Ang tuka ay isang bahaging pang-anatomiya na karamihang makikita sa mga ibon, subalit mayroon din ito ang ibang hayop tulad ng pagong, dinosawrong di-ibon at ilang mga mamalya. Nagsisilbi ito na ilong at bunganga at ginagamit ito para pangkain, panlaban, pag-aayos ng katawan o balahibo, pagpapakain sa mga inakay at marami pang ibang bagay.

Paghahambing ng mga tuka ng ibon, na pinapakita ang iba't ibang hugis na inangkop sa iba't ibang mga kaparaanan sa pagpapakain. Hindi magkakasukat.

Ang mga tuka sa iba't ibang uri ng ibon ay maaring ibang-iba ang laki, hugis o kulay. Binubuo ang mga tuka ng mataas at mababang sihang (o mandible). Sa karamihan ng mga espesye, may dalawang butas ang ginagamit para sa paghinga.

Anatomiya

baguhin

Bagaman may malaking pagkakaiba sa laki at hugis ng mga tuka mula sa iba't ibang espesye, may parehong huwaran ang kanilang pinagbabatayang istraktura. Binubuo ang lahat ng mga tuka ng dalawang panga, pangkalahatang kilala na mataas na sihang (o maxilla) at mababang sihang (o mandible).[1](p147) Ang mataas, at sa ilang kaso ang mababa, ay pinapatibay sa loob ng isang komplikadong network na tatlong dimensyon na mabutong espikula (o trabekula) na nakaluklok sa malambot na tisyung nakakabit at pinapalibutan ng isang matigas na panlabas na patong ng tuka.[2](p149)[3] Binubuo ang aparatong pangang pang-ibon ng dalawang yunit: isang mekanismong nag-uugnay sa apat na baras at isang mekanismong nag-uugnay sa limang baras.[4]

Maraming gamit ang tuka kabilang ang paggamit para makakain at makahinga. Ginagamit din ito para linisin ng espesye ang sarili partikular ang kanilang mga balahibo. Ginagamit din ng mga ibon ang kanilang mga tuka bilang pandepensa sa sarili kapag inaatake sila ng ibang espesye. Maaring tukain o gawing panaksak ang tuka para madepensa nila ang kanilang sarili sa mga nagbabanta sa kanila.[5]

Maraming ibon ang ginagamit ang tuka sa panliligaw. Maaari silang sumayaw, dampian ang mga tuka ng isa't isa, o tapikin ang mga bagay ng kanilang tuka. Sa ilang mga espesye, maaring ayusin ang balahibo (tinatawag sa Ingles na preening) sa pamamagitan ng kanilang tuka ang isa't isa bilang tanda ng pagkakaibigan o panliligaw.

Maaring mawalan ng init ng katawan ang mga ibong sa pamamagitan ng kanilang mga tuka dahil may dugo ang mga ito at hindi natatakpan ng mga balahibo. Ang mga ibon sa mga maiinit na lugar ay maaaring mawalan ng init sa paraang ito na hindi pinapawisan at nawawalan ng tubig. Ang mga ibong sa malalamig na klima ay may mas maliit na tuka upang pigilan ang sobrang pagkawala ng init.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Coues, Elliott (1890). Handbook of Field and General Ornithology (sa wikang Ingles). London, UK: Macmillan and Co. pp. 1, 147, 151–152, 155. OCLC 263166207.
  2. Gill, Frank B. (1995). Ornithology (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). New York, NY: W.H. Freeman and Company. pp. 149, 427–428. ISBN 978-0-7167-2415-5.
  3. Seki, Yasuaki; Bodde, Sara G.; Meyers, Marc A. (2009). "Toucan and hornbill beaks: A comparative study" (PDF). Acta Biomaterialia (sa wikang Ingles). 6 (2): 331–343. doi:10.1016/j.actbio.2009.08.026. PMID 19699818. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-04-02.
  4. Olsen, A.M. (3–7 Ene 2012). Beyond the beak: Modeling avian cranial kinesis and the evolution of bird skull shapes. Society for Integrative & Comparative Biology. Charleston, South Carolina. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 27 Hulyo 2015.
  5. Samour (2000) p. 7 (sa Ingles)