Silay
Ang Lungsod ng Silay ay isang ikatlong klaseng lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 130,478 sa may 32,693 na kabahayan. Bahagi ito ng Pook Metropolitan na tinatawag na Metro Bacolod, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Bacolod at Talisay.[3] Sa lungsod matatagpuan ang bagong Paliparang Pandaigdig ng Bacolod-Silay; na pumalit sa Paliparang Domestiko ng Lungsod ng Bacolod.
Silay Lungsod ng Silay | |
---|---|
Mapa ng Negros Occidental na nagpapakita ng kinaroroonan ng Lungsod ng Silay. | |
Mga koordinado: 10°48′N 122°58′E / 10.8°N 122.97°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Kanlurang Kabisayaan (Rehiyong VI) |
Lalawigan | Negros Occidental |
Distrito | Pangatlong Distrito ng Negros Occidental |
Mga barangay | 16 (alamin) |
Ganap na Lungsod | Hunyo 12, 1957 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Mark J. Golez |
• Manghalalal | 89,483 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 214.80 km2 (82.93 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 130,478 |
• Kapal | 610/km2 (1,600/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 32,693 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-3 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 16.29% (2021)[2] |
• Kita | ₱893,626,102.54 (2020) |
• Aset | ₱1,366,572,654.80 (2020) |
• Pananagutan | ₱587,047,241.17 (2020) |
• Paggasta | ₱934,159,109.74 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 6116 |
PSGC | 064526000 |
Kodigong pantawag | 34 |
Uri ng klima | Tropikal na klima |
Mga wika | Wikang Hiligaynon wikang Tagalog |
Websayt | silaycity.gov.ph |
- Tumuturo dito ang Silay, para sa kalapit na bulkan, tingnan ang Silay (bulkan).
Madalas tawaging "Paris ng Negros" ang Silay[4] dahil sa malawak nitong kalipunan ng mga napapanataling mga sinaunang kabahayan. Higit sa tatlumpo ng mga kabahayan na ito ay naitalagang mga makasaysayang pook ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas na bahagi ng Pambansang Palantaang Pangkasaysayan ng Silay. [5][6]Noong 2015, ipinagdiwang ng lungsod ang ika-58 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod.[7]Pangalawang lungsod ang Silay na maitalagang museong lungsod, kasunod ng Vigan sa Ilocos Sur.
Etimolohiya
baguhinHinango ang taguring Silay mula sa pangalan ng isang puno na malawakang tumutubo sa lugar na ito. Ang Kansilay ang opisyal na pang-lungsod na puno ng Silay.
Ang alamat ni Prinsesa Kansilay
baguhinMay isang katutubong alamat na nagsasabi kung paano nakuha ng Lunsod ng Silay ang pangalan nito. Ikinukuwento na noong mga kapanahunan ng mga datu at mga rajah, mayroon isang namuhay na prinsesang si Kansilay. May lumusob na mga pirata sa bayan ngunit nagapi naman ang mga ito dahil sa pamumuno ng prinsesa. Lumaban ang prinsesa bilang isang tunay na mandirigma. May mga moog na dating pumapalamuti sa mga gusaling pampubliko ng lungsod na naglalarawan sa kaniyang pagiging mandirigma may iwinawasiwas na talibong, isang maikling espada na may iisang matalas na gilid lamang. Nalupig ang mga pirata, ngunit namatay ang prinsesa sa kabila ng tagumpay na ito. Napagmasdan ng kaniyang kasintahan ang kaniyang paglisan sa mundo ng buhay. May dalamhating inilibing nila ang kanilang pinakamamahal na prinsesa. Sa kanilang pagkamangha, mayroong isang punong tumubo sa ibabad ng kaniyang puntod. Ito ang unang puno ng Kansilay, ang huling regala ng matapang prinsesa, para sa kaniyang mga mamamayan.
Mga Barangay
baguhinAng Lungsod ng Silay ay nahahati sa 16 mga barangay.
|
|
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 25,214 | — |
1918 | 23,328 | −0.52% |
1939 | 39,483 | +2.54% |
1948 | 35,570 | −1.15% |
1960 | 60,324 | +4.50% |
1970 | 69,200 | +1.38% |
1975 | 104,887 | +8.70% |
1980 | 111,131 | +1.16% |
1990 | 101,031 | −0.95% |
1995 | 122,748 | +3.72% |
2000 | 107,722 | −2.76% |
2007 | 120,365 | +1.54% |
2010 | 120,999 | +0.19% |
2015 | 126,930 | +0.92% |
2020 | 130,478 | +0.54% |
Sanggunian: PSA[8][9][10][11] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Building Globally Competitive Metro Areas in the Philippines" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 5 Hulyo 2010. Nakuha noong 2010-06-16.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Silay City - Negros Occidental Provincial Government". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-07. Nakuha noong 2012-01-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Historical Commission of the Philippines (Hulyo 1990). "Declaring a Portion of Silay City, Negros Occidental, A National Historical Landmark" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 22 Hunyo 2015. Nakuha noong 22 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Historical Commission of the Philippines (30 Oktubre 1990). "Amending Resolution No. 2, s. 1990, Dated July 1990, Declaring a Portion of Silay City, Negros Occidental, A National Historical Landmark" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 22 Hunyo 2015. Nakuha noong 22 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pacete, Severino (9 Hunyo 2015). "Silaynons who made Silay". Sun.Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hunyo 2015. Nakuha noong 22 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VI (Western Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region VI (Western Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- Defunct Websayt ng Lungsod ng Silay Naka-arkibo 2008-09-15 sa Wayback Machine.
- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- Mga litrato - mga museo at sinaunang kabahayan Naka-arkibo 2007-11-13 sa Wayback Machine.