Thutmose III
Si Thutmose III (na minsang binabasa bilang Thutmosis o Tuthmosis III, Thothmes sa mas matandang mga akdang kasaysayan at nangangahulugang and meaning Si Thoth ay ipinanganak) ang ikaanim na Paraon ng Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto. Sa kanyang unang 22 taong paghahari, siya ang kapwa-hari ng kanyang inain at tiyang si Hatshepsut na pinangalanang paraon. Bagaman siya ay unang ipinakita sa mga nakaligtas na monumento, ang pareho ay tinakdaan ng mga karaniwang pangalan ng hari at insignia at wala sa dalawang ito ay may halatang senioridad sa isa pa.[3] Siya ay naglingkod bilang pinuno ng mga hukbo. Pagktapos ng kamatayan ni Hatshepsut, at ang kanyang kalaunang pag-akyat sa pagiging paraon ng kaharian, kanyang nilikha ang pinakamalaking kaharian ng Ehipto na kailanman ay nakit ng Ehipto. Hindi bababa sa mga 17 kampanya ang kanyang isinagawa at sumakop siya mula sa Niya sa hilagang Syra hanggang sa ikaapat na talon ng Nilo sa Nubia. Sa opisyal, si Thuthmose III ay namuno sa Ehipto sa halos 44 taon at ang kanyang paghahari ay kinabibilangan ng 22 taon na siya ay kapwa hari kay Hatshepsut. Sa huling dalawang taon ng kanyang paghahari, kanyang hinirang ang kanyang anak at kahaliling si Amenhotep II bilang batang kapwa-hari. Siya ay inilibing sa Lambak ng mga Hari gaya ng iba pang mga paraon sa panahong ito sa Ehipto.
Thutmose III | |
---|---|
Tuthmosis III, "Manahpi(r)ya" in the Amarna letters | |
Pharaoh | |
Paghahari | 1479–1425 BCE (18th Dynasty) |
Hinalinhan | Hatshepsut |
Kahalili | Amenhotep II |
Konsorte | Satiah,[2] Hatshepsut-Meryetre, Nebtu, Menwi, Merti, Menhet, Nebsemi |
Anak | Amenemhat, Amenhotep II, Beketamun, Iset, Menkheperre, Meryetamun, Meryetamun, Nebetiunet, Nefertiry, Siamun[2] |
Ama | Thutmose II |
Ina | Iset |
Ipinanganak | 1481 BCE |
Namatay | 1425 BCE |
Libingan | KV34 |
Monumento | Cleopatra's Needles |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Clayton, Peter. Chronicle of the Pharaohs, Thames & Hudson Ltd., 1994. p.104
- ↑ 2.0 2.1 Dodson, Aidan. Hilton, Dyan. The Complete Royal Families of Ancient Egypt, Thames and Hudson. p132. 2004. ISBN 0-500-05128-3
- ↑ Partridge, R., 2002. Fighting Pharaohs: Weapons and warfare in ancient Egypt. Manchester: Peartree. Pages: 202/203