 Philippine islands on Condé Nast Traveler's list of Asia's best – Ma. Stella F. Arnaldo". BusinessMirror (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Climbing to the top of the Philippines" (sa wikang Ingles). BBC Travel. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 29, 2014. Nakuha noong Abril 25, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Guides, Rough (2023-04-01). The Rough Guide to the Philippines (Travel Guide eBook) (sa wikang Ingles). Apa Publications (UK) Limited. ISBN 978-1-83905-924-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Dive into Philippines" (sa wikang Ingles). Nakuha noong Marso 5, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "8 Philippine beaches among the best in Asia". philstar.com (sa wikang Ingles).
  59. Escalona, Katrina. "The Most Spectacular Hiking Trails in the Philippines". Culture Trip (sa wikang Ingles).
  60. Plana, Vincent (Hunyo 12, 2018). "BC's largest Filipino Fiesta is returning to Vancouver this summer". Daily Hive (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 13, 2018. Nakuha noong Hulyo 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "Terrorism in the Philippines: Places you should avoid". World Nomads (sa wikang Ingles).
  62. Philip Sherwell (Mayo 23, 2016). "How Abu Sayyaf makes a business of beheadings as Islamist terror gang releases 'final message' hostage video". The Telegraph (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Marquez, Buen. "A soaring eyesore: Torre de Manila's construction threatens Rizal Park's skyline – The Palladium Online" (sa wikang Ingles). Thepalladium.ph. Nakuha noong Marso 29, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Oslob loses heritage house – Cebu Daily News | Cebu Daily News" (sa wikang Ingles). Cebudailynews.inquirer.net. Agosto 14, 2017. Nakuha noong Marso 29, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "9 Philippine Icons and Traditions That May Disappear Soon". Filipiknow.net (sa wikang Ingles). Nobyembre 4, 2016. Nakuha noong Agosto 7, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Indy N. "10 Filipino Traditions We Hardly Perform Anymore – Pinoy Top Tens" (sa wikang Ingles). Topten.ph. Nakuha noong Marso 29, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)