Tratado ng Pirineos
Ang Tratado ng Pirineos (Kastila: Tratado de los Pirineos, Catalan: Tractat dels Pirineus, Pranses: Traité des Pyrénées, Ingles: Treaty of the Pyrenees) ay pinirmahan (noong 1659) upang wakasin ang Digmaang Franco-Español (1635-1659) sa pagitan ng Pransiya at Espanya, isang digmaang noong una ay bahagi ng mas malaking Digmaan ng Tatlumpung Taon. Pinirmahan ito sa Isla de los Faisanes, isang pulong-ilog sa bakuran ng nasabing dalawang bansa. Ang mga haring Luis XIV ng Pransiya at Felipe IV ng Espanya ay kinatawan ng kani-kanilang mga punong ministro, sina Cardinal Manzarin at Don Luis de Haro.
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Buong teksto ng tratado Naka-arkibo 2005-09-18 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan, Espanya at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.