Para sa pulong nasa Australya, tingnan ang Pulo ng Ellis (Queensland).

Ang Pulo ng Ellis (Ingles: Ellis Island), na nasa bunganga ng Ilog ng Hudson sa Harbor ng Bagong York, ay ang lokasyon ng dating pangunahing pasukang pasilidad para sa mga imigranteng pumapasok sa Estados Unidos magmula Enero 1, 1892 hanggang Nobyembre 12, 1954. Pinalitan ng Pulo ng Ellis ang pinatatakbo ng estadong Kastilyo ng Clinton o Kampo ng Imigrasyon ng Halamanang Kastilyong (Castle Garden Immigration Depot, 1855-1890) nasa Manhattan. Pag-aari ito ng pamahalaang pederal at kasalukuyang bahagi ng Pambansang Bantayog ng Istatuwa ng Kalayaan, na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Palingkuran ng Pambansang Liwasan (National Park Service) ng Estados Unidos. Mas malawak na nakalagak ang pook na ito sa Lungsod ng Jersey, Bagong Jersey, bagaman bumabagsak ang maliit na bahagi ng teritoryo nito sa loob ng kapit-bahay na Lungsod ng Bagong York. Naging isang paksa ng pagtatalo hinggil sa hangganan sa pagitan ng mga estado ng Bagong York at Bagong Jersey ang Pulo ng Ellis.

Ang Pulo ng Ellis.

Dating tinatawag ito bilang Maliit na Pulo ng Talaba (Little Oyster Island).[1]. Nakuha ang pangalang Pulo ng Ellis mula kay Samuel Ellis, isang Bagong Yorkerong kolonyal, na maaaring nagmula sa Wales.

Mga sanggunian

baguhin
  1. New York Times, Naka-arkibo 2009-09-17 sa Wayback Machine. March 1, 2006, napuntahan noong Marso 16, 2008

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.